Rosario, Arhentina
Rosario | |||
---|---|---|---|
Lungsod ng Rosario | |||
Tanawin ng Rosario mula sa himpapawid | |||
| |||
Palayaw: | |||
Mga koordinado: 32°57′S 60°40′W / 32.950°S 60.667°W | |||
Bansa | Argentina | ||
Lalawigan | Santa Fe | ||
Departamento | Rosario | ||
Itinatag | Oktubre 7, 1793 | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | 6 mga pook-munisipal | ||
• Intendant | Mónica Fein[3] (SPA) | ||
Lawak | |||
• Lungsod | 178.69 km2 (68.99 milya kuwadrado) | ||
Taas | 31 m (102 tal) | ||
Populasyon (Senso 2010)[4] | |||
• Kabuuan | 1,193,605 | ||
• Kapal | 6,680/km2 (17,300/milya kuwadrado) | ||
Demonym | rosarino, -a | ||
Sona ng oras | UTC−3 (ART) | ||
Kodigong postal | S2000 | ||
Area code | 0341 | ||
Websayt | rosario.gob.ar |
Ang Rosario (pagbigkas sa wikang Kastila: [roˈsaɾjo]) ay ang pinakamalaking lungsod sa lalawigan ng Santa Fe, sa gitnang Arhentina. Matatagpuan ito 300 kilometro (186 milya) hilagang-kanluran ng Buenos Aires, sa kanlurang dalampasigan ng Ilog Paraná. Pangatlong pinakamataong lungsod sa bansa ang Rosario, at ito rin ang pinakamataong lungsod sa Arhentina na hindi isang kabisera ng anumang lalawigan. Kalakip ang lumalaki at mahalagang kalakhang pook, ang Malawakang Rosario ay may tinatayang populasyon na 1,276,000 katao magmula noong 2012[update].[5] Isa sa mga pangunahing atraksiyon nito ay ang arkitektong neoklasiko na napanatili sa daan-daang mga tahanan, kabahayan at pampublikong gusali sa loob ng mga dantaon.
Ang Rosario ay ang punong lungsod ng Departamento ng Rosario at matatagpuan ito sa gitna ng pangunahing koridor ng industriya sa Arhentina. Isang pangunahing himpilan ng daambakal ang lungsod, at ito rin ang sentro ng pagbabapor sa hilaga-silangang Arhentina. Umaabot ang mga barko sa lungsod gamit ang Ilog Paraná, na nagpapahintulot ng pag-iral ng isang pantalang 10 metro (34 talampakan) ang lalim. Mahilig sa pagpuputik (silting) ang Pantalan ng Rosario at kinakailangang idraga nang pana-panahon.[6] Kabilang sa mga iniluluwas ang trigo, harina, dayami, lino at iba pang mga mantikang gulay, mais, asukal, troso, karne, balat ng hayop, at lana. Kabilang sa mga produktong ginagawa rito ang harina, asukal, mga produkto ng karne, at iba pang mga pagkain. Ang Tulay ng Rosario-Victoria, na binuksan noong 2004, ay tumatawid sa Ilog Paraná at nag-uugnay ng Rosario sa lungsod ng Victoria sa kabilang panig ng Deltang Paraná. Sapagkat mahalaga ang gampanin nito sa komersiyo ng agrikultura, sentro ang lungsod ng patuloy na debate ukol sa mga buwis na ipinapataw sa mga produktong pang-agrikultura na malaki ang pinaggagastusan, tulad ng balatong (soy).
Kasama ang lungsod ng Paraná, isa ang Rosario sa ilang mga lungsod sa Arhentina na hindi makapagtuturo sa isang tao o indibiduwal bilang tagapagtatag nito. Si "Birhen ng Santo Rosario" ang pintakasi nito, ang kanyang kapistahan ay Oktubre 7. Ang 14812 Rosario na isang makabuntala ay ipinangalan mula sa lungsod.[7]
Kasama sa mga kilalang taga-Rosario ang rebolusyonaryong si Che Guevara; mga manlalaro sa putbol na sina Lionel Messi, Ángel Di María, Maximiliano Rodríguez at Mauro Icardi; mga tagapagsanay sa putbol na sina César Luis Menotti, Marcelo Bielsa at Gerardo Martino; manlalaro sa pandamuhang hockey na si Luciana Aymar; mga manlalaro sa unyong rugby na sina Juan Imhoff at Leonardo Senatore; aktor/komedyanteng si Alberto Olmedo at aktress na si Libertad Lamarque; kompositor sa diyas na si Gato Barbieri; kartunista/manunulat na si Roberto Fontanarrosa; mang-aawit/manunulat ng awit na si Fito Paez; artista/pintor na si Antonio Berni at modelong si Valeria Mazza.
Mga kakambal at kapatid na lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakakambal ang Rosario sa:[8]
|
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Monumento Histórico Nacional a la Bandera Argentina en la página de la Municipalidad de Rosario
- ↑ Página del Ministerio de Educación de la Nación sobre el Monumento Histórico Nacional a la Bandera. Naka-arkibo 2009-02-22 sa Wayback Machine.
- ↑ Municipalidad de Rosario official website
- ↑ "Provincia de Santa Fe, departamento Rosario. Población total por país de nacimiento, según sexo y grupo de edad. Año 2010" (PDF). INDEC. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2014-08-26.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Encuesta Permanente de Hogares. Resultados del segundo trimestre de 2012" (PDF). INDEC. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 29 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [1][patay na link]
- ↑ JPL Small-Body Database Browser - 14812 Rosario (1981 JR1) Jet Propulsion Laboratory (NASA)
- ↑ 8.00 8.01 8.02 8.03 8.04 8.05 8.06 8.07 8.08 8.09 8.10 8.11 8.12 8.13 8.14 8.15 8.16 8.17 8.18 8.19 8.20 8.21 8.22 "Town Twinning Agreements". Municipalidad de Rosario - Buenos Aires 711. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 19 Marso 2015. Nakuha noong 14 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Twin City activities". Haifa Municipality. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 9 Oktubre 2007. Nakuha noong 14 Pebrero 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Shanghai Foreign Affairs". Shfao.gov.cn. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 18 Mayo 2011. Nakuha noong 17 Mayo 2011.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pessotto, Lorenzo. "International Affairs – Twinnings and Agreements". International Affairs Service in cooperation with Servizio Telematico Pubblico. City of Torino. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 18 Hunyo 2013. Nakuha noong 6 Agosto 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Munisipalidad ng Rosario (opisyal na websayt)
- RosarioCity (komersiyal na websayt ng lungsod ng Rosario at rehiyong nito)
- Rosariocomercio.com.ar Naka-arkibo 2015-05-13 sa Wayback Machine. (gabay pang-komersiyo ng Rosario)
- Rosario.com.ar (Kabatiran tungkol sa Malawakang Rosario)