Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 28
Itsura
Hilagang Korea nagbanta na mas pag-iibayuhin ang pagsubok sa mga sandatang nukleyar. (Wall Street Journal) (Business Week) (AP via Google) (Hindustan Times)
- Pagpatay kay Rodolfo Torre Cantu:
- Rodolfo Torre Cantu, isa sa mga nangungunang kandidato para halalan sa isang estado ng Mehiko pinatay malapit sa Ciudad Victoria. (Times Live South Africa) (CNN)
- Pangulo ng Mehiko Felipe Calderón isinisi ang pagpatay sa mga kartel ng droga. (Aljazeera)
- Pagkamatay ng pinakamatanda at pinakamatagal na nagsilbing Senador ng Estados Unidos, Robert Byrd:
- Demokratikong si Robert Byrd ng West Virginia, Pangulong pro tempore of the Senado ng Estados Unidos at ang pinakamatagal na nagsilbi sa kasaysayan nito, namatay na sa edad na 92 sa Washington, D.C. (CNN) (BBC News)
- Senador Daniel Inouye ng Hawaii humalili kay Byrd bilang Pangulong pro tempore, na naglagay kay Inouye bilang may pinakamataas na posisyon na politikong Asyanong Amerikano sa kasaysayan ng Amerika. (Politico)
- Hindi bababa sa 100 katao pinangangambahang nakulong o nalibing sa pagguho sa Lalawigan ng Guizhou sa timog-kanlurang Tsina kasunod ng patuloy na malakas na pag-ulan. (BBC) (Al Jazeera)
- Dating pinuno ng Panama na si Manuel Noriega humarap na sa paglilitis sa Paris. (Arab News) (Aljazeera) (The Guardian)
- Kyrgyzstan naaprubahan na ang bagong Saligang-batas nang may 90.6 bahagdan ng mga botante na sumang-ayon sa dito na magbibigay daan para sa halalan para sa parlamento sa Oktubre, kasunod ng kamakailang pag-aaklas at karahasan. (New York Times)
- Halalan para sa pagkapangulo naganap sa Burundi kung saan walang kalaban ang kasalukuyang Pangulo na si Pierre Nkurunziza. Serye ng mga pag-atake gamit ang granada naganap. (Al Jazeera) (The Guardian)
- Militar ng Pidyi nagpalabas ng pagbabawal sa medya na nakatutok sa pagmamay-ari ng mga banyaga sa mga organisasyon ng medya sa bansa. (Hindustan Times) (BBC) (The Australian)
- Ikalawang istataw ni Josef Stalin tinanggal sa Heyorhiya. (The Independent) (Straits Times)
- Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos iniulat na sampung tao ang inaresto dahil sa umano'y pang-iispiya sa Rusya. (Aljazeera) (BBC) (The Guardian) (USA Today)
- Pangunahing Ahensiya ng Kaalaman (CIA) ng Amerika nananatiling walang malay sa bagong Punong Ministro ng Awstralya. (The Sydney Morning Herald)
- Limang kasapi ng Pandaigdigang Pwersa ng Tulong para sa Katiwasayan sa Apganistan, kasama na ang apat na taga-Noruwega patay sa pagsabog ng isang bomba sa hilagang bahagi ng bansa. (AFP via Google) (BBC News) (Reuters Canada)
- Pagbaha sa Singapore hindi umano maiiwasan subalit kayang iwasan ang malawakang pagbaha, ayon kay Punong Ministro Lee Hsien Loong. (Strait Times) (Channel News Asia) (Today Online)
- Pangalawang pangulo ng Parti Keadilan Rakyat (PKR), Mohamed Azmin Ali, pinalitan si Khalid Ibrahim bilang pinuno ng estado ng Selangor sa Malaysia. (Bernama) (Today Online) (Free Malaysia Today)
- Mga grupo ng Muslim sa Jakarta, Indonesya nagpulong ukol sa pagsugpo sa paglaganap ng Kristiyanismo sa bansa. (Today Online) (The Jakarta Globe) (THe Jakarta Post)