Usapan:Unang Pahina/Lumang usapan 2
Posibleng Pagbabago
[baguhin ang wikitext]Nais kong imungkahi na baguhin ang sumusunod "Ang malayang ensiklopedya na maaring i-edit ninuman" sa "Ang ensiklopedyang malayang baguhin ninuman". Sa tingin ko ay mas naiiwasan ang kung tawagin sa Ingles ay "dangling modifiers" dahil hindi ang ensiklopedya ang malaya kundi ang pagbabago nito.
- Binago ko na yung pangungusap, ngunit maaari ba na ganito na lang: "ang ensiklopedya na malayang baguhin ninuman". Kapag binabasa ko kasi yung "ensiklopedyang malayang" parang tongue-twister siya o ako lang yun? :-) --Jojit fb 03:05, 19 August 2005 (UTC)
- Kung susundin natin ang turo ng ating mga guro sa Filipino nuong hayskul, "ensiklopedyang malayang..." ang tama dahil nagtatapos sa patinig and "ensiklopedya" ngunit parang mas "malinis" nga basahin ang " ensiklopedya na malayang baguhin...". Ikaw naman ang namamahala sa proyektong ito kaya nasasa iyo na siguro yuon.
- Ok, ipanatili natin 'yung "ensiklopedyang malayang..." kung iyan ang tamang balarila. At saka, kung ang ibig mong sabihin sa namamahala ay Administrator, sina seav at Bluemask 'yun. Isang masugid na contributor lamang po ako dito. :-) At ikaw rin, maaari na mag-ambag o mag-tama ka ng mga artikulo. Welcome dito ang lahat dahil isa pong komunidad na wiki ang Wikipedia. Tulong-tulong po tayo sa pagpapabuti ng proyektong ito. Salamat at mabuhay ka! --Jojit fb 01:27, 20 August 2005 (UTC)
Proposed changes
[baguhin ang wikitext]Magaling Tomas ngunit maaari pa siyang i-improve. Please see this for the proposed changes. Ginaya ko yung color schemes ng English Wikipedia. --Jojit fb 10:05, 27 July 2005 (UTC)
Salamat Bluemask, pero may konti pa akong pagbabago. Pinalaki ko uli yung font ng mga header. Tignan mo uli yung Temp. --Jojit fb 10:36, 27 July 2005 (UTC)
Kinakailangan na Pagbabago
[baguhin ang wikitext]- Bigyan ng pagkakataon ang mga aktibong editor na hindi administrador na baguhin ang Unang Pahina upang mabago ang mga sumusunod:
- Kasalukuyang nilalaman ng mga pahayagan (section)
- Napiling artikulo sa araw na ito (section)
- Nalalaman ba ninyo (section)
- Anunsyo (kung kinakailangan)
o kung walang kaparaanan sa ganitong sistema, ay bigyan ng status ng pagka administrador ang mga aktibong editor, ayon sa kanilang repustasyon
- Magkaroon ng pagkakasundo ang mga aktibong editor ng mga paksa na ilalahad para sa mga
- napiling artikulo sa araw na ito (seksyon)
- nalalaman ba ninyo (seksyon)
- May nararapat siguro na iwasan ang paglalagay ng mga artikulo sa Unang Pahina kung ito ay magtuturo sa mga sumusunod
- stubs
- artikulong hindi pa nagagawa
- pahinang maaring isyu ng di pagkakasundo
- Magkaroon ng pagkakasundo kung ilang paksa ang ilalagay sa "featured" article.
- Magkaroon ng supnayan (archives) para sa mga napagdaanang featured article para sa reperensya
at marami pang iba ...
Unang Pahina April fools page
[baguhin ang wikitext]Bago pa man ma-revert ang mga template ng Unang Pahina ni Sir Bluemask, naka-reserva na ito Wikipedia:April Fools 2006 sa Unang Pahina. --Jojit fb 06:39, 1 Abril 2006 (UTC)
Maglaan ng proyekto para sa Unang Pahina?
[baguhin ang wikitext]Mukhang walang sysop ang gustong gumalaw ng Unang Pahina. Siguro kailangang munang pag-usapan bago ito baguhin. Tomas, maaari bang ibalik muna natin sa dati at pag-usapan natin ang posible pagbabago sa pahinang ito? Tingnan natin ang halimbawa ng English Wikipedia, mayroon silang Redesign Project na naglalayong pumasa sa standard Web Usability. Open editing season sila hanggang February 18 at mapagpasyahan ang huling balangkas sa isang botohan at mailalagay ito sa Main Page nila. Naiisip ko rin kung mapagpasyahan na nila ang bagong disenyo ng Main Page sa English Wikipedia, maaari din sigurong ilapat ito dito ang ganoong disenyo. --Jojit fb 08:26, 13 Pebrero 2006 (UTC)
- Ayan, gumawa na ako ng proyekto para sa pagbabago ng disenyo ng Unang Pahina. --Jojit fb 11:19, 16 Pebrero 2006 (UTC)
Tayo na at Magsanib
[baguhin ang wikitext]Sumali sa http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia_talk:Tambayan_Philippines at bumisita rin sa http://meta.wikimedia.org/wiki/Wikimedia_Philippines at gawin nating pormal ang ating pagsasama. --Exec8 02:56, 3 Marso 2007 (UTC)
- May kitaan tayo sa SM Megamall, Mayo 20, 2007 (Linggo) 1:00 ng hapon sa Kenny Rogers, SM Megamall Building A. --Exec8 11:46, 12 Mayo 2007 (UTC)
Hiligaynon Wikipedia
[baguhin ang wikitext]Hi Everyone,
We hope you can support our Request for Hiligaynon Wikipedia. Thankyou very much. --203.109.217.207 22:15, 4 Agosto 2007 (UTC)
Unang Pahina
[baguhin ang wikitext]Papaano po gumawa ng unang pahina? Para po sa Bikol Wikipedia test project. Salamat. --Filipinayzd 15:08, 20 Agosto 2007 (UTC)
Paghalal para sa mga Napiling Artikulo
[baguhin ang wikitext]Maari ba nating ibalik sa pagka-aktibo ang pahina ng pagnonomina o paghahalal ng mga NA? At maaari rin ho bang ibahin ang saitang "nominasyon" na mala-Kastila at palitan ng "paghalal" na siya naman sigurong nararapat? O ang "napiling artikulo" sa "artikulong tanghal"? Salamat. J2 J.J. Nario 10:15, 12 Nobyembre 2007 (UTC)
Recommendation:
[baguhin ang wikitext]Tomas, nandito na ang pahina para sa rekomendasyon - Wikipedia:WikiProyekto Usabilidad/Unang Pahina --Jojit fb 11:19, 16 Pebrero 2006 (UTC)
- Ito ba ang burador para sa unang pahina? Dahil gusto ko sanang pagandahin ang interface ng unang pahina katulad ng sa kastila at pranses na Wikipedia. -- Felipe Aira 11:55, 8 Nobyembre 2007 (UTC)
Pamagat ng pahinang ito
[baguhin ang wikitext]Pagkatapos matingnan nang isa-isa ang mga main page ng mga Wikipedya sa Inggles, Italyano, Portuges, Kastila, Galego, Katalan, Aleman, Napoletano, atbp., sa tingin ko mas maaangkop na lamang ang pamagat na Pangunahing pahina para sa pahinang ito. Hindi kasi talaga mukhang tapat na salin ang Unang pahina, na sa Inggles, isang wika na may kakaiba at mas payak na balarila kaysa sa Tagalog, ay sasalin bilang “[chronologically] first page”. —Život 10:03, 2 Hulyo 2006 (UTC)
- Sa ngayon po ako sa pagpapalit ng pamagat nito mula sa Unang Pahina at gawin na lamang Pangunahing Pahina. Kakailanganin po bang pagbotohan bago ito mapalitan? --124.106.128.237 11:54, 1 Agosto 2006 (UTC)
=Mas angkop nga na tawagin itong "Pangunahing Pahina" (Main Page) kaysa "Unang Pahina" (First Page)--Windmelody 10:42, 27 Hunyo 2007 (UTC)
- Oo, dapat nating gamitin ang "Pangunahing Pahina" dahil ang kahulugan nito ay mas malapit sa Main Page kaysa sa "Unang Pahina" dahil ang kahulugan nito ay first page. O kaya pwede rin nating gamitin ang "Pahinang Sentral" na para sa akin ay ang pinakamalapit na katumbas ng main page sa wikang Tagalog. Felipe Aira 02:20, 29 Setyembre 2007 (UTC)
Luma na ang Tagalog Wikipedia
[baguhin ang wikitext]Ano ba to? Walang pinagbago ang Tagalog Wikipedia kahapon, ngayon, noong isang araw, pati nooong isang buwan. Marahil bukas din. --Exec8 14:29, 19 Disyembre 2006 (UTC) yun lang
- Nababago na ang Unang Pahina linggo-linggo. (Maliban sa balita.) - Emir214 00:35, 7 Hulyo 2007 (UTC)
- Bakit hindi araw-araw? Marahil kakaunti pa palang ang featured or good article natin. --Britand&Beyonce (talk•contribs) 08:41, 2 Nobyembre 2007 (UTC)
Paano po kaya?
[baguhin ang wikitext]Paano po kaya ako makakatulong sa pag-update ng Unang Pahina ng Tagalog Wikipedia? --Mananaliksik 05:38, 14 Pebrero 2007 (UTC)
- Nakahiwa-hiwalay ang mga component ng main page sa iba’t ibang mga template. Maaari ’nyo silang patnugutin nang paisa-isa, depende sa component ng main page na nais ’nyong baguhin. —Život 16:50, 14 Pebrero 2007 (UTC)
- pwede bang baguhin o i-edit ang unang pahina kahit ng mga hindi sysop? parang wala nang pagbabago sa nilalaman nito mula noong huli kong nabasa ito. --RebSkii 17:05, 16 Pebrero 2007 (UTC)
- Ano ang mungkahi mong ilagay sa Unang pahina? --bluemask 04:47, 17 Pebrero 2007 (UTC)
- Magandang madaling-araw po! :) napadaan lang po dahil sa mensahe ni Exec8...imumungkahi ko po sana na ilagay sa Unang Pahina ung mga "Trivial" na artikulo ukol sa kulturang Pinoy...tulad ng "Watawat ng Pilipinas","Mga bagong species ng Hayop/Halaman na natagpuan sa Pilipinas" o kaya "Mga Sagisag ng Pilipinas". :) ..meron naman isang space para sa foreign topics tulad ng United Nations etc...Tapos may isang portion din na nag-aanyaya sa nagbabasa na sumali sa wikipedia para madagdagan tayo(pwede po kaya ung magpatalastas ng invitation)...hehehe...Naisip ko lang din po na ung Unang Pahina ay marahil kailangan naka-position sa pagpapalaganap ng "sense" of nationalism sa mga Filipino viewers(marahil karamihan din mga nangangailangang mag-research,estudyante,kabataan)...kumbaga,isa po itong proyekto na di lamang magbibigay ng kaalaman kundi magbibigay pugay din sa wika natin.... Pero siympre baguhan lang po ako kaya di ko pa po nauunawaan ung mga patakaran natin....kuro-kuro ko lang po. sabi nga po ng isang "sikat" na tv network,"we report,you decide!" :P hehehe.Squalluto 17:40, 12 Mayo 2007 (UTC)
- Magandang araw. Naisip ko lang na dapat meron tayong template dito na katumbas ng "On this day..." sa unang pahina. Katulad ng template na matatagpuan sa Wikipedia - English. Para doon po ilalagay ang mga importanteng mga nangyari sa araw na iyon ngunit sa ibang taon. Katulad ng ika-12 ng Hunyo, sabihin nating ika-12 ng Hunyo ngayon tapos nakalagay doon sa template na iyon na noong 12 Hunyo ilang taon na nakakalipas ay ipinroklama ni Heneral Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya, at iba pa. Ang naiisip kong pangalan para dito ay "Sa araw na ito...". Salamat. Felipe Aira 02:31, 29 Setyembre 2007 (UTC)
- pwede bang baguhin o i-edit ang unang pahina kahit ng mga hindi sysop? parang wala nang pagbabago sa nilalaman nito mula noong huli kong nabasa ito. --RebSkii 17:05, 16 Pebrero 2007 (UTC)
Tara kaibigan usap tayo
[baguhin ang wikitext]Inaanyayahan ko ang lahat na sumali sa aming usapan. Magbigay ng inyong mungkahi at pananaw sa Wikipedia talk:Meetup/Manila 2 --Exec8 06:00, 8 July 2007 (UTC)
203.87.187.162 14:19, 18 Hulyo 2007 (UTC)Papano po gumawa ng Wiki para sa ibang wika sa Pilipinas na wala pa?
- Pumunta ka sa Wikimedia.org, at doon ilagay ang iyong suhestyon. Felipe Aira 02:36, 29 Setyembre 2007 (UTC)
Color coding
[baguhin ang wikitext]Magandang gabi po! may naisip lang po ako...baka pwede po nating gawin RED,BLUE at YELLOW ung mga background sa Unang Pahina? :) para medyo Pilipinong-pilipino. ;) salamat. Squalluto 10:27, 5 Agosto 2007 (UTC)
- magandang ideya, ngunit kailangan din isaalang-alang ang mga mambabasa na may mas mabagal na server, dahil makadadagdag ito sa oras ng pagbubukas ng unang pahina, maaaring mahirapan sila dito. ang mga taong may color blindness ay hindi rin makikinabang sa pagbabagong ito, dahil ang mga taong may protanopia/deuteranopia at protanomaly/deuteranomaly ay hindi makakakita ng kulay na pula at luntian samantalang ang mga may tritanopia at tritanomaly ay hindi napag-iiba ang ilang kulay laban sa bughaw at dilaw. --RebSkii 15:27, 20 Agosto 2007 (UTC)
- Siguro nga ay mas makakabuti kung dilaw, bughaw at pula ang ating gagamitin. Pero siguro sa mga heading/pamagat ng mga "Napiling Artikulo", "Mga kasalukuyang kaganapan", "Napiliping Larawan" at "Alam ba ninyo" dahil totoong nakakabagal ang paglalagay ng makulay na background.--Felipe Aira 06:35, 14 Oktubre 2007 (UTC)
Tungkol sa Alam ba ninyo...
[baguhin ang wikitext]Maaari po bang pakitama lamang ang pagbabaybay ng salitang "isang" ng "...na ang Kasunduang Schengen ay isamg kasunduan ng mga estadong Europeo na sumasang-ayon para sa pagwawalang-bisa ng mga sistematikong kontrol ng mga hangganan?". Salamat po ng marami. - Dragonbite 20:35, 25 Agosto 2007 (UTC)
Mungkahi sa pagbabago
[baguhin ang wikitext]Mayroon akong ginawang disenyo para sa unang pahina. Punta na lamang dito upang matanaw. User:Felipe Aira/Wikipedya:Pangunahing pahina. Bumoto sa User talk:Felipe Aira/Wikipedya:Pangunahing pahina. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 08:27, 23 Disyembre 2007 (UTC)
Pagsasanggalang
[baguhin ang wikitext]Muli, aking minumungkahi ang pag-aalis ng sanggalang sa mga pahinang isinama sa Unang Pahina. Para ito ay malayang mabago ng lahat ng Wikipedista. Bagaman hindi maiiwasan ang mga bandalo, maaari namang maibalik sa huling bersyon ang mga binandalong pahina, kaya wala tayong problema. -- Felipe Aira 05:03, 4 Enero 2008 (UTC)
- Ginawa ko nang semi-protected ang Unang Pahina. Hindi ito mababago ng mga hindi nakarehistrong tagagamit. Ok na ang ganitong antas ng proteksyon, mahirap kasing harangin ang mga vandal na may IP address na papalit-palit. Mas madaling harangin ang mga naka-rehistrong tagagamit. --Jojit (usapan) 05:40, 4 Enero 2008 (UTC)
- Salamat nang marami! -- Felipe Aira 11:06, 4 Enero 2008 (UTC)
- Sigurado ka bang ginawa mo iyon? Kasi hindi ko mabago ang Template:UnangPahinaAlam. Nakakatawa naman iyong nakalagay doon. Paki tama na lamang kasi sa tingin ko ay hindi naman mukhang pugita yaong lalake. -- Felipe Aira 09:44, 11 Enero 2008 (UTC)
- Naka-cascade pala ang Unang Pahina. Paki-subok nga kung mababago mo na ang Template:UnangPahinaAlam. Hindi ko malalaman ito dahil tagapangasiwa ako. Salamat! --Jojit (usapan) 10:01, 11 Enero 2008 (UTC)
- Sinubukan ko na, at maaari nang mabago. Muli salamat! -- Felipe Aira 10:21, 11 Enero 2008 (UTC)
- Naka-cascade pala ang Unang Pahina. Paki-subok nga kung mababago mo na ang Template:UnangPahinaAlam. Hindi ko malalaman ito dahil tagapangasiwa ako. Salamat! --Jojit (usapan) 10:01, 11 Enero 2008 (UTC)
Mga wika sa Wikipedia
[baguhin ang wikitext]I believe wikipedia sa wikang Tagalog should be in "Wikipedia sa ibang wika na may mahigit 10,000 artikulo". Naglalaman ngayon ito ng 47,711 mga artikulo. Kusyadi 05:28, 27 Enero 2008 (UTC)
- Tapos na. --Jojit (usapan) 00:58, 22 Pebrero 2008 (UTC)
Bot command translations
[baguhin ang wikitext]Hi. Could anybody translate me these interwiki bot commands to Tagalog? (they will be displayed in all interwiki bot summaries instead castellano)
- robot -
- Añadido -
- Eliminado -
- Modificado -
Thank you. lt:User:Hugo.arg 10:26, 16 Pebrero 2008 (UTC)
- Here are the translations: robot = robot; añadido = dinagdag; eliminado = tinanggal; modificado = binago. Hope this helps. --Jojit (usapan) 01:39, 20 Pebrero 2008 (UTC)
Wikipedia sa ibang wika na may mahigit 15,000 artikulo
[baguhin ang wikitext]Tanong ko lang po sana: Dapat yata na ang "Srpskohrvatski / Српскохрватски (Serbo-Croation)" yata ay maging Serbo-Croatian: papalitan ng "a" ang "o" sa bahaging "-tion"? Pakitama naman ito dahil nasa unang pahina e. Salamat... - AnakngAraw 15:33, 26 Pebrero 2008 (UTC)
- Tapos na. --Jojit (usapan) 00:22, 27 Pebrero 2008 (UTC)
Sa tingin ko, matagal na natin siyang cover girl ng ating ensayklopedia. Kailan ba natin papalitan ang napiling artikulo? Alexius08 12:15, 2 Mayo 2008 (UTC)
- Hindi po mapapalitan hanggang wala pang bagong napiling artikulo. -- Felipe Aira 12:19, 2 Mayo 2008 (UTC)
- Kung gayon, kapag may isinalin akong artikulo na hango sa isang napiling artikulo sa Ingles na Wikipedia (gaya ng ginagawa ko ngayon sa Ahedres), maari din bang mapili ang artikulong iyon? Alexius08 12:25, 2 Mayo 2008 (UTC)
- Maaari kung hangad ng pamayanan. Kung tapos kanang magsalin, pakinomina na lamang sa WP:NA-NOM. Doon pumipili ang Wikipedya ng mga kandidato. -- Felipe Aira 12:58, 2 Mayo 2008 (UTC)
Seksyon ng Tagalog sa Wikipedia
[baguhin ang wikitext]Nais ko lamang itanong kung bakit may seksyon ng Tagalog sa Wikipedia ngunit ang salitang Filipino ay wala?
Hindi ko hinihinging alisin ang Tagalog sa Wikipedia, ngunit sa tingin ko ay nararapat din naman na magkaroon ng puwang ang Pambansang Wika ng mga Filipino. Ang pagkakaalam kasi ng karamihan ay Tagalog ang siya nating wika.
Kung saka-sakaling magbukas ng bagong seksyon ang Wikipedia para sa Filipino, paano kaya ito masisimulan? O hindi kaya, saan puwedeng humingi ng pahintulot para magkaroon ng Filipino dito??—Ang komentong ito ay idinagdag ni 222.126.92.178 (usapan • kontribusyon) noong Nobyembre 7, 2008.
- Maaari mo itong basahin: Gabay para sa maliliit at bagong mga Wikipedia - AnakngAraw 03:01, 7 Nobyembre 2008 (UTC)
- Pero itong Tagalog na Wikipedia na rin po ang Filipinong Wikipedia, kaya hindi na kailangan pang gawin ang kahilingang iyan. - AnakngAraw 04:01, 31 Disyembre 2008 (UTC)
Mayroong hindi maayos na kawing sa Alam Ba Ninyo?
[baguhin ang wikitext]Pinipilit kong iayos pero nakakandado ang suleras at hindi gumagana (ayaw sumunod) ng pahina sa ginawa kong pagtatama? Rehistradong tagagamit naman ako, a. Bakit ganun? Pakiayos, salamat. - AnakngAraw 04:19, 7 Marso 2008 (UTC)
Unang Pahina: Napiling Larawan
[baguhin ang wikitext]May problema ang napiling larawan ng unang pahina. Nakita kong pula ang kawing ng napiling larawan. Sinubok kong ayusin pero wala rin akong magawa... Pakitingnan. Salamat. - AnakngAraw 01:13, 24 Marso 2008 (UTC)
- Naayos ko. Pinalitan ko yung numero ng larawan mula sa kawing. Lumitaw ang bagong napiling larawan. Pero nalaktawan yung larawan ni Thalia (bilang 19), dahil hindi nga gumana. Kulay pulang kawing lang ang nakita kong lumilitaw mula sa unang pahina. Samakatuwid hindi pa nagagamit ang larawan ni Thalia. - AnakngAraw 02:17, 24 Marso 2008 (UTC)
Napiling Larawan: Anatomiya ng Tao
[baguhin ang wikitext]Pakipalitan ang "Ang anatomiya ng tao ay ang maka-agham ng pag-aaral" ng "Ang anatomiya ng tao ay ang maka-agham na pag-aaral"... Salamat. - AnakngAraw 05:17, 28 Marso 2008 (UTC)
German Wikipedia
[baguhin ang wikitext]Hi. The Template on the main page listing other wikipedias shows the german Wikipedia as "Deutch", it has to be "Deutsch". Could someone change this? -- 90.135.218.231 19:57, 16 Mayo 2008 (UTC)
- It will be corrected. -- Felipe Aira 02:58, 17 Mayo 2008 (UTC)
Napiling Larawan
[baguhin ang wikitext]Kailangang purgahin para lumitaw ang pagbabagong ginagawa sa Template:Napiling Larawan/Mekaniko. Salamat. - AnakngAraw 17:58, 26 Hunyo 2008 (UTC)
- Ayos na pala. Mabagal lang. Pero dapat siguro magkaroon ng mga buton ng pagpurga sa Alam Ba Ninyo?, Napiling Artikulo, o Napiling Larawan. - AnakngAraw 22:16, 26 Hunyo 2008 (UTC)
Baybayin
[baguhin ang wikitext]Why isn't Baybayin used to write the script here? —Ang komentong ito ay idinagdag ni 92.10.77.101 (usapan • kontribusyon) noong Setyembre 28, 2008.
- Baybayin is an ancient Philippine script. This is Tagalog and has long been romanized. Thanks for your interest about Tagalog Wikipedia. - AnakngAraw 19:29, 28 Setyembre 2008 (UTC)
Bot
[baguhin ang wikitext]Paano po ba gagawa ng bot ang isang taggagamit? Paano po nito naisasagawa ang interwiki? Pakisabi lang po.
--DragosteaDinTei 05:49, 10 Enero 2009 (UTC)
- Tingnan sa Wikipedia:Mga malimit itanong. - AnakngAraw 01:19, 8 Marso 2009 (UTC)
- Nakokopya ang mga interwiki mula sa mga artikulong nasa ibang wiki na nasa ibang wika (karaniwang mula sa Ingles na wikipedia), nasa pinakaibaba ng lathalain (kapag pinindot ang "edit" ang tiningnan ang ibabang bahagi ng artikulo). - AnakngAraw 01:23, 8 Marso 2009 (UTC)
Malaya o Libre?
[baguhin ang wikitext]Ang words na Malaya at Libre, they both mean Free diba? Ang pinagkaiba nila:
Malaya - to be liberated from restraint, imprisonment, the state of freedom.
Libre - costs nothing, for free.
Ano po ang most appropriate na gamitin? Sa tingin ko po yung Libre. Mas-suitable po.
Miel et Soufre 23:47, 13 Marso 2009 (UTC)
- Nasagot na iyan dito: Usapan:Unang_Pahina/Lumang_usapan_1#The Free Encyclopedia is equal to Ang Malayang Ensiklopedya --Jojit (usapan) 00:53, 14 Marso 2009 (UTC)
- Thanks for the clarification. Miel et Soufre 15:16, 27 Marso 2009 (UTC)
español
[baguhin ang wikitext]sorry for speak english, but in "300 maga artíkulo" NOT is the spanish language (español), in this wiki.. please put the spanish. Gracias! --Venerock 06:18, 25 Marso 2009 (UTC)
- Done. --Jojit (usapan) 09:28, 25 Marso 2009 (UTC)
Mga Balita sa Unang Pahina
[baguhin ang wikitext]Paki-update naman po sana ninyo yung nasa Una/Punong Pahina. Ang tagal na ng mga iyon... Nag-ambag na po ako ng bago. Sisikapin kong makapag-ambag uli. Salamat. - AnakngAraw 06:12, 11 Marso 2008 (UTC)
- Piliin lamang ang balitang may napaloob din sa isang artikulo. Magagawa mo dito: {{UnangPahinaBalita}} --bluemask 10:37, 11 Marso 2008 (UTC)
Hindi ko po alam kung paanong ipararating ang aking puna kaya dito ko na lamang ito isusulat. Sa aking palagay ay hindi tama ang salitang "sambahin" sa balita tungkol sa pagkilos ng proseso sa pagkakanonisa kay Papa Juan Pablo II at Pio XII. Hindi ko pa matiyak ang tamang salita na dapat gamitin ngunit susubukan kong saliksikin at aking itatala dito. Kung mayroon namang nakakaalam ay pakibago ito sa lalong madaling panahon. Salamat! 64.14.194.26 23:29, 21 Disyembre 2009 (UTC) Bijaei
- Maraming Salamat sa iyong puna kaibigan. Hayaan mo't gagawa ako ng pagasasaliksik ukol sa bagay na ito. Naisip ko nga rin na hindi ito akma sapagkat hindi iyon ang tamang katawagan. Maaari na siguro ang kagalang-galang. --Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 06:56, 22 Disyembre 2009 (UTC)
Mali ang ispeling ng pangalan in Barack Obama (nakasulat: Barrack), paki-ayos lang. Fbkintanar 17:14, 7 Agosto 2010 (UTC)
Apologies
[baguhin ang wikitext]Sorry for speaking english: We've got a deletion discussion here about a supposedly notable filipino TV programme. Unfortunately none of us speak filipino, and finding sources is hard. Would anyone mind giving us a hand? Did this programme exist? Was it major? Are there any sources that talk about it? Thanks! Yandman 15:07, 16 Abril 2009 (UTC)
- Also posted the message/notice at WP:Tambay of English Wikipedia, sometime ago. - AnakngAraw 04:07, 17 Abril 2009 (UTC)
pamatnugutan o baguhin?
[baguhin ang wikitext]Dapat ibalik sa "baguhin" ang "pamatnugutan". Dahil, una, ito ang standard na nakalagay sa interface ng wiking ito. Ikalawa, mas madaling intindihin ang "baguhin" kaysa "pamatnugutan". --Jojit (usapan) 11:22, 5 Agosto 2009 (UTC)
- Maaari bang subukan muna natin, kasi inuobserbahan ko ito noon pa. Maraming bandalismo dahil sa salitang "baguhin". Kung "pamatnugutan" parang may responsibilidad ang nag-aambag. Maaaring ibalik sa "baguhin" kung mali ang sapantaha ko. Salamat. - AnakngAraw 02:09, 6 Agosto 2009 (UTC)
Ang pangalan ng pahinang ito
[baguhin ang wikitext]Sa tingin ko na pangalan ng pahinang ito ay Pangunahing Pahina. Dahil kapag iniliteral ang Unang Pahina, magiging First Page ito sa Ingles ngunit kapoag iniliteral ang Pangunahing Pahina, mas magiging may kabuluhan ito bilang Main Page. --Ryomaandres 10:53, 11 Agosto 2009 (UTC)
- Unang naimungkahi ang pangalan na iyan dito sa arkibong ito at may botohan pa sa Kapihan ngunit hindi ito sumulong. Maaaring buksan mo muli ang botohan at imungkahi iyan. Tandaan na kapag papalitan natin ang pangalan ng "Unang Pahina", marami din tayong papalitan sa buong interface ng Wikipedia na may nakalagay na Unang Pahina. Magiging matrabaho sa aming mga tagapangasiwa iyan. Para sa akin, ok naman na Unang Pahina ang pamagat ng pahinang ito dahil kung tutuusin, ito ang unang pahinang nalikha sa wiking ito. Pero kung may concensus na palitan, ok din naman, mas prioridad iyon. --Jojit (usapan) 02:44, 12 Agosto 2009 (UTC)