Pumunta sa nilalaman

Surah Al-Kafirun

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Quran 109)
Sura 109 ng Quran
ٱلكَافِرُون
Al-Kāfirūn
KlasipikasyonMakkan
Ibang pangalanThe Unbelievers
PosisyonJuzʼ 30
Blg. ng talata6
Blg. ng zalita27
Blg. ng titik98

Ang Sūrat al-Kāfirūn (Arabiko: سورة الكافرون‎, Ang mga Walang Pananampalataya) ang ika-109 kapitulo ng Koran.

Mga bersikulong Arabiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

1. بِسۡمِ اللّٰہِ الرَّحۡمٰنِ الرَّحِیۡمِ

2. قُلۡ یٰۤاَیُّہَا الۡکٰفِرُوۡنَ

3. لَاۤ اَعۡبُدُ مَا تَعۡبُدُوۡنَ

4. وَ لَاۤ اَنۡتُمۡ عٰبِدُوۡنَ مَاۤ اَعۡبُدُۚ

5. وَ لَاۤ اَنَا عَابِدٌ مَّا عَبَدۡتُّمۡ

6. وَ لَاۤ اَنۡتُمۡ عٰبِدُوۡنَ مَاۤ اَعۡبُدُؕ

7. لَکُمۡ دِیۡنُکُمۡ وَلِیَ دِیۡنِ

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Sabihin mo, O Muhammad, sa kanila na hindi naniwala sa Allâh at sa Kanyang Sugo: “O kayong mga hindi naniniwala sa Allâh

2. “Hindi ko sasambahin ang anumang sinasamba ninyo na mga rebulto at mga diyus-diyosan na walang kabuluhan.

3. “At kayo ay hindi rin ninyo sasambahin ang aking sinasamba na Bukod-Tanging Nag-iisa, na Siya lamang ang karapat-dapat na sambahin.

4. “At ako, kailanman ay hindi mangyayari na sasamba sa mga sinasamba ninyo na mga rebulto at mga huwad na mga diyos.

5. “At kailanman ay hindi kayo sasamba sa aking sinasamba.

6. “Na kung kaya, sa inyo na lamang ang inyong ‘deen’ (o relihiyon) na inyong pinagpipilitan na sundin, at sa akin na lamang din ang aking ‘Deen’ (o Relihiyon), na hindi na ako maghahangad ng iba pa.”