Pumunta sa nilalaman

Sinaunang Malapit na Silangan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sinaunang Silangang Malapit)
Mapa ng sinaunang Malapit na Silangan

Ang sinaunang Malapit na Silangan (Ingles: ancient Near East) ay ang tahanan ng mga sinaunang kabihasnan sa loob ng rehiyon na tumutugon sa modernong Gitnang Silangan (Middle East). Ang mga sinaunang kabihasnan o bansang ito ang Mesopotamia (modernong Iraq, timog silangang Turkey at hilagang silangang Syria), sinaunang Ehipto, sinaunang Iran (Elam, Media, Parthia at Persia), Anatolia/Asia Menor (modernong Turkey), Levant (modernong Syria, Lebanon, Israel, Palestine at Jordan), Malta at Peninsulang Arabiano. Ang sinaunang malapit na silangan ay pinag-aaralan sa mga larangan ng arkeolohiya ng malapit na silangan at ng sinaunang kasaysayan. Ito ay nagsimula sa paglitaw ng Sumer noong 4000 BCEE bagaman ang petsa ng wakas nito ay iba-iba mula sa panahong Tanso at panahong Bakal hanggang sa pananakop ng Imperyong Achaemenid noong ika-anim na siglo BCEE o ni Alexander the Great noong ikaapat na siglo BCEE. Ang sinaunang malapit na silangan ay itinuturing na duyan ng kabihasnan. Ito ang una na nagsanay ng intensibong taunang agrikultura, nagbigay sa ibang panig ng daigdig ng unang sistema ng pagsulat, nag-imbento ng gulong ng magpapalayok at gulong ng sasakyan at gilingan, lumikha ng mga unang sentralisadong pamahalaan, mga batas kodigo at mga imperyo gayundin ang nagpakilala ng stratipikasyong panlipunan, pang-aalipin at organisadong digmaan. Ito ang naglatag ng pundasyon ng mga larangan ng astronomiya at matematika.

Panahong ng Kobre Chalcolithic
(4500–3300 BC3)
Maagang Chalcolithic 4500–4000 BCE Panahong Ubaid sa Mesopotamia
Huling Chalcolithic 4000–3300 BCE Ghassulian, Sumerya, Panahong Uruk sa Mesopotamia, Gerzeh, Ehiptong Predinastiko, Proto-Elamita
Panahong Bronse
(3300–1200 BCE)
Maagang Panahong Bronse
(3300–2100 BCE)
Maagang Panahong Bronse I 3300–3000 BCE Protodinastikong Ehitpo hanggang Panahong Maagang Dinastiya ng Ehipto, pagtira ng mga taga Phoenicia
Maagang Panahong Bronse II Maagang Panahong Dinastiko ng Sumerya
Maagang Panahong Bronse III 2700–2200 BCE Lumang Kaharian ng Ehipto, Imperyong Akkadiyo, maagang Asirya, Lumang Elam, mga estadong Sumeryo-Akkadiyo
Maagang Panahong Bronse IV 2200–2100 BCE Unang Pagitang Panahon ng Ehipto
Gitnang Panahong Bronse
(2100–1550 BCE)
Gitnang Panahong BronseI 2100–2000 BCE Ikatlong Dinastiya ng Ur
Gitnang Panahong Bronse II A 2000–1750 BCE Kabihasnang Minoan, maagang Babilonya, Gitnang Kaharian ng Ehipto
Gitnang Panahong BronseII B 1750–1650 BCE Ikalawang Pagitang Panahon ng Ehipto
Gitnang Panahong Bronse II C 1650–1550 BCE Lumang Kahariang Hiteo, pagguho ng Kabihasanang Minoan
Huling Panahong Bronse
(1550–1200 BCE)
Huling Panahong Bronse I 1550–1400 BCE Gitnang Kahariang Hiteo, Hayasa-Azzi, Gitnang Panahon ng Elam, Bagong Kaharian ng Ehipto
Huling Panahong Bronse II A 1400–1300 BCE Bagong Kahariang Hiteo, Mitanni, Hayasa-Azzi, Ugarit, Gresyang Myceneo
Huling Panahong Bronse II B 1300–1200 BCE Gitnang Imperyong Asirya, Simula ng rurok ng Phoenicia
Panahong Bakal
(1200–539 BCE)
Panahong Bakal I
(1200–1000 BCE)
Panahong Bakal I A 1200–1150 BCE Troya VII, Pagguho ng Hekla 3, Pagguho ng Panahong Bronse, Mga Taong Dagat
Panahong Bakal I B 1150–1000 BCE Neo-Hiteo, Panahon ng Bagong Elam, Arameo
Panahong Bakal II
(1000–539 BCE)
Panahong Bakal II A 1000–900 BCE Mga Panahong Madilim ng Gresya
Panahong Bakal II B 900–700 BCE Kaharian ng Israel (Samaria), Urartu, Phrygia, Imperyong Neo-Asirya, Kaharian ng Juda, unang pagtira sa Carthage
Panahong Bakal II C 700–539 BCE Imperyong Neo-Babilonya, Imperyong Medo, pagbagsak ng Imperyong Neo-Asirya sa Medes at Babilonya, Phoenicia, Gresyang Arkaiko, pag-akyat sa kapangyarihan ng Imperyong Persiyano(Imperyong Akemenida)
Klasikongn Antigidad
(post-ANE)
(539 BCE – 634 CE)
Imperyong Akemenida 539–330 BCE Persiyanong Imperyong Akemenida, Klasikong Gresya
Panahong Helenistiko, Imperyong Parto 330–31 BCE Kaharian ng Macedonia, Imperyong Seleucid], kaharian ng Pergamon, Kahariang Ptolemaiko, Imperyong Parto
Digmang Romano-Persiyano

]

31 BCE – 634 CE Digmaang Romano-Persiyano, Imperyong Romano, Imperyong Parto, Imperyong Sassanid, Imperyong Bizantino, Pananakop na Muslim
Mapa ng Sumerya ca.4500 BCE hanggang 1900 BCE.
Mapa ng Sinaunang Malapit na Silangan noong ika-15 siglo BCE.
Mapa ng Imperyong Neo-Asirya(Berde) na umiral mula 911-609 BCE na bumagsak sa magkasanib na puwersa ng Medes at Imperyong Neo-Babilonya noong 609 BCE.
Mapa ng Imperyong Akemenida(Persiya, dilaw) na nagpabagsak sa Medes noong 550 BCE at Imperyong Neo-Babilonya noong 539 BCE.
Teoretikal na mapa ng rehiyon ng Sinaunang Malapit na silangan ca. 830 BCE

Ang mga anatomikong modernong homo sapiens ay naipakita sa area ng Bundok Carmel noong Gitnang Paleolitiko na may petsang mula ca. 90,000 BCE. Ang paglipat na ito mula sa Aprika ay tila hindi naging matagumpay at noong mga 60,000 BCE sa Israel/Syria lalo na sa Amud, ang klasikong mga pangkat ng Neanderthal ay tila nakinabang mula sa papalalang klima na pumalit sa mga homo sapiens na tila nakarestriktong muli sa Aprika.[1] Ang ikalawang paglisan mula sa Aprika ay naipakita ng kulturang Itaas na Paleolitiko na Boker Tachtit mula 52,000 BCE hanggang 50,000 BCE na may mga tao sa lebel Ksar Akil XXV na mga modernong tao.[2] Ang kulturang ito ay kamukha ng kulturang Badoshan Aurignacian ng Iran at ng kalaunang kulturang Ehipsiyo na Sebilian noong c. 50,000 BCE. Iminungkahi ni Stephen Oppenheimer[3] na ito ay nagrereplekta sa isang pagkilos ng mga modernong tao (posibleng Caucasian) pabalik sa Hilagang Aprika sa panahong ito. Lumilitaw na ito ay naglalagay ng petsa kung saan ang mga kulturang Itaas na Paleolitiko ng homo sapiens ay nagsimulang pumalit sa Neanderthal Levalo-Mousterian at noong mga 40,000 BCE, ang Palestina ay natirhan ng kulturang Ahmarian na Levanto-Aurignacian na tumagal mula 39,000 BCE hanggang 24,000 BCE.[4] Ang kulturang ito ay medyo matagumpay sa pagkalat bilang kulturang Antelian (huling Aurignacian) hanggang sa Katimugang Anatolia sa kulturang Atlitan. Pagkatapos ng Huling Pangyelong Maxima, ang isang bagong kulturang Epipaleolitiko ay lumitaw sa Katimugang Palestina. Mula 18,000 BCE hanggang 10,500 BCE, ang kulturang Kebaran[5] ay nagpapakita ng maliwanag na mga ugnayan sa mas maagang mga kulturang mikrolitiko gamit ang pana at gamit ang panggiling na mga bato upang umani ng mga ligaw na butil na pinaunlad mula ca. 24,000 BCE hanggang 17,000 BCE na kulturang Halfan ng Ehipto na nagmula sa mas maaga pang tradisyong Aterian ng Sahara. Nakita ito ng ilang mga linguista na pinakamaagang pagdating ng mga wikang Nostratiko sa Gitnang Silangan. Ang kulturang Kebaran ay medyo matagumpay at maaaring ninuno ng kalaunang kulturang Natufian (10,500 BCE hanggang 8500 BCE) na sumaklaw sa buong rehiyong Levant. Ang mga taong ito ay nanguna sa unang mga sedentaryong pagtira at maaaring sumuporta sa mga sarili nito sa pamamagitan ng pangingisda at mula sa pag-aani ng mga ligaw na butil na masagana sa rehiyong ito sa panahong ito. Ang kulturang Natufian ay nagpapakita rin ng pinakamaagang domestikasyon ng aso at ang pagtulong ng aso sa pangangaso at pagbabantay sa mga tirahan ng tao ay maaaring nag-ambag sa matagumpay na pagkalat ng kulturang ito. Sa hilagang Syria, silangang Anatolia, ang kulturang Natufian sa Cayonu at Mureybet ay nagpaunlad ng unang buong kulturang agrikultural sa karagdagan ng mga ligaw na butil na kalaunang dinagdagan ng domestikadong tupa at mga kambing na malamang ay unang dinomestika ng kulturang Zarzian ng Hilagang Iraq at Iran na tulad ng kulturang Natufian ay maaaring umunlad mula sa Kebaran. Noong 8500 BCE hanggang 7500 BCE, ang bago-ang pagpapalayok na kulturang Neolitikong A (PPNA) ay umunlad mula sa mas maaagang lokal na tradisyon ng Natufian sa katimugang Palestina na naninirahan sa mga bilugang bahay at pagtatayo ng lugar na pagtatanggol sa Jericho (na nagbabantay sa mahalagang sariwang tubig). Ito ay napalitan ng bago ang pagpapalayok na Neolitikong B (PPNB) na tumira sa mga kwadradong bahay na nagmula sa Hilagang Syria at Euphrates bend. Sa panahong 8500 BCE hanggang 7500 BCE, ang isa pang pangkat na mangangaso ay nagpapakita ng maliwanag na mga apinidad sa mga kultura ng Ehipto. Ang kulturang Harifian[6] na ito ay maaaring gumamit ng mga palayok mula sa kulturang Isnan at kulturang Helwan ng Ehipto na tumagal mula 9000 BCE hanggang 4500 BCE at kalaunang sumanib mula sa kulturang PPNB noong krisis na pangklima ng 6000 BCE upang bumuo ng tinatawag na Syro-Arabian technocomplex na pagpapastol,[7] na nakakita ng pagkalat ng unang mga magpapastol na Nomadiko sa Sinaunang Malapit na Silangan. Ito ay sumaklaw patimog tungo sa baybayin ng Dagat Pula at tumagos sa mga kulturang dalawang mukhang Arabo na patuloy na naging mas neolitiko at magpapastol at sumaklaw pahilaga at pasilangan upang maglatag ng mga pundasyon ng naninirahan sa mga toldang Amoreo (Martu) at mga taong Akkadian ng Mesopotamia. Sa lambak Amuq ng Syria, ang kulturang PPNB ay tila nakapagpatuloy na umimpluwensiya sa karagdagang pagunlad na pang-kultura sa timog. Ang mga elementong nomadiko ay sumanib sa PPNB upang bumuo ng kulturang Minhata at kulturang Yarmukian na kumalat patimog na nagpasimula ng klasikong halong kulturang pagsasaka ng Mediterraneo at mula 5600 BCE ay nauugnay sa kulturang Ghassulian ng rehiyon na unang kulturang chalcolithic ng Levant.

Panahong Tanso

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang mga siyudad ay nagsimulang umunlad sa katimugang Mesopotamia noong 4000 BCE. Sa mga siyudad na ito, ang mga ugnayan ng relihiyon ay nagsimulang pumalit sa ugnayang magkakamag-anak bilang basehan ng lipunan. Noong yugtong Uruk, ang mga kolonista at mangangalakal mula sa katimugang Iraq ay nagtatag ng mga mahahalagang kwarter sa mga tirahan sa buong katimugang bahagi ng rehiyong Levant (halimbawa ang Amuq). Sa katimugang Iraq, ang bawat siyudad ay may patrong diyos na sinamba sa isang malawak na sentral na templong tinatawag na ziggurat at pinamumunuan ng isang saserdote-hari (ishakku). Ang lipunan ay naging mas segmentado at espesyalisado at may kakayahang sa mga sama samang proyekto tulad ng irigasyon at digmaan. Kasama ng mga siyudad ay dumating ang ilang mga pagsulong sa teknolohiya. Noong mga 3100 BCE, ang pagsulat, gulong at ibang pang mga inobasyon ay ipinakilala. Sa panahogn ito, ang mga taong Sumerian ng timog Mesopotamia ay lahat organisado sa iba't ibang mga independiyenteng estadong-siyudad gaya ng Ur at Uruk at noong mga 2600 BCE ay nagsimulang magsanib sa mas malaking mga unit na pampolitika. Sa pagaangkop ng mga diyos ng mga sinakop nito, ang relihiyon ay naging mas politeistiko at ang pamahalaaan aynaging mas sekular. Ang titulong lugal, malaking tao ay lumitaw kasama ng mas maagang mga titulong relihiyos bagaman ang pangunahing tungkulin ay sumamba pa rin sa mga diyos ng estado. Ang prosesong ito ay dumating sa natural na konklusyon nito sa pag-unlad ng unang mga imperyo noong 2400 BCE. Ang mga taong tinatawag na mga Akkadian ay sumakop sa lambak sa ilalim ni Sargon I at nagtatag ng kanilang supremasya sa mga Sumerian at sumaklaw ng kanilang kontrol hanggang sa Syria sa mga baybayin. Ito ay nasundan ng paglawig ng kulturang kalakal na Kerak na nagpapakita ng mga apinidad sa Kaukasya at posibleng nauugnay sa kalaunang paglitaw ng mga Hurrian. Ito ay kasabay ng mga imperyo ng Ur noong 2200 BCE at 2100 BCE at ang Lumang Kahariang Babilonia noong 1800 BCE at 1700 BCE. Sa panhong ito, ang mga Kahariang Yamkhad sa Euphrates at Qatna sa Orontes ay mahahalagang mga estadong-siyudad ng rehiyong Syria. Samantala, mga katugmang pag-unlad ay nangyayari sa Ehipto na noong 3200 BCE ay naging isa sa Lumang Kaharian ng Ehipto at sa mga tao ng Lambak Indus sa hilagang-kanlurang India. Ang lahat ng mga kabihasnan ito ay nasa mayabong na mga lambak ilog kung saan ang agrikultura ay madali kapag ang mga dam at irigasyon ay naitayo upang kontrolin ang mga bahang tubig. Ito ay nagsimulang magbago noong wakas ng 3000 BCE habang ang mga siyudad ay nagsimulang kumalat sa kalapit sa mabundok na kawntry: sa mga Assyrian sa hilagang Mesopotamia, ang mga Cananeo sa Syria-Palestina, sa mga Minoan sa Creta at sa mga Hittie sa silangang Anatolia. Sa parehong panahon, ang iba't ibang mga imigrante gaya ng mga Hittite sa Anatoli at mga Griyegong Mycenean ay nagsimulang lumitaw sa mga labas na hangganan ng kabihasnan. Ang mga pangkat na ito ay nauugnay sa paglitaw ng magaan na may dalawang gulon na chariot ng digmaa at sa mga wikang Indo-Europeo. Ang mga kabayo at mga chariot ay nangangailangan ng maraming panahon at pananatili kaya ang paggamit ng mga ito ay pangunahing nakarestrikto sa isang maliit na nobilidad. May mga heroikong lipunan na pamilyar mula sa epiko tulad ng Iliad at ang Ramayana. Noong mga 1700 BCE at 1600 BCE, ang karamihan ng mas matandang mga sentro ay natabunan. Ang Babilonia ay nasako ng mga Kassite at ang kabihasna sa Lambak Indus ay pabagsak sanhi ng klima. Ang isang pang pangkat na Mitanni ay nagpasuko sa Assyria at sa isang panahon ay banta sa kahariang Hittite ngunit natalo ng dalawang ito noong gitna ng 1400 BCE. Ang iba't ibang mga kahariang Achaean ay umunlad sa Gresya na ang pinakakilala ang Mycenae at noong 1500 BCE ay nanaig sa mas matandang mga siyudad na Minoan. Ang mga Semitikong Hyksos ay gumamit ng mga bagong teknoloiya upang sakupin ang Ehipto ngunit napalayas na nag-iiwan sa imperyo ng Bagong Kaharian ng Ehipto na umunlad. Mula 1550 BCE hanggang 1100 BCE, ang karamihan ng Levant ay nasakop ng Ehipto na naoong huling kalahati ng panahong ito ay nakipagtalo sa Syria sa imperyong Hittite. Sa wakas ng 1300 BCE, ang lahat ng mga kapangyarihang ito ay biglaang gumuho. Ang mga siyudad sa buong silanganing Mediterraneo ay nilusob sa loob ilang mga dekate ng iba't ibang mga mananalakay. Pinalayas ng Ehipto ang mga mananalakay nito at sa sumunod na siglo ay lumiit sa sakop ng teritoryo nito at ang sentral na autoridad nito ay permanenteng humina. Ang tanging Assyria at Ehitpo ang nakatakas sa malaking pinsala.

Panahong Bakal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagguho ng Panahong Bronse ay nag-iwan ng ilang mga munting kaharian at mga estadong-siyudad. Ang mga sentrong Hittie ay nanatili sa hilagaang Syria kasama ng mga puertong Phoenician sa Canaan na nakatakas pagkawasak at umunlad s amga dakilang kapangyarihang pangkalakal. Noong 1200 BCE, ang karamihan ng looban nito gayundin ng Babilonia ay sinunggaban ng mga Arameo samantalang ang baybayin sa ngayong Gaza Strip ay tinirhan ng mga Pilisteo. Sa panahong ito, ang ilang mga inobasyon sa teknolihiya ay kumalat na ang pinakakilala ang paggawa sa bakal at alpabetong Penisyo na pinaunlad ng mga Penisyo o mga Cananeo noong 1600 BCE. Sa pag-akyat sa kapangyarihan ni Adad-nirari II noong 911 BCE, ang Imperyong Neo-Asirya ay sumakop sa buong Sinaunang Malapit na Silangan noong ika-8 hanggang ika-7 siglo BCE na gumawa sa imperyong ito na pinakamalaking imperyo sa kasaysayan at itinturing ng mga historyan na ang kauna-unahang imperyo ng mundo sa kasaysayan. Ito ay namuno sa buong Mesopotamia, Levant, Ehipto, mga bahagi ng Anatolia, Iran at Armenia. Sa panahon ng pamumuno ng haring Asiryong si Sinsharishkun (622–612 BCE), ang mga basalyo ng Asirya gaya ng Medes, Babilonya, Ehipto, Lydia, at Aram ay tumigil sa pagbibigay ng tributo sa Asirya. Ang Imperyong Neo-Asirya ay bumagsak sa magkasanib na puwersa ng Medes sa pamumuno ni Cyaxares at ng Imperyong Neo-Babilonya sa pamumuno ni Nabopolassar noong 609 BCE. Noong mga 550 BCE, ang Medes sa pamumuno ni Astyages ay bumagsak sa Persiyanong si Dakilang Ciro na nagtatag ng Persiyanong Imperyong Akemenida. Ang Imperyong Neo-Babilonya ay bumagsak kay Dakilang Ciro noong 539 BCE. Sa sumunod na ilang mga dekada ay idinagdag sa mga sakop nito ang Lydia sa Anatolia, Damascus, Babilonia at Ehipto gayundin ang pag-iisa ng kontrol nito sa talampas na Iranian na halos kasing layo India. Ang malawak na kaharian ay nahati sa iba't ibang mga satrapiya at pinamahalaan ayon sa modelong Asiryo ngunit may mas magaan na kamay. Sa panahong ito, ang Zoroastrianismo ang nanaig na relihiyon sa Persiya.

Mga relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang mananampalatayang Sumeryo ca. 2800-2300 BCE
Ang Ziggurat ng Ur bilang parangal kay Sin (diyos). Ang mga Sumeryo ay naniniwalang ang kanilang mga Diyos ay nakatira sa templo sa tuktok ng mga Ziggurat at tanging ang mga saserdote ang makakapasok rito.
Kodigo ni Hammurabi na tinanggap ng haring si Hammurabi mula sa Diyos na si Shamash na Diyos ng araw at hustisya at anak ng mga Diyos na sina Sin (diyos) at Ningal.
Si Pinedjem II, ang Dakilang Saserdote ni Amun(990-969 BCE) mula sa Aklat ng Namatay( ginamit sa Sinaunang Ehipto mula 1550 BCE hanggang 50 BCE.
Inskripsiyong Behistun:Sinabi ni Dario I ng Persiya: Sa biyaya ni Ahura Mazda, Ako ay Hari. Ipinagkaloob sa akin ni Ahura Mazda ang Kaharian

]]

Ang mga sinaunang kabihasnan sa Sinaunang Malapit na Silangan ay malalim na naimpluwensiyahan ng kanilang mga paniniwalang espiritwal.[8] Sila ay naniniwala na ang aksiyon ng diyos ay umiimpluwensiya sa lahat ng mga pangdaigdigang bagay. Sila ay naniniwala rin sa dibinasyon o kakayahan na manghula ng hinaharap.[8] Ang mga omen ay kadalasang isinusulat sa sinaunang Ehipto at Mesopotamia.[8] May mga malawak na kasanayan ang mga relihiyon sa Sinaunang Malapit na Silangan na karaniwang pinagsasaluhan: mga puripikasyon at mga ritwal ng paglilinis, mga templo, mga pista, mga batas na moral o legal, mga saserdote o pari, mga himno at panalangin, mga propesiya at mga propeta, kabilang buhay, mga diyos, anghel/espirito at demonyo at mga multo, mga nagagalit na diyos, mga mito ng paglikha at mga manlilikhang diyos/diyosa, mga paghahandog (handog na hayop at halaman, mga libasyon), Politeismo ngunit ang ilan gaya ng Ehipto ay hen oteistiko na pagsamba sa iisang diyos ngunit tumatanggap sa pag-iral ng ibang mga diyos o monolatrista gaya ng Mardukite. Ang mga Sinaunang Israelita sa simula ay politeistiko ngunit tumungo sa monolatrismo (pagsamba sa isang patrong diyos ngunit kumikilala sa pag-iral ng ibang mga diyos at kalaunan ay naging monoteistiko pagkatapos ng ika-6 siglo BCE), Teokrasya, dibinasyon (dibinasyon sa pamamagitan ng mga panaginip, dibinasyon sa pamamagitan ng palabunutan) at iba pa. Para sa mga hari ng mga bansa o imperyo sa Sinaunang Malapit na Silangan, ang kanilang pambansan o patrong Diyos o mga Diyos ay responsable sa kanilang pagwawagi sa digmaan laban sa kanilang mga kaaway na bansa. Ang mga hari rin ang itinuturing na represtantibo o kinatawan ng kanilang mga Diyos sa mundo. Ang mga mamamayan ay umaasa sa kanilang mga Diyos upang palaguin ang kanilang mga panananim at humihingi ng tulong sa kanilang mga Diyos upang pagalingin ang mga karamdaman at pagpalain. Ang mummipikasyon ng mga Sinaunang Ehipsiyo ay isinasagawa upang ang mga namatay ay muling ipanganak sa kabilang buhay. Ang paniniwala sa mahika ay karaniwan rin sa Sinaunang Malapit na Silangan.[9] Halimbawa, ayon sa Aklat ng Exodo, nang baguhin ni Aaron ang kanyang tungkod sa isang ahas, ito ay nagawa rin ng mga mahikerong Ehipsiyo.(Exodo 7:11-13)

Mga pambansa o patrong Diyos sa Sinaunang Malapit na Silangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Amud". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 2007-10-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Marks, Anthony (1983)"Prehistory and Paleoenvironments in the Central Negev, Israel" (Institute for the Study of Earth and Man, Dallas)
  3. Oppemheiomer, Stephen (2004), "Out of Eden", (Constable and Robinson)
  4. Gladfelter, Bruce G. (1997) "The Ahmarian tradition of the Levantine Upper Paleolithic: the environment of the archaeology" (Vol 12, 4 Geoarchaeology)
  5. Ronen, Avram , "Climate, sea level, and culture in the Eastern Mediterranean 20 ky to the present" in Valentina Yanko-Hombach, Allan S. Gilbert, Nicolae Panin and Pavel M. Dolukhanov (2007), "The Black Sea Flood Question: Changes in Coastline, Climate, and Human Settlement" (Springer)
  6. Belfer-Cohen, Anna and Bar-Yosef, Ofer "Early Sedentism in the Near East: A Bumpy Ride to Village Life" (Fundamental Issues in Archaeology, 2002, Part II, 19–38)
  7. Zarins, Yuris "Early Pastoral Nomadiism and the Settlement of Lower Mesopotamia" (# Bulletin of the American Schools of Oriental Research No. 280, November , 1990)
  8. 8.0 8.1 8.2 Lamberg-Karlovsky, C. C. and Jeremy A. Sabloff (1979). Ancient Civilizations: The Near East and Mesoamerica. Benjamin/Cummings Publishing. p. 4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. https://www.smithsonianmag.com/smart-news/1500-year-old-magic-bowls-seized-in-jerusalem-raid-180979705/