Theodore Roosevelt
Theodore Roosevelt | |
---|---|
Kapanganakan | 27 Oktubre 1858[1]
|
Kamatayan | 6 Enero 1919[1]
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | Columbia University |
Trabaho | eksplorador, historyador, manunulat ng sanaysay, manunulat, politiko, awtobiyograpo, rantsero,[2] naturalista,[3] estadista, ornitologo, diyarista |
Opisina | Q11696 |
Anak | Theodore Roosevelt Jr. |
Pirma | |
Si Theodore Roosevelt, Jr. (Oktubre 27, 1858 - Enero 6, 1919), na mayroong palayaw na "T.R. at "Teddy", ay ang ika-26 na Pangulo ng Estados Unidos. Siya ay ipinanganak sa New York. Kasapi siya sa Partidong Republikano ng Estados Unidos. Naging pangulo siya ng Estados Unidos noong 1901 pagkaraang mamamatay ni Pangulong William McKinley dahil sa asasinasyon. Inorganisa ni Roosevelt ang unang boluntaryong rehimenteng kabalriya na nakikilala bilang Rough Riders, na nakipaglaban sa Cuba noong panahon ng Digmaang Kastila-Amerikano. Bilang pangulo, nakuha niya ang Sona ng Kanal ng Panama, at ipinahayag niya ang Korolaryong Roosevelt, na nakagawa sa Estados Unidos bilang tagapagtanggol ng Kanlurang Hemispero.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Theodore Roosevelt".
- ↑ https://www.biography.com/us-president/theodore-roosevelt; hinango: 18 Disyembre 2019.
- ↑ https://daily.jstor.org/teddy-roosevelt-evolution-camouflage/; hinango: 18 Disyembre 2019.
- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R116.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Politika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.