Pumunta sa nilalaman

Sagrada Família

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sagrada Família
Dayag ng Pasyon noong Hulyo 2018
Relihiyon
PagkakaugnayKatolisismo
DistrictBarcelona
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyonBasilika menor
PamumunoKanyang Kadakilaan Juan Josep Cardinal Omella, Arsobispo ng Barcelona
Taong pinabanal7 Nobyembre 2010
KatayuanAktibo/hindi tapos
Lokasyon
LokasyonBarcelona, Katalunya, Espanya
Arkitektura
(Mga) arkitektoAntoni Gaudí
IstiloModernisme
Pangkalahatang kontratistaLupon ng Konstruksyon ng Pundasyon ng La Sagrada[1]
[alanganin]
Groundbreaking1882; 143 taon ang nakalipas (1882)
Nakumpletogawain sa istraktura 2026[2] (pagtatantiya noong 2017)
palamuti 2032[3]
Mga detalye
Direksyon ng harapanTimog-silangan
Kapasidad9,000
Haba90 m (300 tal)[4]
Lapad60 m (200 tal)[4]
Lapad (nabe)45 m (150 tal)[4]
(Mga) taluktok18 (8 na itinayo na)
Taas ng taluktok170 m (560 tal) (planado)
Websayt
sagradafamilia.org


Ang Temple Expiatori de la Sagrada Família (Catalan: [səɣɾaðə fəmili.ə]; Kastila: Templo Expiatorio de la Sagrada Familia; "Ekspiyasyoning Simbahan ng Banal na Mag-anak") [5] ay isang malaking di-tapos na simbahang Katolika Romana sa Barcelona, na dinisenyo ng Katalanong arkitekto na si Antoni Gaudí (1852-1926). Bahagi ng isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO ang gawa ni Gaudí sa gusali.[6]' Noong Nobyembre 2010, bininyagan ni Papa Benedicto XVI ang simbahan at ipinahayag ito bilang isang basilika menor.[7][8][9]

Noong 1882, nagsimula ang pagtatayo ng Sagrada Família sa ilalim ng arkitekto na si Francisco de Paula del Villar. Noong 1883, nang nagbitiw si Villar,[6] naging punong arkitekto si Gaudí, kung saan binabago ang proyekto gamit ang kanyang estilo ng arkitektura at inhenyeriya, na pinagsasama ang mga pormang Gotiko at kurbilinyar na Art Nouveau. Inihandog ni Gaudí ang natirang bahagi ng kanyang buhay sa proyekto, at inilibing siya sa kripta. Sa panahon ng kanyang kamatayan sa edad na 73 noong 1926, nang sinagasaan siya ng isang tram, wala pang isang-kapat na bahagi ng proyekto ang kumpleto.[10]

Umaasa lamang sa mga pribadong donasyon, dahan-dahang tumuloy ang konstruksyon ng Sagrada Família at naantala noong Digmaang Sibil ng Espanya. Noong Hulyo 1936, sinunog ng mga rebolusyonaryo ang kripta at pinasukan ang pagawaan, bahagyang nilipol ang mga orihinal na plano, mga guhit, at mga modelong eskayola ni Gaudí, na humantong sa pagtitipon nang 16 na taon ng mga kapiraso ng modelong maestro.[11] Ipinagpatuloy ang konstruksyon at nagkaroon ng intermitenteng pag-unlad noong dekada 1950. Napabilis ng mga pagsulong sa mga teknolohiya tulad ng disenyong naaasista ng kompyuter at kompyuterisadong kontrol ng numero (Ingles: computerized numerical control o CNC) ang progreso at konstruksyon pagkalipas ng gituldok noong 2010. Gayunpaman, nananatili ang ilan sa mga pinakamalaking hamon ng proyekto, kabilang ang pagtatayo ng sampu pang taluktok, sumasagisag ang bawat isa sa isang mahalagang tauhang bibliya sa Bagong Tipan.[10] Inaasahan na makukumpleto ang gusali sa 2026, ang sentenaryo ng kamatayan ni Gaudí.

May mahabang kasaysayan ang basilika ng paghahati ng opinyon ng mga residente ng Barcelona: sa unang posibilidad na makikipagkumpitensya ito sa Katedral ng Barcelona, sa disenyo ni Gaudí mismo, sa posibilidad na binalewala ang orihinal na disenyo ng mga gawain pagkatapos ng pagkamatay ni Gaudí,[12] at ang panukala noong 2007 upang bumuo ng lagusan ng koneksyong high-speed rail ng Espanya sa France na maaaring makagambala sa katatagan nito.[13] Noong naglalarawan ng Sagrada Família, nagsabi ang kritiko sa sining na si Rainer Zerbst na "marahil imposibleng makahanap ng gusali ng iglesya tulad nito sa buong kasaysayan ng sining",[14] at inilalarawan ito ni Paul Goldberger bilang "ang pinakakahanga-hangang personal na interpretasyon ng arkitektong Gotika simula noong Gitnang Kapanahunan".[15]

Modelo ng kumpletong disenyo

Ang Basilika ng Sagrada Família ay inspirasyon ng isang tagabenta ng aklat, Josep Maria Bocabella, tagapagtatag ng Asociación Espiritual de Devotos de San José (Asosasyong Espirituwal ng mga Deboto ni San Jose).[16]

Pagkatapos ng isang pagbisita sa Vaticano noong 1872, bumalik si Bocabella mula sa Italya na may balak na bumuo ng simbahang hango sa basilika sa Loreto.[16] Sinimulan ang kriptang apsis ng simbahan, na pinondohan ng mga donasyon, noong Marso 19, 1882, sa pagdiriwang ng San Jose, na nakabatay sa disenyo ni arkitekto Francisco de Paula del Villar, na nagplano ng isang muling pagsilang ng Gotikong simbahan ng karaniwang anyo.[16] Nakumpleto ang kriptang apsis bago ang pagbitay ni Villar noong Marso 18, 1883, nang iniligay si Gaudí bilang responsable sa disenyo nito, na ibinago niya nang husto.[16] Nagsimulang pagtrabahuan ni Antoni Gaudí ang simbahan noong 1883 ngunit hindi hinirang na Direktor ng Arkitekto hanggang 1884.

Halata ang bagong pagkakantero sa Sagrada Família salungat sa mga mantsa at gasgas ng mga mas lumang seksyon.

Sa paksa ng napakatagal na panahon ng konstruksyon, pinaniniwalaang sinabi ni Gaudí na: "Hindi nagmamadali ang aking kliyente."[17] Nang mamatay si Gaudí noong 1926, nasa gitna ng 15 at 25 porsiyentong kumpleto ang basilika.[10][18] Pagkatapos ang kamatayan ni Gaudí, natuloy ang gawain sa ilalim ng direksyon ni Domènec Sugrañes i Gras hanggang gambalain ng Digmaang Sibil ng Espanya noong 1936.

Nasira ang mga bahaging hindi natapos ng basilika at mga modelo at pagawaan ni Gaudí sa panahon ng digmaan ng mga anarkista ng Katalunya. Ang kasalukuyang disenyo ay batay sa mga muling ibinuong bersyon ng mga plano na sinunog gayundin sa mga modernong pagbagay. Mula noong 1940, tumuloy sa pagsasagawa ang mga sumusunod na arkitekto: Francesc Quintana, Isidre Puig Boada, Lluís Bonet i Gari, at Francesc Cardoner. Dinisenyo ni Carles Buïgas ang pananglaw. Naglangkap ang kasalukuyang direktor at anak ni Lluís Bonet, Jordi Bonet i Armengol, ng mga kompyuter sa mga proseso ng disenyo at pagtatayo mula noong dekada 1980. Naglilingkod si Mark Burry ng Bagong Selanda bilang Ehekutibong Arkitekto at Mananaliksik.[19] Pinalamutian ng mga eskultura ni J. Busquets, Etsuro Sotoo at ang kontrobersiyal na Josep Maria Subirachs ang mga hindi kapani-paniwalang dayag. Naging punong arkitekto si Jordi Fauli, na galing sa Barcelona, noong 2012.[20]

Nakumpleto ang kalagitnaang nabeng bobeda noong 2000 at ang mga pangunahing gawain mula noon ay ang pagtatayo ng transeptong bobeda at apsis. Magmula noong 2006, nakatuon ang trabaho sa istrakturang bumabagtas at sumusuporta sa pangunahing kampanaryo ni Hesukristo pati na rin ang katimugang bakod ng nabeng sentral na magiging ang dayag ng Kaluwalhatian.

Nakikibahagi ang simbahan sa kanyang pagtatayuan kasama ang gusali ng Paaralang Sagrada Família, isang paaralan na orihinal na dinisenyo ni Gaudí noong 1909 para sa mga bata ng mga trabahador. Inilipat noong 2002 mula sa silangang sulok ng pagtatayuan patungo sa timugang sulok, may eksibisyon na ang gusali ngayon.[kailangan ng sanggunian]


Katayuan ng konstruksyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa modelong ito, ang natitirang mga bahagi na itatayo ay kayumanggi (2023).
Itinatayong pundasyon ng kampanaryo ni Kristo (2009).

Ipinahayag ng punong arkitekto na si Jordi Fauli noong Oktubre 2015 na 70 porsiyentong kumpleto ang konstruksiyon at nasa ang huling yugto ito ng pagpapatayo ng anim na napakalaking kampanaryo. Inaasahang makumpleto ang mga kampanaryo at ang karamihan sa istraktura ng simbahan sa 2026, ang sentenaryo ng kamatayan ni Gaudí; dapat kumpleto ang mga elementong pandekorasyon sa 2030 o 2032. Nagpopondo ang mga bayarin sa pagpasok ng bisita na 15-20 euro sa taunang badyet ng konstruksyon na 25 milyong euros.[21]

Ginagamit ang teknolohiya ng disenyong naaasista ng kompyuter upang pabilisin ang pagtatayo ng gusali. Nagpapahintulot ang kasalukuyang teknolohiya na hubugin ang bato sa labas ng pagtatayuan sa pamamagitan ng isang CNC milling machine, samantalang sa ika-20 siglo, inukit ng kamay ang bato.[22]

Noong 2008, itinataguyod ng ilang kilalang mga arkitekto ng Katalunya ang pagtigil ng konstruksyon,[23] upang igalang ang mga orihinal na disenyo ni Gaudí, na kahit na hindi sila puspusan at bahagyang nasira, bahagyang ibinuo muli sa mga nakaraang taon.[24]

Noong 2018, natagpuan ang uri ng bato na kailangan para sa konstruksyon sa isang tibagan sa Brinscall, malapit sa Chorley, Inglatera[25]

Etsuro Sotoo, isang Hapones na artista, na nagtatrabaho sa pagawaang dyipsum

Mula noong 2013, dumadaan ang mga AVE high-speed train malapit sa Sagrada Família sa pamamagitan ng isang lagusan na tumatakbo sa ilalim ng sentro ng Barcelona.

Kontrobersyal ang konstruksyon ng lagusan na nagsimula noong Marso 26, 2010. Nagpahayag ang Ministro ng Mga Pampublikong Gawain ng Espanya (Ministerio de Fomento) na walang panganib sa simbahan ang proyekto.[26][27] Hindi sumasang-ayon ang mga inhinyero at arkitekto ng Sagrada Família na nagsabi na walang garantiya na hindi makakaapekto ang lagusan sa katatagan ng gusali. Nagsihantong ang Lupon ng Sagrada Família (Patronat de la Sagrada Família) at ang asosasyon ng kapitbahayang AVE pel Litoral (AVE sa May Pampang) ng isang kampanya laban sa rutang ito para sa AVE, nang walang tagumpay.  

Noong Oktubre 2010, naabutan ng makinang pamberna ng lagusan ang ilalim ng simbahan sa lokasyon ng pangunahing dayag ng gusali.[26] Pinasinayaan ang serbisyo sa lagusan noong ika-8 ng Enero 2013.[28] Gumagamit ang landas sa lagusan ng isang sistema ni Edilon Sedra kung saan naka-embed ang mga daambakal sa isang igkasing materyales upang patamlayin ang mga sikdo.[29] Walang iniulat na pinsala sa Sagrada Família hanggang ngayon.

Itinakpan ang pangunahing nabe at ang ikinabit na organ sa kalagitnaan ng 2010, para magamit ang hindi pa natapos na gusali para sa mga relihiyosong serbisyo.[30] Kinonsagrahan ang simbahan ni Papa Benedicto XVI noong ika-7 ng Nobyembre 2010 sa harap ng kongregasyon ng 6,500 tao.[31] Sinundan ng karagdagang 50,000 katao ang sa Misang pagpapabanal mula sa labas ng basilika, kung saan mayroong higit sa 100 obispo at 300 pari upang mag-alay ng Banal na Komunyon.[32] Simula sa Hulyo 9, 2017, mayroong isang pandaigdigang masa na ipinagdiriwang sa basilika tuwing Linggo at tuwing mga banal na araw ng obligasyon, sa alas-9 ng umaga, bukas sa publiko (hanggang puno ang simbahan). Paminsan-minsan, ipinagdidiriwang ang Misa sa iba pang mga pagkakataon, kung saan nangangailangan ng imbitasyon ang pagdalo. Kapag naka-iskedyul ang misa, inilalagay ang mga tagubilin upang makakuha ng imbitasyon sa websayt ng basilika. Bilang karagdagan, maaaring manalangin ang mga bisita sa kapilya ng Banal na Sakramento at Pagsisisi.[33]

Noong ika-19 ng Abril 2011, nagpasimuno ang isang manununong ng isang maliit na apoy sa sakristiya na nagpahintulot sa ebakwasyon ng mga turista at trabahador;[34] nasira ang sakristiya, at tumagal nang 45 minuto bago mapigilan ang apoy.[35]

Silangang tanawin, kasama ang dayag ng Natibidad (2017)

Inihahalintulad ang estilo ng la Sagrada Família sa mga iba't ibang estilo tulad ng Huling Gotika Espanyol, Modernismong Katalano at Art Nouveau o Catalan Noucentisme. Habang nasa loob ng panahon ng Art Nouveau ang Sagrada Família, ipinunto ni Nikolaus Pevsner kasama ni Charles Rennie Mackintosh sa Glasgow na dinala ni Gaudí ang estilo ng Art Nouveau sa ibayo ng karaniwang aplikasyon nito bilang palamuti sa labas.[36]

Habang hindi kailanman sinadya maging katedral (luklukan ng isang obispo), pinlano ang Sagrada Família sa simula pa lamang na maging isang katedral na may laki ng gusali.[kailangan ng sanggunian] May malinaw na kaugnayan ang plano nito sa mga mas maagang katedral Espanyol tulad ng Katedral ng Burgos, Katedral ng León at Katedral ng Seville. Katulad sa mga Katalanong at maraming iba pang Europeong Gotikang katedral, maikli ang Sagrada Família kung ihahambing sa lapad nito, at may mga napakakumplikadong bahagi, kinabibilangan ng magkapares na pasilyo, isang ambulatoryo na may chevet ng pitong kapilyang apsidal, maraming mga kampanaryo at tatlong lagusan, kakaiba ang bawat isa sa istraktura pati na rin sa dekorasyon.[kailangan ng sanggunian] Sa Espanya kung saan karaniwang napapalibutan ang mga katedral ng maraming kapilya at eklesiyastikong gusali, may isang hindi karaniwang tampok ang plano ng simbahan: isang daanan o klaustro na may bubong na bumubuo ng parihabang pumapaligid sa simbahan at dumadaan sa narteks ng bawat isa sa tatlong mga lagusan nito. Maliban sa kakaibhang ito, halos hindi ipinapahiwatig ng plano, na naimpluwensiyahan sa kripta ni Villar, ang pagiging kumplikado ng disenyo ni Gaudí o sa mga paglihis nito mula sa tradisyunal na arkitektong iglesia.[kailangan ng sanggunian] Walang eksaktong anggulong rekto na makikita sa loob o labas ng simbahan, at kaunti lamang ang tuwid na linya sa disenyo.[kailangan ng sanggunian]

Sa orihinal na disenyo ni Gaudi, kailangan ng labing-walong taluktok na kumakatawan nang pataasan sa tangkad ng Labindalawang Apostol,[37] ang Birheng Maria, ang apat na Ebanghelista at, pinakamataas sa lahat, si Hesukristo. Magmula noong 2010, walo ang nakatayong taluktok, katumbas ng apat na apostol sa dayag ng Natibidad at apat na apostol sa dayag ng Pasyon.

Ayon sa "Works Report" noong 2005 sa opisyal na websayt ng proyekto, ipinapahiwatig ng mga guhit na nilagdaan ni Gaudí na kamakailang natagpuan sa Arkibong Munisipal na ang katunayan na hindi ipinlanong maging mas maikli ang taluktok ng Birhen Gaudí kaysa sa mga taluktok ng ebanghelista. Susunod ang tangkad ng taluktok sa intensyon ni Gaudí, na aasikasuhin ang kasalukuyang pundasyon ayon sa ulat.[kailangan ng sanggunian]

Mapapatungan ang mga taluktok ng mga Ebanghelista ng mga eskultura ng kanilang mga tradisyonal na simbolo: isang torong may pakpak (San Lucas), isang taong may pakpak (San Mateo), isang agila (San Juan), at isang may pakpak na leon (San Marcos). Dapat papatungan ang kalagitnaang taluktok ni Hesukristo ng isang higanteng krus; ang kabuuang taas nito (170 metro (560 ft)) ay isang metrong mas mababa kaysa sa burol ng Montjuïc sa Barcelona dahil pinaniwalaan ni Gaudí na hindi dapat malampasan ng kanyang paglikha ang likha ng Diyos. Pinatungan ang mas mababang mga taluktok ng ostiya na may mga kalo ng trigo at kalis na may mga tangkay ng ubas, na kumakatawan sa Eukaristiya.[kailangan ng sanggunian]   Inaatasan ng plano ang pagkakaroon ng mga pantubong kampanilya sa loob ng mga taluktok, na hinimok ng lakas ng hangin, at nagdadala pababa ng tunog sa loob ng simbahan. Gumawa si Gaudí ng mga araling pang-akustiko upang makamit ang mga naangkop na resulta ng tunog sa loob ng templo.[38] Gayunpaman, isa lamang ang kampanilya sa lugar.[39]

Pagkumpleto ng mga taluktok, magiging pinakamataas na simbahan sa mundo ang Sagrada Família.[kailangan ng sanggunian]

Ang dayag ng Natibidad

Magkakaroon ang simbahan ng tatlong magagandang dayag: ang Dayag ng Natibidad sa silangan, ang Dayag ng Pasyon sa kanluran, at ang Dayag ng Luwalhati sa timog (hindi pa nakukumpleto). Itinayo ang dayag ng Natibidad bago huminto ang trabaho noong 1935 at nagpapakita ng pinakadirektang impluwensya ni Gaudí. Itinayo ang dayag ng Pasyon alinsunod sa disenyo na nilikha ni Gaudí noong 1917. Nagsimula ang konstruksiyon noong 1954, at natapos ang mga kampanaryo na binuo sa ibabaw ng tambilugang plano noong 1976. Kapansin-pansin ito dahil sa kanyang mga ekstrang, yayat, pinarusahang tauhan, kabilang ang mga dayupay na pigura ni Kristo na pinahagupit sa poste at si Kristo sa Krus. Ang mga kontrobersyal na disenyo ay gawain ni Josep Maria Subirachs. Ang Dayag ng Luwalhati, kung saan nagsimula ang konstruksiyonnoong 2002, ang magiging pinakamalaki at pinakadakila sa tatlo at kakatawan ang asensyon ng isang tao sa Diyos. Ipapakita rin nito ang iba't ibang eksena tulad ng Impyerno, Purgatoryo, at isasama ang mga elemento tulad ng Pitong mga kasalanang nakamamatay at ang Pitong makalangit na birtud.

Dayag ng Natibidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Iskultura ng koro ng mga batang anghel

Itinayo mula 1894 hanggang 1930, ang dayag ng Natibidad ay ang unang nakumpletong dayag. Nakatuon sa pagsilang ni Hesus, pinalamutian ito ng mga eksena na nakapagpapaalaala sa mga elemento ng buhay. Tipikal sa estilong naturalistiko ni Gaudí, gayak na inayos ang mga eskultura at pinalamutian ng mga eksena at mga larawan mula sa kalikasan, bawat simbolo sa panariling paraan. Halimbawa, pinaghihiwalay ang tatlong portiko ng dalawang malalaking haligi, at sa base ng bawat isa ay may pagong o pawikan (kumatawan sa lupa at dagat ayon sa pagkabanggit; bawat isa ay simbolo ng oras bilang isang bagay na hindi nagbago at hindi mababago) . Kabaligtaran ng mga pigura ng mga pagong at kanilang simbolismo, matatagpuan ang dalawang hunyango sa magkabilang panig ng dayag na sumasagisag ng pagbabago.

Nakaharap ang dayag sa sumisikat na araw sa hilagang-silangan, isang simbolo para sa kapanganakan ni Kristo. Nahahati ito sa tatlong portiko, ang bawat isa ay kumakatawan sa isang teolohikal na birtud (Pag-asa, Pananampalataya at Kawanggawa). Tumitindig ang Puno ng Kabuhayan sa itaas ng pintuan ni Hesus sa portiko ng Kawanggawa. Kinukumpleto ng apat na kampanaryo ang dayag at dedikado ang bawat isa sa isang Santo (Matias, Barnabas, Hudas ang Alagad, at Simon ang Cananeo).

Sa simula, binalak ni Gaudí na maging polikrom ng dayag na ito, bawat artsibolta pipinturahan ng iba't ibang kulay. Nais niyang mapinturahan ang bawat estatwa at pigura. Sa ganitong paraan, magmumukang masigla ang mga piguro ng mga tao katulad ng mga pigura ng mga halaman at hayop.[40]

Pinili ni Gaudí ang dayag na ito upang sagisagin ang istruktura at dekorasyon ng buong simbahan. Alam niya na hindi niya matatapos ang simbahan at na kailangan niyang magtakda ng artistikong at arkitektural na halimbawa para sundan ng iba. Nagpasiya rin siya na simulan ang konstruksiyon sa dayag na ito at para maging, sa kanyang opinyon, ang pinakakaakit-akit at mapupuntahan ng publiko. Naniwala siya na kung sinimulan niya ang konstruksiyon sa Dayag ng Pasyon, na matigas at hubad (tila buto), bago ang Dayag ng Natibidad, maaalis ang mga tao sa paningin nito.[41] Nawasak ang ilan sa mga bantayog noong 1936 sa panahon ng Digmaang Sibil ng Espanya, at naitayo muli ng manlilikhang Hapones na si Etsuro Sotoo.[42]

Dayag ng Pasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Dayag ng Pasyon ng Sagrada Família noong 2018

Salungat sa napakadekoratibong Dayag ng Natibidad, ang Dayag ng Pasyon ay mabagsik, payak, at simple, na may sapat na batong hubad, at inukit ng mga malupit at tuwid na linyang magkatulad sa buto ng isang kalansay. Nakatuon sa Pasyon ni Kristo, ang paghihirap ni Hesus noong ipinako sa krus, sinadyang ilarawan ng dayag ang mga kasalanan ng tao. Nagsimula ang konstruksyon noong 1954, kasunod ng mga guhit at mga tagubilin na iniwan ni Gaudí para sa mga arkitekto at iskultor ng hinaharap. Natapos ang mga kampanaryo noong 1976, at noong 1987 nagsimulang magtrabaho ang pangkat ng mga iskultor, na pinangasiwaan ni Josep Maria Subirachs, sa panlililok sa iba't ibang mga eksena at mga detalye ng dayag. Sila ay naglayong magbigay ng isang matibay, anggular na anyo upang pukawin ang isang dramatikong epekto. Nilayon ni Gaudí na maging kinatatakutan ang dayag sa tagamasid. Gusto niyang "masira" ang mga arko at "mahiwa" na mga haligi, at gamitin ang epekto ng chiaroscuro (aninong kulimlim at anggular na sinalungat sa malupit at maigting na liwanag) upang higit pang ipakita ang kalubhaan at brutalidad ng sakripisyo ni Kristo.

Nakaharap sa paglubog ng araw, nagpapahiwatig at sinasagisag ng kamatayan ni Kristo, sinusuportahan ang Dayag ng Pasyon ng anim na malalaki at nakatagilid na haligi na dinisenyo upang makahawig sa mga puno ng Sequoia. Sa itaas noon, may isang tagilong pedimento na binubuo ng labing walong haligi na hugis-buto na humahantong sa isang malaking krus na may koronang tinik. Ang bawat isa sa apat na kampanaryo ay dedikado sa isang apostol (Santiago, Tomas, Felipe, at Bartolome) at, tulad ng Dayag ng Natibidad, mayroong tatlong portiko, kumakatawan ang bawat isa sa mga teolohikal na birtud, bagaman sa isang magkaibang pananaw.

Maaaring hatiin ang mga eksena na napait sa dayag sa tatlong antas, na umaakyat sa anyong S at muling nabubuo ang daan ng Krus (Via Crucis ni Kristo).[4] Naglalarawan ang pinakamababang antas ng mga eksena mula sa huling gabi ni Hesus bago ang pagpapako sa krus, kabilang ang Huling Hapunan, Halik ni Hudas, Ecce homo, at ang Sanhedrinong paglilitis ni Hesus. Naglalarawan ang gitnang antas ng Kalbaryo, o Golgota, ni Kristo, at kabilang ang Tatlong Maria, San Lonhino, Santa Veronica, at isang ilusyong guwang-mukha ni Kristo sa Belo ni Veronica. Sa ikatlo at pangwakas na antas, makikita ang Kamatayan, Paglilibing at ang Pagkabuhay Muli ni Kristo. Kumakatawan ang isang tansong pigura na nakatayo sa isang tulay na kumokonekta sa mga kampanaryo ni San Bartolome at San Tomas sa Pag-akyat ni Hesus.[43]

Mayroong isang mahiwagang parisukat ang dayag batay sa[44] mahiwagang parisukat sa Melencolia I na inilimbag noong 1514. Pinaikot ang parisukat at binawasan ng isa ang mga bilang sa bawat hilera at tudling kaya nagdaragdag sa 33 ang mga hilera at tudling sa halip ng karaniwang 34 para sa mahiwagang parisukat na 4x4.

Dayag ng Luwalhati

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Dayag ng Luwalhati ang pinakamalaking at pinakakapansin-pansin ng mga dayag, kung saan nagsimula ang konstruksyon noong 2002. Ito ang pangunahing dayag at mabibigay ng daan papunta sa kalagitnaang nabe. Dedikado sa Makalangit na Luwalhati ni Hesus, kumakatawan ito sa landas sa Diyos: Kamatayan, Huling Paghuhukom, at Kaluwalhatian, habang nakalaan ang Impiyerno para sa mga taong lumihis mula sa kalooban ng Diyos. Alam na hindi niya maabutan ang pagkumpleto ng dayag, gumawa si Gaudí ng modelo na binuwag noong 1936 na naging batay ang orihinal na mga kaputol sa paglikha ng disenyo para sa dayag. Maaaring mangailangan ang pagkumpleto ng dayag ng bahagyang pagwawasak ng bloke sa mga gusaling katapat ng Carrer de Mallorca.[45]

Upang maabutan ang Portiko ng Luwalahati, hahantong ang malaking hagdana sa ibabaw ng daanan sa ilalim ng lupa na itinayo sa ibabaw ng Carrer de Mallorca na may dekorasyon na kumakatawan sa Impiyerno at bisyo. Sa iba pang mga proyekto kailangang pumunta sa ilalim ng lupa ang Carrer de Mallorca.[46] Palalamutihan ito ng mga demonyo, idolo, huwad na mga diyos, erehya, at pamimintas, atbp. Ipapakita rin ang purgatoryo at kamatayan, gagamit ang ikalawa ng mga libingan sa lupa. Magkakaroon ang portiko ng pitong malalaking haligi na dedikado sa mga kaloob ng Banal na Espiritu. Sa base ng mga haligi ay magkakaroon ng mga representasyon ng Pitong mga Kasalanang Nakamamatay, at sa tuktok, ang Pitong Birtud.

  • Mga kaloob: karunungan, pagkakaunawaan, payuhan, katatagan ng loob, kaalaman, kabanalan at takot sa Panginoon.
  • Mga kasalanan : kasakiman, kalibugan, kayabangan, katakawan, katamaran, galit, inggit.
  • Mga birtud: kabaitan, kasipagan, katiyagaan, kawanggawa, pagtitimpi, kapakumbabaan, kalinisang-puri.
Pinto ng Eukaristiya ng Dayag ng Luwalhati na nagpapakita sa ilalim ng "A...G" para kay Antoni Gaudí

Magkakaroon ang dayag na ito ng limang pinto na tutugma sa limang nabe ng templo, na may tatlong pasukan ang kalagitnaang pinto na magbibigay sa Dayag ng Luwalhati ng kabuuang pitong pinto na kumakatawan sa mga sakramento:

Noong Setyembre 2008, kinabit ang mga pinto ng Dayag ng Luwalhati ni Subirachs. Nakintal ang Ama Namin, nakakintal sa mga gitnang pinto ang mga salitang "Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw" sa limampung iba't ibang wika. Ang mga hawakan ng pinto ay ang mga titik na "A" at "G" na bumubuo ng inisyal ni Antoni Gaudí sa loob ng parirala na "Huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso".

Ang plano ng simbahan ay isang Lating krus na may limang pasilyo. Umaabot ng 45 metro (148 talampakan) ang bobeda ng nabeng sentral habang maabot ng 30 metro (98 talampakan) ang mga bobeda ng nabe sa gilid. May tatlong pasilyo ang transepto. Nasa isang 7.5   metro (25 ft) parilya ang mga haligi. Gayunpaman, hindi sumusunod sa grid ang mga haligi ng apsis na nakasandal sa pundasyon ni del Villar, kaya nangangailangan ng isang seksyon ng mga haligi ng ambulatoryo sa paglipat ng parilya kaya nagkakaroon ng isang huwaran ng sapatos-bakal ng kabayo sa pagkakaayos ng mga haligi. Nakasalalay ang bagtas sa apat na gitnang haligi ng porpiri na sumusuporta sa isang dakilang hiperboloyde na napapalibutan ng dalawang ruweda ng labindalawang hiperboloyde (kasalukuyang isinasagawa). Umaabot ng 60 metro (200 ft) ang kalagitnaang bobeda. Nalilimitahan ang apsis ng isang hiperboloydeng bobeda na umaabot ng 75 metro (246 talampakan). Nilayon ni Gaudí na makita ng isang bisitang nakatayo sa pangunahing pasukan ang mga bobeda ng nabe, bagtas, at apsis; kaya ang aregladong pagtaas sa bobedang atiko.

May mga puwang sa sahig ng apsis na nagbibigay ng tanawin ng kripta sa ibaba.

Isang natatanging disenyo ng Gaudí ang mga haligi ng panloob. Bukod sa pagsasangay upang suportahan ang kanilang kargada, resulta ang kanilang mga mukha na patuloy na nagbabago ng sagandaan ng iba't ibang mga heometrikong hugis. Ang pinakasimpleng halimbawa ay ang isang pundasyong parisukat na nagiging walsiha habang tumataas ang haligi, pagkatapos nagiging hugis na may labing-anim na panig, at sa huli sa isang bilog. Resulta ang epektong ito ng isang tatlong-dimensyonal na interseksyon ng mga haliging helikoydal (halimbawa, isang parisukat na haliging kawing-krus na binabaluktot pakanan at isang katulad na pagbabaluktot pakaliwa).

Sa kabuuan, wala patag sa mga mukhang panloob; komprehensibo at matingkad ang mga dekorasyon na binubuo sa malaking bahagi ng mga abstraktong hugis na pinagsama ang makinis na mga kurba at matalim na tulis. Kahit na ang mga detalyadong gawin tulad ng mga bakal na rehas para sa mga balkonahe at hagdan ay puno ng makurbang palamuti.

Noong 2010, kinabit ang isang organo sa tsansel ng Blancafort Orgueners de Montserrat, mga tagabuo ng organo. Ang instrumento ay mayroong 26 hinto (1,492 na tubo) sa dalawang manwal at isang pedalera.

Upang daigin ang mga kakaibang akustikong hamon na ipinapaharap ng arkitektura ng simbahan at malawak na sukat, maraming karagdagang mga organo ang maikakabit sa iba't ibang mga lugar sa loob ng gusali. Maaaring tugtugin nang hiwalay ang mga instrumentong ito (mula sa kani-kanilang sariling mga konsol) at sabay-sabay (mula sa isang nag-iisang mobile console) na nagbibigay ng organ ng ilang 8000 na tubo kapag nakumpleto.[48]

Mga detalyeng heometriko

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pag-ukit ng Alpha at Omega sa harapan ng Sagrada Família

Nakoronahan ang mga kampanaryo sa Dayag ng Natibidad ng mga heometrikong hugis na nakapagpapaalaala sa Kubismo (natapos sila noong 1930), at kontemporaryo ang masalimuot na palamuti sa estilo ng Art Nouveau, ngunit nahugot ang natatanging estilo ni Gaudí sa kalikasan, hindi ibang manlilikha o arkitekto, at salungat sa pagkakategorya.

Ginamit ng Gaudí ang mga hiperbolodyang istraktura sa mga huling disenyo ng Sagrada Família (mas halata pagkatapos ng 1914), gayunpaman mayroong ilang mga lugar sa dayag ng natibidad—isang disenyong hindi katumbas ng disenyo ng regladang kalatagan ni Gaudí—kung saan lumalabas ang mga hiperbolodya. Marami ang halimbawa sa paligid ng tanawin na may pelikano (kabilang ang bakol na hawak ng isa sa mga pigura). May isang hiperbolodya na nagdaragdag ng katatagang istruktural sa puno ng sipres (sa pamamagitan ng pagkonekta nito sa tulay). At sa wakas, tinatakpan ang mga taluktok ng "mitra ng obispo" ng mga hiperbolodyang istruktura.[49] Sa kanyang mga huling disenyo, kitang-kita ang mga regladang kalatagan sa mga bobeda at bintana ng nabe at mga bintana at kalatagan ng Dayag ng Pasyon.

Detalye ng isang kampanaryo ng Dayag ng Pasyon na pinalamutian ng salitang Sanctus

Kinabibilangan sa mga tema sa buong palamuti ang mga salita mula sa liturhiya. Pinalamutian ang mga kampanaryo ng mga salita tulad ng "Hosanna", "Excelsis", at "Sanctus"; isinalin sa mga dakilang pintuan ng Dayag ng Pasyon ang mga sipi ng Pasyon ni Hesus mula sa Bagong Tipan sa iba't ibang wika, pangunahin sa Katalan; at ang Dayag ng Luwalhati ay palalamutian ng mga salita mula sa Kredong Apostoliko, habang isinalin sa pangunahing pinto nito ang buong Ama Namin sa Katalan na napapalibutan ng maraming baryasyon ng "Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw" sa iba pang mga wika. Sumasagisag ang tatlong pasukan sa tatlong mga birtud: Pananampalataya, Pag-asa at Pag-ibig. Dedikado rin ang bawat isa sa kanila sa isang bahagi ng buhay ni Kristo. Nakatuon ang Dayag ng Natibidad sa kanyang kapanganakan; Mayroon din itong puno ng sipres na sumasagisag sa puno ng buhay. Dedikado ang Dayag ng Luwalhati sa kanyang kaluwalhatian. Sinasagisag ng Dayag ng Pasyon ang kanyang pagdurusa. Mayroong Lating teksto ng Aba Ginoong Maria ang kampanaryo ng apsis. Sa kabuuan, sinasagisag ng Sagrada Família ang buhay ni Kristo.

Itatalaga ang mga lugar ng santuwaryo upang kumatawan sa iba't ibang mga konsepto, tulad ng mga santo, mga birtud at mga kasalanan, at mga sekular na konsepto tulad ng mga rehiyon, marahil na may dekorasyong pantugma.

Tumukoy si Nikolaus Pevsner, isang mananalaysay ng kasiningan na nagsulat noong dekada 1960 sa mga gusali ni Gaudí bilang lumalaki "tulad ng mga pan de asukal at punso" at naglalarawan ng pampalamuti ng mga gusali na may mga bubog ng sirang palayok na posibleng may "nakakagigil" ngunit pinangasiwaan nang may sigla at "malupit na kapangahasan".[36]

Nakahahati ang disenyo ng gusali. Halos positibo lahat ang mga pagsusuri ng mga kapwa arkitekto ni Gaudí; lubhang hinahangaan ito ni Louis Sullivan na naglalarawan sa Sagrada Família bilang "pinakadakilang ehemplo ng malikhang arkitektura sa huling dalawampu't limang taon. Kinakatawan ng bato ang espiritu!"[50] Pinuri rin ni Walter Gropius ang Sagrada Família na nilarawan ang mga pader ng gusali bilang kamangha-manghang teknikal na kasakdalan".[50] Tinawag ito ng Time Magazine na "sensuwal, espirituwal, kakatuwa, masayang-masaya",[17] itinuring ito ni George Orwell bilang "isa sa mga pinakapangit na gusali sa mundo",[51] isinaalang-alang ito ni James A. Michener bilang "isa sa pinakananinibagong seryosong gusali sa mundo"[52] at ang Britanyong istoryador na si Gerald Brenan ay nagsabi tungkol sa gusali "Kahit na sa panahong iyon ng Europeong arkitekto, walang matutuklasan na bagay na ganoong kabulgar o marangya."[52] Gayunpaman, ang natatanging silweta ng gusali ay naging simbolo ng Barcelona mismo,[10] umaakit ng tinatayang 2.5 milyong bisita kada taon.[12]

Katayuan sa Pandaigdigang Pamana

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasama ng anim na iba pang mga gusali ng Gaudí sa Barcelona, isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO ang bahagi ng la Sagrada Família na nagpapatotoo "sa natatanging malikhaing kontribusyon ni Gaudí sa pagpapaunlad ng arkitektura at teknolohiya ng pagtatayo", "kumatawan ng el Modernisme ng Katalunya" at "naunahan at naiimpluwensyahan ang marami sa mga anyo at pamamaraan na may kaugnayan sa pag-unlad ng modernong konstruksyon sa ika-20 siglo". Kasama lamang sa inskripsyon ang Kripta at ang Dayag ng Natibidad.[6]

Maaaring mapuntahan ng mga bisita ang Nabe, Kripta, Museo, Tindahan, at mga kampanaryo ng Pasyon at Natibidad. Ang pagpasok sa alinman sa mga kampanaryo ay nangangailangan ng reserbasyon at paunang pagbili ng isang tiket. Maaari lamang pumunta sa pamamagitan ng asensor at isang maikling paglalakad sa mga natitirang kampanaryo papunta sa tulay sa gitna ng mga kampanaryo. Ang pagbaba ay sa pamamagitan ng isang napakakitid, pilipit na hagdanan na may higit sa 300 hakbang. Mayroong babala sa mga may kundisyong medikal.[53]

Mula noong Hunyo 2017, mabibili ang tiket online. Mula noong Agosto 2010, mayroong serbisyo kung saan maaaring bumili ang mga bisita ng entry code sa Servicaixa ATM kiosks (bahagi ng "La Caixa") o online.[54] Sa panahong karurukan, Mayo hanggang Oktubre, hindi bihira na aabot sa ilang araw ang mga pagkaantala sa reserbasyon para sa pasukan.

Pagpopondo at pahintulot magtayo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi suportado ang konstruksiyon sa Sagrada Família ng anumang gubyerno o opisyal na mapagkukunan ng simbahan. Pinondohan ng mga pribadong tagatangkilik ang mga unang yugto.[55] Ginagamit na ngayon ang pera mula sa mga tiket na binili ng mga turista upang bayaran ang trabaho, at tinatanggap ang mga pribadong donasyon sa pamamagitan ng Mga Kaibigan ng Sagrada Família.

€ 18 milyon ang badyet ng konstruksiyon noong 2009.[30]

Noong Oktubre 2018, sumang-ayon ang mga katiwala ng Sagrada Família na magbayad ng € 36 milyon sa sa mga awtoridad ng lungsod, upang makakuha ng permiso sa pagtatayo ng gusali pagkatapos ng 136 na taon ng pagtatayo.[56] Nakadirekta ang karamihan sa mga pondo sa pagbubuti ng daan sa gitna ng simbahan at sistema ng metro ng Barcelona.[57]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fundació junta constructora del Temple Expiatori de la Sagrada Família Fundacions.cat
  2. says, Sharon Cunningham (30 Oktubre 2017). "What are the main milestones for the Sagrada Família in the future?". Blog Sagrada Família.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Miller, Meg (26 Oktubre 2015). "100 Years After Breaking Ground, Gaudi's La Sagrada Familia Enters Final Stage". Fast Company.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Gómez Gimeno, María José (2006). La Sagrada Família. Mundo Flip Ediciones. pp. 86–87. ISBN 84-933983-4-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Història de la Basilica, 1866–1883: Origens". Fundació Junta Constructora del Temple Expiatori de la Sagrada Família. Nakuha noong 2019-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 Works of Antoni Gaudí, UNESCO World Heritage Centre, Retrieved 14 November 2010
  7. "Pontiff to Proclaim Gaudí's Church a Basilica". Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Setyembre 2010. Nakuha noong 7 Nobyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The Pope Consecrates The Church of the Sagrada Familia". Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2010. Nakuha noong 11 Nobyembre 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Pope to visit Santiago de Compostela, Barcelona in November". Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hulyo 2015. Nakuha noong 7 Hulyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 Minder, Raphael (3 Nobyembre 2010). "Polishing Gaudí's Unfinished Jewel". The New York Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Fraser, Giles (3 Hunyo 2015). "Barcelona's Sagrada Família: Gaudí's 'cathedral for the poor' – a history of cities in 50 buildings, day 49". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 29 Disyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Schumacher, Edward (1 Enero 1991). "Gaudí's Church Still Divides Barcelona". The New York Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Burnett, Victoria (11 Hunyo 2007). "Warning: Trains Coming. A Masterpiece Is at Risk". The New York Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Rainer Zerbst, Gaudí – a Life Devoted to Architecture., pp. 190–215
  15. Goldberger, Paul (28 Enero 1991). "Barcelona". National Geographic.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 16.2 16.3 The Gaudí & Barcelona Club Sagrada Família
  17. 17.0 17.1 Hornblower, Margo (28 Enero 1991). "Heresy Or Homage in Barcelona?". Time. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Abril 2016. Nakuha noong 18 Mayo 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Gladstone, Valerie (22 Agosto 2004). "ARCHITECTURE: Gaudí's Unfinished Masterpiece Is Virtually Complete". The New York Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "The Gaudí code". Nakuha noong 13 Pebrero 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "A Completion Date for Sagrada Família, Helped by Technology". Nakuha noong 9 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Wilson, Joseph. "Barcelona's La Sagrada Familia Basilica enters final years of construction". Nakuha noong 9 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Daniel, Paul (January 2009). Diamond tools help shape the Sagrada Família Error in webarchive template: Check |url= value. Empty.(PDF). Industrial Diamond Review. Retrieved 7 July 2010.
  23. Fancelli, Agustí (4 Disyembre 2008). "¿Por qué no parar la Sagrada Familia?" (sa wikang Kastila). Nakuha noong 7 Hulyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (English tr.)
  24. Burry. Gaudí Unseen.
  25. Megan Titley (2 Mayo 2018). "Barcelona's iconic Basilica de la Sagrada Familia built with stone from Lancashire". Lancashire Post. Nakuha noong 2 Mayo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 26.0 26.1 Comorera. "La tuneladora del AVE perfora ya a cuatro metros de la Sagrada Família". Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2019. Nakuha noong 9 Nobyembre 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. ADIF (Administrator of Railway Infrastructures). "Madrid – Zaragoza Barcelona – French Border Line Barcelona Sants-Sagrera – high-speed tunnel". Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hunyo 2010. Nakuha noong 9 Nobyembre 2010. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "El AVE alcanza Girona" (sa wikang Kastila). 8 Enero 2013. Nakuha noong 8 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Doble aislante de vibraciones en las obras de Gaudí". El Periódico de Catalunya (sa wikang Kastila). 12 Marso 2012. Nakuha noong 12 Marso 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. 30.0 30.1 "La Sagrada Familia se abrirá al culto en septiembre de 2010". 13 Marso 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (English tr)
  31. "Pope Benedict consecrates Barcelona's Sagrada Familia". 7 Nobyembre 2010. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Visita histórica del Papa a Barcelona para dedicar la Sagrada Família". La Vanguardia. 7 Nobyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Disyembre 2019. Nakuha noong 18 Mayo 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Worship at the Basilica".
  34. Woolls, Daniel (19 Abril 2011). "Fire in Barcelona church sees tourists evacuated". The Star. Toronto.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. [s.n.] (19 April 2011). Fire by suspected arsonist at Sagrada Familia. The Telegraph. Accessed September 2013.
  36. 36.0 36.1 Nikolaus Pevsner, An Outline of European Architecture, Penguin Books, (1963), pp. 394–5
  37. Note: the two Apostles who are also Evangelists are left out and replaced by St. Paul and also St. Barnabas.
  38. Álvaro Muñoz, Mari Carmen; Llop i Bayo, Francesc. "Tubular bell". Nakuha noong 16 Nobyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Inventario de campanas de las Catedrales de España". Nakuha noong 16 Nobyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Bergós i Massó, Joan (1999). Gaudí, l'home i l'obra. Barcelona: Ed. Lunwerg. p. 40. ISBN 84-7782-617-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Barral i Altet, Xavier (1999). Art de Catalunya. Arquitectura religiosa moderna i contemporània. Barcelona: L'isard. p. 218. ISBN 84-89931-14-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Sendra, Enric. "First door of the Nativity Façade of the Sagrada Família has now been fitted". {{cite web}}: Missing or empty |url= (tulong)
  43. "La Sagrada Familia abrirá al culto en 2008, según sus responsables". Mundinteractivos, SA. (English tr.)
  44. "The magic square on the Passion façade: keys to understanding it". 7 Pebrero 2018. Nakuha noong 7 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "The Future of La Sagrada Família - Urban Plans With 2026 In Mind".
  46. Lover, Art Nouveau (28 Marso 2019). "Sagrada Familia – The Glory Facade". Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Abril 2020. Nakuha noong 18 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Zerb, p.30
  48. Blancafort Orgueners de Montserrat, [1] Error in webarchive template: Check |url= value. Empty. (sa Catalan)
  49. Burry, M. C.; Burry, J. R.; Dunlop, G. M.; Maher, A. (2001). "Drawing Together Euclidean and Topological Threads" (PDF). The 13th Annual Colloquium of the Spatial Information Research Centre, University of Otago, Dunedin, New Zealand. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 25 Hunyo 2008. Nakuha noong 5 Agosto 2008. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) The paper explores the assemblies of second order hyperbolic surfaces as they are used throughout the design composition of the Sagrada Família Church building.
  50. 50.0 50.1 David Mower, Gaudí, Oresko Books Limited, 1977, (p.6) ISBN 0905368096
  51. Orwell, George (1938). Homage to Catalonia. Secker and Warburg. [the anarchists] showed bad taste in not blowing it up when they had the chance.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. 52.0 52.1 Delaney, Paul. "Gaudí's Cathedral: And Now?".
  53. https://sagradafamilia.org/en/avis-legal Legal Disclaimer
  54. "Tickets". Nakuha noong 8 Hunyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. Fletcher, Tom. "Sagrada Família Church of the Holy Family". Essential Architecture. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Oktubre 2022. Nakuha noong 5 Agosto 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "136 years late, La Sagrada Familia finally lands a building permit". New Atlas. 24 Oktubre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "Barcelona's Sagrada Familia Church Has Been Under Construction for 136 Years. That's a Lot of Unpaid Permit Fees". Time. 19 Oktubre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Karagdagang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]