Pumunta sa nilalaman

Al-Muzzammil

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Surah Al-Muzzammil)
Sura 73 ng Quran
المزمل
Al-Muzzammil
Ang Nagtalukbong ng Buong Katawan[1]
KlasipikasyonMakkan
PosisyonJuzʼ 29
Blg. ng Ruku2
Blg. ng talata20
Blg. ng zalita200
Blg. ng titik854

Ang al-Muzzammil (Arabe: المزمل‎, “Ang Nagtalukbong ng Buong Katawan”) ay ang ikapitumpu't tatlong kabanata (sūrah) ng Qur'an, na naglalaman ng 20 talata (āyāt), na kinikilala ng mga Muslim bilang salita ng Diyos (Allah).

Kinuha ng Al-Muzzammil ang pangalan nito sa pagtukoy sa balabal ni propeta Muhammad, na nagdarasal sa gabi, na nasa pambungad na talata ng kabanata. Maraming kumentarista ang nagsasabing na “Ang Nakatalukbong” ay isang pangalan para kay Muhammad, na ginamit sa buong Qur'an.[2]

Sa simula ng surah, hinanda ng Diyos si Muhammad para sa isang mahalagang pahayag. Para sa paghahanda sa pahayag na ito, pinaluwag ng Diyos ang mahigpit na alituntunin sa panalangin tuwing gabi. Pagkatapos, tinagubilin si Muhammad na maging matiyaga para sa mga hindi naniniwala na mapaparusahan sa Impiyerno, tulad ng salaysayin ng kaparusahan ng Paraon.

  • 1-4 Tinawag si Muhammad at ang mga Muslim na magdasal tuwing gabi
  • 5-9 Ibibigkas ang Quran na may natatanging malakas na tono
  • 10-11 Pinayuhan si Muhammad na maging matiyaga para sa lapastangan at walang pananampalataya
  • 11-14 Dadaluhan ng Diyos ang mga hindi naniwala ng lubhang kapahamakan
  • 15-19 Isang babala ang kaparusahan ng Paraon sa mga Makkan
  • 20 Pagbabago sa batas na binigay sa talata 1-4 [3]

Sa simula ng Al-Muzzammil (Quran 73), nagpaliwanag ang Diyos sa merito ng panalangin sa gabi sa Unang Panahon ng Makkan. Iniutos kay Muhammad, at sa pamayanang Muslim pagkatapos, na "maging gising sa buong gabi, maliban sa isang bahaging maikli, kalahati, o mas kaunti, o mas marami; bigkasin ang Qur’an ng marahan at kakaiba.”[4] Noong Unang Panahong Makkan, sapat na maikli ang kabuuang pahayag sa Qur'an na maaring bigkasin tuwing gabi. Sa gayon, inaasahan ang mga Muslim na bigkasin ang Qur'an sa buong gabi. Napakahalaga ng panalangin sa gabi, dahil ang tuon ng mananampalataya sa panalangin at pahihiwalay sa anumang pagkakaabala ay pinaniniwalaang "makakagawa ng isang malalim na pakiramdam,"[5] sa mananampalataya.[6]

Bagaman, sa paglipas ng panahon, patuloy na lumago ang Qur'an, at noong naihayag ang ayat 20, masyadong napakahaba ng Qur'an upang buong ibigkas sa buong magdamag. Dahil dito, niluwagan ng Diyos ang nakaraang utos na ibigkas ang Qur'an sa gabi. Sinabihan si Muhammad na magdasal sa paraang mas madali para sa kanya tuwing gabi (“bigkasin ang Qur’an sa anumang kaya ninyo”[7]), subalit magpatuloy manalangin sa buong araw (“panatilihin ang panalangin [tuwing araw], magbayad ng inaatas na limos, at pahiramin ang Diyos ng isang mabuting pautang[8]).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Quran Tagalog Filipino in PDF Isinalin sa Wikang Tagalog nina Dr. Aboulkhair S. Tarason Ustadh Badi Udzaman S. Saliao at Muhammad M. Rodrigues Sinuri ni Dr. Muhammad Nadheer Ebil. Abril 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sahl b. Abd Allāh al-Tustarī (sa Arabe)
  3. Wherry, Elwood Morris (1896). A Complete Index to Sale's Text, Preliminary Discourse, and Notes (sa wikang Ingles). London: Kegan Paul, Trench, Trubner, and Co.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasa pampublikong dominyo.
  4. Haleem, Qur’an 73:2-4, (sa Ingles) http://www.oxfordislamicstudies.com/article/book/islam-9780192831934?sura=73&astart=1&asize=40 Naka-arkibo 2015-10-05 sa Wayback Machine.
  5. Haleem, Qur’an 73:6, (sa Ingles) http://www.oxfordislamicstudies.com/article/book/islam-9780192831934?sura=73&astart=1&asize=40 Naka-arkibo 2015-10-05 sa Wayback Machine.
  6. Tafsir al-Jalalayn (sa Ingles)
  7. Haleem, Qur’an 73:20, (sa Ingles) http://www.oxfordislamicstudies.com/article/book/islam-9780192831934?sura=73&astart=1&asize=40 Naka-arkibo 2015-10-05 sa Wayback Machine.
  8. Haleem, Qur’an 73:20, (sa Ingles) http://www.oxfordislamicstudies.com/article/book/islam-9780192831934?sura=73&astart=1&asize=40 Naka-arkibo 2015-10-05 sa Wayback Machine.