Wikipedia:WikiProyekto Usabilidad/Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Maligayang pagdating sa Wikipedia,

75,431 mga artikulo sa Tagalog

Patungkol · Magtanong · Mag-ambag · Magbago · Tulong

Paksain · Indeks mula A hanggang Z

Napiling artikulo
Ang Lungsod ng Maynila sa gabi. Kinuha ang litrato sa Harbour Square

Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang kabiserang lungsod ng Pilipinas na isa sa 17 lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng pambansang punong rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon, isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirahan ng humigit sa 19 na milyong katao. Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro, ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Pero ang kalapit na lungsod, ang Lungsod Quezon, ang dating kabisera ng bansa, ay mas matao. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya. Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Ang Ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng Ilog Pasig at Look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.

Mga kasalukuyang kaganapan
Garcia eddie.jpg
  • Pagkatapos ng halos dalawang linggong nasa coma, namatay ang artistang si Eddie Garcia (nakalarawan) sa gulang na 90.
  • Dumating ang Pangulo ng Tsina na si Xi Jinping sa Hilagang Korea para dalawang-araw na pagdalong estado kay Kim Jong-un.
  • Isang malawakang blackout o kawalan ng kuryente ang tumama sa Argentina, Uruguay, katimugang Brazil, at ilang mga lungsod sa Chile, na iniiwan ang milyong na walang kuryente.
  • Mga protesta kontra sa batas ng ekstradisyon sa Hong Kong noong 2019: Ang nakatakdang mapayapang malawakang protesta, sa kabila ng pagsuspinde ng batas kahapon, ng halos 2 milyong katao ang nagtipon sa Liwasan ng Victoria na hinihingi ang iurong ang lehislasyon. Kung ikukumpirma ang bilang ng mga nag-organisa, ito ang pinakamalaking protesta kailanman. Humingi ng paumanhin ang pinuno ng Hong Kong na si Carrie Lam sa pagmungkahi sa batas. Sabi ng pulis ang bilang na mga nagprotesta ay 338,000 sa tugatog nito.
  • Mga Pangwakas na Laro ng NBA ng 2019: Sa basketbol, tinalo ng Toronto Raptors ang Golden State Warriors sa apat na laro laban sa dalawa para manalo sa kanilang unang kampeonato sa NBA. Sila rin ang unang koponan ng NBA na sa labas ng Estados Unidos at ang una mula sa Canada na manalo sa Mga Pangwakas na Laro ng NBA.
  • Napiling larawan
    Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

    Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

    Alam ba ninyo...

    Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Chandra 04.jpg
    • ... na ang Palitan ng Smart Connect ng North Luzon Expressway ay ang pinakamalaking palitan o interchange sa Pilipinas batay sa lawak ng lupa?
    • ... na ang lungsod ng Lubumbashi sa Demokratikong Republika ng Congo ay ang pagmiminang kabisera ng bansa?
    • ... na ang Ika-10 Abenida, Caloocan pati na ang distrito ng Grace Park, Caloocan ay dating isang palapagan o airfield bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    • ... na ang makasaysayang lungsod ng Samarqand, Uzbekistan ay idinagdag ng UNESCO sa talaan nito ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook noong 2001 bilang Samarkand – Crossroads of Cultures?
    • ... na si Chandra Bahadur Dangi (nakalarawan) ay ang pinakamaigsing tao na namatay noong 2015?
    • ... na si Sultan Kösen ay ang pinakamatangkad na nabubuhay na tao sa mundo?


    Kailangan ka ng Wikipedia

    Mga maaaring gawin sa Wikipedia

    Ang Komunidad ng Tagalog Wikipedia

    Mga kaugnay na proyekto

    Ang Wikipedia ay nasa pangangalaga ng Wikimedia Foundation, isang organisasyong hindi-kumikinabang, na nagpapalakad ng iba't ibang mga proyekto:

    Wiktionary
    talatinigan at talasalitaan
    Wikibooks
    Mga malayang aklat at manwal
    Wikiquote
    Kalipunan ng mga pagbanggit
    Wikisource
    Malayang pagkukunan ng mga dokumento
    Wikispecies
    talatinigan ng mga uri (species)
    Wikinews
    Mapagkukuhanang balita na may malayang nilalaman
    Commons
    Binabahaging repositoryong pang-medya
    Meta-Wiki
    Koordinasyon para sa proyekto ng Wikimedia

    Mga wika sa Wikipedia

    Ito ang Wikipedia sa wikang Tagalog. Nagsimula ito noong Disyembre 2003, naglalaman ngayon ito ng 75,431 mga artikulo. Nakasulat din ang mga Wikipedia sa iba't ibang salitain:

    Wikipedia sa mga wika sa Pilipinas: Bikol · Cebuano · Ilocano · Kapampangan · Pangasinan · Tagalog · Waray-Waray · Zamboangueño