Pumunta sa nilalaman

Surah An-Nas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Quran 114)
Sura 114 ng Quran
سورۃ ٱلنَّاس
Al-Nās
KlasipikasyonMakkan
Ibang pangalanThe Men, People
PosisyonJuzʼ 30
Blg. ng talata6
Blg. ng zalita20
Blg. ng titik80

Ang Sura An-Nās (Arabiko: سورة الناس‎, Sūrat An-Nās, "Ang Sangkatauhan") ang ika-114 at huling kapitulo ng Koran.

Mga bersikulong Arabiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

بِسمِ اللّٰہِ الرَّحمٰنِ الرَّحِیمِ
قُل أَعُوذُ بِرَبِّ ٱلنَّاسِ
مَلِكِ ٱلنَّاسِ
إِلَـٰهِ ٱلنَّاسِ
مِن شَرِّ ٱلوَسوَاسِ ٱلخَنَّاسِ
ٱلَّذِي يُوَسۡوِسُ فِى صُدُورِ ٱلنَّاسِ
مِنَ ٱلجِنَّةِ وَٱلنَّاسِ

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Sabihin mo, O Muhammad: “Nagpapakupkop ako at hinihingi ko ang kalinga ng Allâh na ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng sangkatauhan, na Bukod-Tanging Makapangyarihan na pigilin ang kasamaan ng sinumang nanlilinlang.

2. “Ang ‘Malik’" – Hari ng mga tao na Siyang Bukod-Tanging Tagapangasiwa sa lahat ng kanilang mga kalagayan, na Malaya at hindi nangangailangan sa kanila,

3. “Ang ‘Ilâh’ o Diyos na sinasamba ng sangkatauhan na Siya lamang ang Bukod-Tangi na may karapatan at karapat-dapat na sambahin.

4. “Mula sa kapinsalaan ni ‘Shaytân’ na nambubuyo sa oras ng pagkalimot ng tao sa pagkakaalaala sa Allâh at naglalaho kapag naalaala ang Allâh.

5. “Na siya ang nambubuyo ng kasamaan at naglalagay ng pag-aalinlangan sa mga dibdib ng mga tao.

6. “Mula sa mga ‘Shaytân’ na nagmula sa lahi ng ‘jinn’ at nagmula sa lahi ng tao.”