Wikipedia:Sinupan ng mga nagdaang napiling larawan/Sinupan 5
Mga napiling larawan noong 2010 (kabuoang bilang: 13)
[baguhin ang wikitext]Ang soro ay isang hayop na kabilang sa kahit anumang isa sa 27 mga uri (labindalawa lamang sa mga ito ang tunay na kabilang sa saring Vulpes, o "mga totoong soro") ng maliliit hanggang hindi kalakihang mga canid, na karaniwang may mahahaba ngunit makikitid na mga nguso, at mapalumpong na mga buntot. Sa ngayon, pinakakaraniwan at pinakalaganap ang mga uri ng sorong tinatawag na pulang soro (Vulpes vulpes), bagaman may iba't ibang mga uring matatagpuan sa halos lahat ng mga kontinente. Nagbunga ang pagkakaroon ng mga wangis-sorong mga karniboro sa kabuoan ng globo sa paglitaw nila sa mga tanyag na kalinangan at mga kuwentong-bayan ng maraming mga nasyon, tribo, at ibang pangkat pangkalingan. Ipininta ni W. Kuhnert at ikinarga ni Citron.
Ang kompyuter, kumpyuter, o komputadora ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. May apat na uri ng kompyuter. Agham pangkompyuter ang disiplina na pinag-aaralan ang teoriya, disenyo, at paglalapat ng mga kompyuter. Ang mga kompyuter ay nakakagawa ng prosesong numerikal o lohikang gamit ang BIOS. Halimbawa ng isang unang uri ng kompyuter ang Apple II IMG 4214. Ginawa at ikinarga ni Rama.
Ang samurai (侍), mononohu, o bushi, ay ang mga kasapi ng uring militar ng sinaunang Hapon. Samakatuwid, sila ang mga mandirigma noong kanilang kapanahunan. Nagmula ang salitang samurai sa pandiwang Hapones na saburai, na nangangahulugang paglingkuran (ang isang tao). Namuhay ang mga samurai noong kapanahunang Edo. Sila ang mga maharlikang militar ng Hapon bago sumapit ang industriyalisasyon. Ikinarga ni Brandmeister at pinainam ni Yann.
Ang tangke o kalaboso ay isang makinang pangdigmaan o behikulong may baluti na panglaban upang mapagsanggalang ito mula sa mga tama ng bala ng mga baril, mga misil, at mga kanyon ng kalaban, habang nakikipagsagupaan. Mayroon itong mga pinak o pangtugaygay na nakabalot sa mga gulong upang makatawid ito sa magagaspang na mga daanan o lupain, at upang mapalawak ang nasasakupan ng timbang nito. Karamihan sa mga tangke ang may malalakas na mga baril at isa o mahigit pang mga makinang baril. Kuha at karga ni Malyszkz.
Ang mga kabute ay mga bahagi ng halamang singaw na kahugis ng nakabukas at nakatayong payong na nagsisilbing tagapagdala ng mga binhing buto. Tumutubo ang mga ito sa itaas ng lupa o kaya sa pinanggagalingan ng pagkain ng mga ito. Karaniwang nakakain ang mga ito subalit mayroon ding nakakalason. Isang halimbawa ng mga kabute ang Mycena interrupta. Kuha at karga ni Noodle snacks.
Ang kuwago ay isang uri ng pang-gabing ibon na nanghuhuli at kumakain ng mga daga at ibang mga maliliit na ibon. Ginawa at ikinarga ni Dori. Pinainam ni Lycaon.
Ang utak ay ang sentro ng kontrol ng gitnang sistemang nerbyos. Sa karamihan ng mga hayop, matatagpuan ang utak sa ulo na malapit sa pangunahing pandamang aparato at ng bibig. Habang may mga utak ang sistemang nerbyos ng lahat ng bertebrado, mayroong sistemang nerbyos ng isang sentralisadong utak o mga koleksiyon ng indibiduwal na ganggliyon ang mga inbertebrado. Ginawa at ikinarga ni Was a bee.
Ang mga penguino o pinguino, binabaybay ding pengguino o pingguino, ay mga ibong-dagat. Binubuo nila ang pamilyang Spheniscidae, ang nag-iisang pamilya sa ordeng Sphenisciformes. Namumuhay ang mga penguino sa katimugang hati ng mundo na binubuo ng Antartika, Bagong Selanda, katimugan ng Australya, Timog Aprika at Timog Amerika. Ginawa at kinarga ni Überraschungsbilder / pinainam ni Amada44.
Ang matador o torero, kilala rin bilang toreador, ay ang taong pangunahing tagaganap sa huwego de toro o korida de toro, ang pakikipaglaban ng matador sa isang toro na isinasagawa sa Espanya, Mehiko, Pransiya at sari-saring mga bansang naimpluwensiyahan ng kulturang Kastila. Ginawa at kinarga ni Tomascastelazo.
Ang sistemang pangkalat, kilala rin bilang sistemang sirkulatoryo o sistemang kardyobaskular, ay isang organong nagdadala at nagkakalat ng mga sustansiya, mga hangin, at dumi patungo at mula sa mga selula, at tumutulong sa pagpapanatili ng antas ng temperatura at pH upang makalinga ang homeostasis. Habang ang mga tao, maging ang ibang mga bertebrado ay may saradong sistemang sirkulatoryo, ang ilang mga grupo ng imbertebrado ay may bukas na sistemang sirkulatoryo. Ang phyla, na isang pinakakatutubo o isinaunang hayop, ay walang mga sistemang sirkulatoryo. Ginawa at kinarga ni LadyofHats.
Si Angela Merkel ay ang unang babaeng Kansilyer ng Alemanya. Si Merkel ay naging Pangulo ng Konsehong Europeo ng G8. Malaki ang naging papel niya sa negosasyon sa Tratado ng Lisbon at sa Deklarasyon ng Berlin noong 2007. Itinuturing siya ng Forbes Magazine bilang pinakamakapangyarihang babae sa buong daigdig sa kasalukuyang panahon. Noong 2007, siya ang naging pangalawang babaeng naupo bilang Pangulo ng G8, na sumunod sa yapak ni Margaret Thatcher. Nakamit niya noong 2008 ang Premyong Carlomagno para sa kanyang mga hakbang ng reporma sa Unyong Europeo. Ginawa at kinarga ni א (Aleph) at pinaunlad nina Deniss, Gasimov, 9002redrum.
Ang mga tigre o mga Panthera tigris ay mga mamalyang nasa mag-anak na Felidae, ang pinakamalaki sa apat na "malalaking pusa" sa saring Panthera. Likas sa silangan at katimugang Asya, umaabot ang tigre sa habang 4 na metro at abot sa bigat na hanggang 300 kilogramo. Maihahambing ang mga tigre sa mga malalaking felid na wala na sa ngayon. Maliban sa kanilang lakas at laki, isa sa mga kilalang katangian nila ang maitim na guhit na nakapatong sa halos puti hanggang mamula-mulang-kahel na balahibo, kasama ang mas maliwanag na bahagi sa ilalim. Kuha at karga ni Dave Pape.
Ang mga elepante (Elephantidae) ay isang pamilya sa ordeng Proboscidea sa uring Mamalya. Kabilang dito ang Elepante ng Aprika at ng Asya. Isang katangian ng elepante ang pagtataglay ng malalapad na tainga at mahabang ilong o ang tinatawag na bulalay. Kuha at karga ni Ikiwaner.