Agosto 22

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31


Ang Agosto 22 ay ang ika-234 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-235 kung leap year) na may natitira pang 131 na araw.

Pangyayari[baguhin]

  • 476 - Si Odoacer ay ipinahayag bilang ang Rex italiae ng kanyang kawal.
  • 1717 - Lumapag ang hukbo ng Espanya sa Sardinia.
  • 1770 - Ang paglalayag ni James Cook ay napunta sa silangang baybayin ng Australya.
  • 1848 - Napasailalim ng Estados Unidos ang Bagong Mehiko.
  • 1911 - Ang magnanakaw ng Mona Lisa ay natagpuan.
  • 1926 - Ginto ay natagpuan sa Johannesburg, Timog Aprika.
  • 1944 - Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Sinakop ng Unyong Sobyet ang Rumanya.
  • 1962 - Isang tangkang pagpapaslang sa Pangulo ng Pransiya na si Charles de Gaulle ay hindi nagtagumpay.
  • 1968 - Dumating si Pablo VI sa Bogotá, Colombia. Ito ay ang unang pagpunta ng isang papa sa Latinong Amerika.
  • 2013 - Isang kontroladong bomba ang sumabog na ikinasawi ng 5 katao, pinag hihinalaang ito ay kagagawan ng mga militanteng miyembro ng Tehrik-i-Taliban Pakistan sa Timog Waziristan.[1]
  • 2013 - Labing-apat ang nasawi sa isang bombang pagpapatiwakal sa himpilan ng militar sa kanlurang Irak.[2]
  • 2013 - Limang sibilyan ang sugatan sa isang sunog ng mortar sa lungsod ng Goma sa Republika ng Konggo.[3]
  • 2013 - Ang elektrikong Pamilihang Sapi ng Amerika ang Nasdaq ay tumigil ng 3 oras dahil sa problema sa kompyuter.[4]
  • 2013 - Pumasok sa teritoryo ng Tsina ang bagyong Maring "Trami" (internasyonal na pangalan) pagkatapos manalanta at kumitil ng 17 katao sa Pilipinas.[5]
  • 2013 - Dating Pangulong Hosni Mubarak ay pinalaya na sa kulungan ng Tora at inilipat sa isang hospital ng militar.[6]
  • 2013 - Ang Alkalde ng San Diego, California na si Bob Filner ay pansamantalang sumang-ayon sa pag-alis sa kanyang puwesto kasunod ng pakikipagsundo sa mga opisyales ng lungsod, kung saan kailangan itong aprubahan ng Konseho ng San Diego; di bababa sa 18 babae ang umakusa sa kanya sa iba't-ibang klase ng seksuwal na panliligalig (siya ay sumailalim sa rehabilitasyon ngunit siya ay patuloy na pinagbibitiw).[7]

Kapanganakan[baguhin]

Kamatayan[baguhin]

Mga Sanggunian[baguhin]



Araw Ang lathalaing ito na tungkol sa Araw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.