Usapan:Talaan ng mga bansa
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Talaan ng mga bansa. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Please don't remove the Template:Flagicon. Gagawan ko yan, probably sa Lunes pero kung sipagin kayo, gawan ninyo na rin. ;-) --Jojit fb 10:09, 1 October 2005 (UTC)
Country names
[baguhin ang wikitext]Shouldn't they be in Tagalog? 14:57, 1 Enero 2007 (UTC)
- Unfortunately, not all countries have names in Tagalog. The closest thing we can get to them are the Spanish names, but not all are accepted in Tagalog. So in many cases, many countries have their names in English when using Tagalog. --Sky Harbor 11:45, 2 Enero 2007 (UTC)
- Ang pagkakaalam ko ay dapat ginagamit ang katutubong pangalan ng isang bansa/pook kung ang Tagalog (Tinagalog na Kastila) na pangalan nito ay hindi kasing tanyag ng katutubong orihinal na ngalan. Kaya dapat doon sa mga bansang walang Tagalog na katumbas o masyado nang hindi malinaw kapag ginamit ang Tinagalog na Kastila, gamitin ang katutubong ngalan ng mga iyon. -- Felipe Aira 07:39, 28 Marso 2008 (UTC)
Tag
[baguhin ang wikitext]Tinag ko ito para sa pagdududa ng katumpakan sa katotohanan dahil:
- Hindi bansa ang Chechnya, bagaman republika ito hindi ito nagsasarili, at isang bahagi pa rin ng Rusya.
- Ang Thitu Island/Kalayaan Island ay hindi isang bansa kundi isang bayan sa ilalim ng kapangayarihan ng pamahalaang lokal ng Palawan. Nangangahulugang bahagi ito ng Pilipinas.
Bukod pa roon sigurado akong marami pang kamalian sa artikulo. -- Felipe Aira 07:39, 28 Marso 2008 (UTC)
Bagong salin ng mga bansa
[baguhin ang wikitext]Ayon sa Apendise C ng Concise English-Tagalog Dictionary ni Jose Villa Panganiban na naghahayag ng mga pangalang heograpiko, ito ay ang salin ng iilan sa mga bansa ng mundo. Kapag may iba pang katibayan ang pangalan, ilalagay ang sanggunian sa tabi ng pangalan. Ang maaaring gamiting sanggunian ay ang sumusunod na diksyonaryong tanggap na ng Wikipedia, kasama ng diksyonaryong ito:
- English-Tagalog Dictionary at Tagalog-English Dictionary (Padre English)
- Diksiyunaryong Ingles-Pilipino Pilipino-Ingles (Sagalongos)
- Diccionario Ingles-Español-Tagalog (Calderon)
- Combined English-Tagalog-Ilokano Vocabulary (De Dios [TGL], Afenir [ILO])
- UP Diksyonaryong Filipino
- New Vicassan's English-Tagalog Dictionary
Kung may pangalang naihanap sa ibang diksyonaryo o sanggunian, maaaring itala dito ang pangalan at ihayag ang sanggunian nito.
Tala ng mga bansang may salin
[baguhin ang wikitext]Ang mga bansang karaniwang ginagamit ang salin o ay nakasalin na sa Wikipedia ay naka-bold. May iilang mga bansang narito lamang para sa sanggunian (tulad ng Estados Unidos).
|
|
|
Hindi pa kumpleto ang tala, kaya kapag may iba ka pang bansang nais idagdag na wala pang salin at may sanggunian kang maipakita na ito ay ang tunay na salin, maaari niyong ihayag dito. --Sky Harbor (usapan) 05:24, 14 Agosto 2008 (UTC)
- Katulad ng sinabi ni Ginoong Felipe Aira sa itaas, gamitin ang katutubong tawag sa bansa at hindi ang Ingles o internasyunal na tawag kung walang sanggunian na mahanap. --Jojit (usapan) 07:31, 14 Agosto 2008 (UTC)
- Hindi naman ito standard practice sa Filipino kapag katutubong pangalan ang gagamitin dahil kadalasan hinihiram natin nang walang pagbabago ang mga pangalan ng mga bansa mula sa Ingles. Ang ibig sabihin ba, dapat ang pangalan ng Lebanon ay al-Liban na mula sa Arabo? --Sky Harbor (usapan) 07:41, 14 Agosto 2008 (UTC)
- Standard practice? Mayroon ba? ;) Anyway, sabi sa balangkas ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa "Kung wikang Espanyol ang pinanghiraman, baybayin ang salita ayon sa katutubong sistema. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan, panatilihin ang orihinal na anyo." Samakatuwid, maaaring ding manghiram sa ibang wika at hindi lamang Ingles. Hindi tamang kaugalian ang laging mang-hiram sa Ingles, para bagang sakop pa tayo ng Estados Unidos. Di ba ganoon din naman ang ginagawa natin sa mga artikulo tungkol sa mga buhay na nilalang. Ginawa na lamang nating iyong pamagat bilang siyentipikong pangalan sa halip na pangalang Ingles nito. Kung nagawa doon, maaari din natin ilapat ang patakarang ito sa mga artikulo tungkol sa bansa. Kung gayon, tama ang paggamit ng al-Liban na pamalit sa Lebanon kung wala pa na makikitang sanggunian. Bagaman, sa ibang tao kakaiba (weird) ito. --Jojit (usapan) 09:49, 14 Agosto 2008 (UTC)
- Mungkahing idagdag sa talaan: Tila dapat may katumbas na tawag rin sa mga tao o mamamayan ng bansa, para maging gabay na rin ng lahat ng mga Wikipedista. Tulad ng para sa Olanda, tawag sa mga tao ay Olandes o Ulandes (pangkalahatan), Ulandesa/Olandesa (partikular para sa babae). Mula ito kay Padre English. - AnakngAraw 10:14, 14 Agosto 2008 (UTC)
- Mas mahirap naman ang mga nasyonalidad dahil wala namang sapat na sanggunian dito unless gusto mong humiram muli sa Espanyol (Guwatemalteko, Brasilyero at Kolombiyano bilang halimbawa). May iilan ring bansa na may salin para sa nasyonalidad ngunit wala para sa bansa mismo (hal. Suweko at Suwesiya para sa "Swedish" at "Sweden"). Bilang sagot naman kay Jojit, ayon sa 1987 Ortograpiya ng Wikang Filipino, dapat panatilihin ang pangalan ng lugar sa Ingles dahil ito ay pangngalang pantangi at dahil sa Ingles naman nating naririnig ang mga lugar sa mundo. Ang problema lang dito ay paano ang mga bansang maaaring isalin sa Tagalog, tulad ng Côte d'Ivoire na maaaring isalin bilang "Baybaying Garing". --Sky Harbor (usapan) 11:54, 14 Agosto 2008 (UTC)
- Maaari mo bang ibigay ang buong teksto ng 1987 Ortograpiya ng Wikang Filipino? Kung ganito ang kasalukuyang pagbabaybay, tama na pala ang kasalukuyang patakaran dito na pinapanatili ang anyong Ingles. Ngunit kung maaprubahan na ang bagong ortograpiya, maaari na tayong manghiram sa katutubong tawag sa bansa. At sa ganoon patakaran, malulutas ang problema ng pagbaybay ng Côte d'Ivoire na nasa anyong katutubo. --Jojit (usapan) 01:14, 15 Agosto 2008 (UTC)
- Ang iniisip ko na kung ibig sabihin nila ay humiram sa katutubong wika ayon sa 2008 Ortograpiya, ang ibig sabihin dito ay humiram sa ibang katutubong wika ng Pilipinas (tulad ng gahum para sa hegemony at kalaniyog para sa eggwhite). Kasalukuyang wala akong mahanap na kopya ng 1987 Ortograpiya sa Internet, pero ang sinabi ko ay ang tinuturo sa akin ng mga guro. Kung hihiram man tayo ng mga pangalan ng bansa mula sa ibang katutubong wika ng Pilipinas, mas nararapat na hiramin ito sa Bikol, kung saan ang pangalan ng mga bansa sa Espanyol ang gamit nila. --Sky Harbor (usapan) 04:21, 15 Agosto 2008 (UTC)
- Maaari mo bang ibigay ang buong teksto ng 1987 Ortograpiya ng Wikang Filipino? Kung ganito ang kasalukuyang pagbabaybay, tama na pala ang kasalukuyang patakaran dito na pinapanatili ang anyong Ingles. Ngunit kung maaprubahan na ang bagong ortograpiya, maaari na tayong manghiram sa katutubong tawag sa bansa. At sa ganoon patakaran, malulutas ang problema ng pagbaybay ng Côte d'Ivoire na nasa anyong katutubo. --Jojit (usapan) 01:14, 15 Agosto 2008 (UTC)
- Mas mahirap naman ang mga nasyonalidad dahil wala namang sapat na sanggunian dito unless gusto mong humiram muli sa Espanyol (Guwatemalteko, Brasilyero at Kolombiyano bilang halimbawa). May iilan ring bansa na may salin para sa nasyonalidad ngunit wala para sa bansa mismo (hal. Suweko at Suwesiya para sa "Swedish" at "Sweden"). Bilang sagot naman kay Jojit, ayon sa 1987 Ortograpiya ng Wikang Filipino, dapat panatilihin ang pangalan ng lugar sa Ingles dahil ito ay pangngalang pantangi at dahil sa Ingles naman nating naririnig ang mga lugar sa mundo. Ang problema lang dito ay paano ang mga bansang maaaring isalin sa Tagalog, tulad ng Côte d'Ivoire na maaaring isalin bilang "Baybaying Garing". --Sky Harbor (usapan) 11:54, 14 Agosto 2008 (UTC)
- Mungkahing idagdag sa talaan: Tila dapat may katumbas na tawag rin sa mga tao o mamamayan ng bansa, para maging gabay na rin ng lahat ng mga Wikipedista. Tulad ng para sa Olanda, tawag sa mga tao ay Olandes o Ulandes (pangkalahatan), Ulandesa/Olandesa (partikular para sa babae). Mula ito kay Padre English. - AnakngAraw 10:14, 14 Agosto 2008 (UTC)
- Standard practice? Mayroon ba? ;) Anyway, sabi sa balangkas ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa "Kung wikang Espanyol ang pinanghiraman, baybayin ang salita ayon sa katutubong sistema. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan, panatilihin ang orihinal na anyo." Samakatuwid, maaaring ding manghiram sa ibang wika at hindi lamang Ingles. Hindi tamang kaugalian ang laging mang-hiram sa Ingles, para bagang sakop pa tayo ng Estados Unidos. Di ba ganoon din naman ang ginagawa natin sa mga artikulo tungkol sa mga buhay na nilalang. Ginawa na lamang nating iyong pamagat bilang siyentipikong pangalan sa halip na pangalang Ingles nito. Kung nagawa doon, maaari din natin ilapat ang patakarang ito sa mga artikulo tungkol sa bansa. Kung gayon, tama ang paggamit ng al-Liban na pamalit sa Lebanon kung wala pa na makikitang sanggunian. Bagaman, sa ibang tao kakaiba (weird) ito. --Jojit (usapan) 09:49, 14 Agosto 2008 (UTC)
- Hindi naman ito standard practice sa Filipino kapag katutubong pangalan ang gagamitin dahil kadalasan hinihiram natin nang walang pagbabago ang mga pangalan ng mga bansa mula sa Ingles. Ang ibig sabihin ba, dapat ang pangalan ng Lebanon ay al-Liban na mula sa Arabo? --Sky Harbor (usapan) 07:41, 14 Agosto 2008 (UTC)
Pormat ng sanggunian
[baguhin ang wikitext]- "(bansa)", Panganiban, Jose Villa. Concise English-Tagalog Dictionary. (1969).
- "(bansa)", De Dios, Reynaldo. English-Tagalog-Ilokano Vocabulary. (2005).
- "(bansa)", Sagalongos, Felicidad T.E. Diksiyunaryong Ingles-Pilipino Pilipino-Ingles.(1968).) - —Ang komentong ito ay idinagdag ni Sky Harbor (usapan • kontribusyon) noong Setyembre 8, 2008.
- Maaari kong gawin iyan sa mga susunod na araw, subalit sa ngayon, dahil inililipat ko pa lang muna at isinasanib ang mga impormasyon mula sa pahina ng usapan kaya kung ano muna ang anyo ng pinagkopyahan ang ginagamit ko. Lilinisin ang lahat sa mga susunod na pagdaan sa pahina. Tumulong po sana kung ibig. Mahaba-habang linisan din ito. Salamat. - AnakngAraw 00:00, 8 Setyembre 2008 (UTC)
Mga sanggunian
[baguhin ang wikitext]Dahil mukhang iniaayos ni The Wandering Traveller ang artikulo, inilalagay ko sa ibaba ang mga sanggunian ng katawagan/pagbabaybay sa Tagalog upang mapanatili ang mga ito:
- Afghanistan: Apganistan (Panganiban)
- Albania: Albanya (UPDF)
- Germany: Alemanya, Deutschland (UPDF)
- Algeria: Alherya (Panganiban)
- Argentina: Arhentina (Panganiban)
- Armenia: Armenya (Panganiban)
- Australia: Australya (Panganiban, Padre English)
- Austria: Austria (UPDF)
- Azerbaijan: Aserbayan (Panganiban)
- Belgium: Belhika (De Dios, Panganiban, Padre English)
- Belize: Belis (Panganiban)
- Venezuela: Beneswela (Panganiban)
- Vietnam: Biyetnam (De Dios)
- Bolivia: Bulibya (Panganiban)
- Brazil: Brasil (Panganiban)
- Brunei: Brunay (Panganiban)
- Denmark: Dinamarka (Panganiban)
- Dominica: Dominika (Panganiban, deribasyon mula sa Republikang Dominikano)
- Dominican Republic: Republikang Dominikano (Panganiban)
- Ecuador: Ekwador (Panganiban)
- Egypt: Ehipto (Padre English)
- Eritrea: Eritrea (Panganiban)
- Spain: Espanya (Padre English)
- United States: Estados Unidos (Padre English)
- Estonia: Estonya (Sagalongos, kinuha sa Estonyano o "Estonian")
- Ethiopia: Etiyopiya (Panganiban, orihinal Etyopya)
- Gaboy, Luciano L. "Gresya, Greece". Gabby's Dictionary, Talahuluganang Ingles-Filipino/English-*Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- Guatemala: Guwatemala (Panganiban)
- Jamaica: Hamayka (Panganiban)
- Japan: Hapon (Padre English)
- Haiti: Hayti (Panganiban)
- Gibraltar: Hibraltar (Panganiban)
- Hong Kong: Hongkong (Panganiban)
- Jordan: Hordan (Panganiban)
- India(n): India at Indyan, hinango mula sa baybay ng Indian [Tagalog] at Indyan [Tagalog] para sa Indian [Ingles] (Padre English)
- Indonesia: Indonesya (De Dios) / Indonesia: Indonesia at Indonesya (Padre English)
- Iran: Iran (Panganiban)
- Iraq: Irak (Panganiban)
- Ireland: Irlanda (Panganiban, UP)
- Israel: Israel (Msgr. Jose C. Abriol, Ang Banal na Biblia)
- Italy: Italya (Padre English)
- Cambodia: Kambodya (Panganiban)
- Canada: Kanada (Panganiban at Padre English)
- Colombia: Kolombiya (Panganiban)
- Congo: Konggo (Panganiban)
- Korea: Korea - Demokratikong Popular na Republika ng Korea
- Andrea (tagapagsalin). "Korea," "Hilagang Korea," "Timog Korea," "Koreano," mga salitang ginamit sa balitang "H.Korea, puputulin ang daang panlupa nila ng T.Korea," China Radio International - Filipino, Filipino.CRI.cn
- Cuba: Kuba (Panganiban)
- Latvia: Latbiya (Panganiban)
- Lebanon: Libano - Abriol, Jose C.. (2000). "Libano". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
- "Bundok ng Libano (isang bundok na nasa loob ng Republika ng Libano)". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). (2008). Philippine Bible Society, AngBiblia.net, Lungsod ng Batangas, Pilipinas.
- Lithuania: Litwaniya (Panganiban, orihinal Litwanya)
- Greenland: Lupanlunti [orihinal Lupanluti na baka maling pagkakamakinilya] o Grinland (Panganiban)
- Iceland: Lupangyelo o Aisland (Panganiban)
- Macau: Makaw (Padre English, Panganiban)
- Madagascar: Madagaskar (Panganiban)
- Malta: Malta (Magandang Balita Biblia)
- Mongolia: Monggolya (Panganiban, original Munggolya)
- Morocco: Moroko (Panganiban)
- Norway: Noruwega (Panganiban, orihinal Norwega)
- Netherlands/Holland: Olanda (De Dios, Panganiban, Sagalongos, Padre English)
- Palestine: Palestina (Msgr. Jose C. Abriol, Ang Banal na Biblia)
- Panama: Panama (Panganiban)
- Peru: Peru (Panganiban)
- Fiji: Pidyi (Panganiban)
- Philippines: Pilipinas (Padre English)
- Republic of the Philippines: Republika ng Pilipinas (Padre English)
- Finland: Pinlandiya (Panganiban)
- France: Pransya - Gaboy, Luciano L.. "mula sa kahulugan ng french: (...)"wika o salitang Pranses; ang mga tao sa Pransya." (...)". Gabby's Dictionary, Talahuluganang Ingles-Filipino/English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- Puerto Rico - "Portoriko," ibinatay sa Portorikenyo, Hernandez, Amado V. Mga Ibong Mandaragit: Nobelang Sosyo-Politikal (1969), kopyang PDF mula sa AseanInfoNet.org, nasa wikang Tagalog, Pambansang Aklatan, Sangay ng Filipiniana (panawag bilang FIL 899.2113 H43i 1982), at International Graphic Service, Lungsod ng Quezon, may 416 pahina ang aklat/may katumbas na 216 pahinang PDF], nakuha noong: Marso 5, 2008
- Romania: Rumanya (Panganiban)
- Samoa: Samoa (Panganiban)
- Singapore: Singgapur (De Dios, Panganiban)
- Sudan: Sudan (Panganiban)
- Swedish: Suweko (Padre English)
- Switzerland: Suwisa (De Dios)
- Syria: Sirya (Magandang Balita Biblia [orihinal: Siria], Panganiban)
- Taiwan: Taywan (Panganiban)
- Thailand: Taylandiya (De Dios)
- Chile: Tsile (Panganiban)
- China: Tsina (Padre English)
- Cyprus: Tsipre (Magandang Balita Biblia, orihinal Chipre)
- Turkey: Turkiya (Padre English, Sagalongos)
- Hungary: Unggarya (Panganiban)
- Uruguay: Urugway (Panganiban)
Mga bansang hindi kinikilala
[baguhin ang wikitext]Dapat natin Ihiwalay ang mga bansang hindi kinikilala ng pandaigdigang pamahalaan ayon sa http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_sovereign_states#Other_states at http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_unrecognized_countries Gaya ng Makaw, hindi naman ito malaya na bansa. --Ryomaandres