Pumunta sa nilalaman

Silangang Alemanya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Demokratikong Republikang Aleman
Deutsche Demokratische Republik (Aleman)
1949–1990
Salawikain: Proletarier aller Länder, vereinigt Euch!
"Mga proletaryo ng lahat ng bayan, magkaisa!"
Awitin: Auferstanden aus Ruinen
"Bumabangon mula sa mga Guho"
Location of Silangang Alemanya
KatayuanKasapi ng Pakto ng Varsovia at COMECON
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Silangang Berlin
52°31′N 13°24′E / 52.517°N 13.400°E / 52.517; 13.400
Wikang opisyalAleman
KatawaganAleman • Silangang Aleman
PamahalaanMarxista–Leninistang unipartidistang sosyalistang republikang pederal
(1949–1952)
Unitaryong Marxista–Leninistang unipartidistang sosyalistang republika
(1952–1989)
Unitaryong parlamentaryong republika
(1989–October 1990)
General Secretary 
• 1946–1950[a]
Wilhelm Pieck and Otto Grotewohl[b]
• 1950–1971
Walter Ulbricht
• 1971–1989
Erich Honecker
• 1989[c]
Egon Krenz
Head of State 
• 1949–1960 (first)
Wilhelm Pieck
• 1990 (last)
Sabine Bergmann-Pohl
• 1949–1964 (first)
Otto Grotewohl
• 1990 (last)
Lothar de Maizière
LehislaturaVolkskammer
Länderkammer[d]
PanahonDigmaang Malamig
• Naitatag
7 October 1949
16 June 1953
14 May 1955
4 June 1961
• 
21 December 1972
• Admitted to the UN
18 September 1973
13 October 1989
• 
9 November 1989
12 September 1990
3 October 1990
Lawak
• Kabuuan
108,875 km2 (42,037 mi kuw)
Populasyon
• 1950
18,388,000
• 1970
17,068,000
• 1990
16,111,000
• Densidad
149/km2 (385.9/mi kuw)
KDP (PLP)Pagtataya sa 1989
• Kabuuan
$525.29 bilyon
• Bawat kapita
$26,631
TKP0.953
napakataas
SalapiMark
Sona ng oras(UTC+1)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+37
Internet TLD.dd[e]
Pinalitan
Pumalit
Soviet occupation zone of Germany
Federal Republic of Germany
Bahagi ngayon ngAlemanya Alemanya

Ang Silangang Alemanya (Aleman: Ostdeutschland), opisyal na Demokratikong Republikang Aleman, ay isang estadong sosyalista na umiral sa Gitnang Europa mula 1949 hanggang 1990. Hinangganan nito ang Dagat Baltiko sa hilaga, Polonya sa silangan, Tsekoeslobakya sa timog-silangan, at Kanlurang Alemanya sa kanlura't timog-kanluran. Sumaklaw ito ng lawak na 108,875 km2 at tinahanan ng mahigit 16 milyong tao. Naging estadong satelite ito ng Unyong Sobyetiko bilang bahagi ng mas malaking Silangang Bloke. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Silangang Berlin.

Sa kabuuan ang gobyernong ito ay Komunista. Kilala rin ito bilang Silangang Alemanya. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hinati ang Alemanya, ang Kanlurang Alemanya ay sa mga Kapangyarihang Kanluranin at ang sa Silangan naman ay sa Unyong Sobyet. Nang magawa ang Dingding ng Berlin, tuluyang nahati ang Alemanya. Ang Demokratikong Republika ng Alemanya ay may gobyernong Komunismo, ngunit dahil sa reporma ng bagong pinuno ng Unyong Sobyet nawala ang Komunismo sa Silangang Europa at Silangang Alemanya. Nang gibain ang Dingding ng Berlin ay tuluyang nawala ang Komunismo sa Alemanya at napagisa muli ito.

AlemanyaEuropa Ang lathalaing ito na tungkol sa Alemanya at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2