Pambansang koponan ng basketbol ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pilipinas Flag of the Philippines Philippines
120px
Posisyon sa FIBA 45 Straight Line Steady.svg
Sumali sa FIBA 1936
Sona ng FIBA FIBA Asia
Pambansang samahan Samahang Basketbol ng Pilipinas
Punong Gabay Flag of the Philippines Chot Reyes
Palayaw Team Pilipinas, Gilas Pilipinas
Palarong Olimpiko
Sinalihang edisyon 7
Medalya Wala
Pinakamataas: ika-5 (1936)
Kampeonatong Pandaigdig
Sinalihang edisyon 4
Medalya Med 3.png Tanso: 1954
Kampeonatong Asyano
Sinalihang edisyon 24
Medalya Med 1.png Ginto: 1960, 1963, 1967, 1973, 1986
Med 2.png Pilak: 1965, 1971, 2013
Med 3.png Tanso: 1969
Kasuotan
Kit body royalbluesides.png
sa sariling bayan jersey
Team colours
Team colours
sa sariling bayan
Kit body thinwhitesides.png
sa ibang bayan jersey
Team colours
Team colours
sa ibang bayan

Ang pambansang koponan ng basketbol ng Pilipinas ay koponang nasa ilalim ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, at ang mga manlalaro ay nagmumula sa Philippine Basketball Association at Philippine Basketball League.

Ang koponan, na kilala rin sa pangalang "Team Pilipinas", ay sponsored ng Smart Communications . Ang punong gabay ng koponan para sa Kampeonatong FIBA Asya 2009 ay si Yeng Guiao. Si Rajko Toroman ang gagabay sa koponan sa Kampeonatong FIBA Asya 2011.

Ang Pilipinas ay nanalo ng limang Kampeonatong FIBA Asya, apat na ginto sa Palaro ng Asya, at isang tansong medalya sa 1954 Kampeonatong Pandaigdig ng FIBA.

Kasaysayan[baguhin]

Tala ng medalya
World Championships
Tanso 1954 Rio de Janiero Team competition
Asian Championships
Ginto 1960 Manila Team competition
Ginto 1963 Taipei Team competition
Ginto 1967 Seoul Team competition
Ginto 1973 Manila Team competition
Ginto 1986 Kuala Lumpur Team competition
Pilak 1965 Kuala Lumpur Team competition
Pilak 1971 Tokyo Team competition
Pilak 2013 Manila Team competition
Tanso 1969 Bangkok Team competition

Ang pambansang koponan ng basketbol ng Pilipinas ay naging isa sa mga pinaka-dominanteng koponan sa Asya mula ng dekada '20. Ang Pilipinas ay naging matagumpay sa mga kampeonato ng Kampeonatong Palaro ng Malayong Silangan (Far Eastern Championships Games) at ng Palaro ng Timog Silangang Asya ngunit hindi naging ganap ang tagumpay sa Palaro ng Asya at ng Kampeonatong FIBA Asya dahil sa mga katunggali tulad ng Israel, Timog Korea, Lebanon, Japan at lalo na ang koponan ng Tsina.

Sa mga dekada '50 at '60, ang koponan ng Pilipinas ay naging isa sa mga pinakamagaling sa buong mundo, nagkaroon ng mga dekalidad na manlalaro tulad nila Carlos Loyzaga, Mariano Tolentino at Edgardo Ocampo. Si Carlos Loyzaga ay naging bahagi ng seleksiyon ng Mythical Team ng Kampeonatong Pandaigdig ng FIBA taong 1954 kung saan ang Pilipinas ay nagtamo ng medalyang pilak.

Nawala ang kalakasan ng bansa sa basketbol sa Asya nang ang Philippine Basketball Association (PBA), ang pinakamatandang paligang pang-propesyonal sa Asya, ay itinatag noong Abril ng taong 1975. Ang mga pinakamagagaling na manlalaro ng bansa ay napunta sa PBA kung saan noong kapanahunang iyon, ang FIBA ay may paglilimita sa mga manlalaro ng basketbol kung saan mga hindi propesyonal o amateur lamang ang pinalalahok.

Sa pagtatapos ng taong 1975, ang Pilipinas ay nanalo sa Kampeonato ng Konpederasyong Basketbol ng Asya ng taong 1986. Ang pambansang koponan ay napanalunan ang karapatang sumali sa Kampeonatong Pandaigdig ng FIBA ng taong 1986 ngunit ang koponan ay hindi nakasali sa palaro dahil sa krisis na pampolitika sa bansa.

Nagpadala ng isang puro propesyonal na manlalaro ang bansa sa Palaro ng Asya 1990 na pinamunuan ni Robert Jaworski upang mabawi ang korona ng basketbol ng kontinente ngunit natalo ang koponan sa pang-pinal na laro laban sa koponan ng Tsina at nag-uwi ang koponan ng medalyang pilak.

Taong 1998 nang binuo ng PBA ang tinatawag na Philippines Centennial Team na nagtamo ng panalo sa ika-21 kampeonato ng William Jones Cup ngunit nagtamo lamang ng medalyang tanso sa Palaro ng Asya. Sa mga taong, 1994 at 2002, ang pambansang koponan ay natapos lamang sa ika-apat na puwesto sa Palaro ng Asya.

Suspensiyon ng FIBA[baguhin]

1963[baguhin]

Ang Pilipinas ay sinuspinde ng FIBA taong 1963 sa kadahilanang hindi naisakatuparang ng bansa ang pag-oorganisa bilang bansang punong-abala ng FIBA World Championship 1963 matapos na ideklara nang noo'y presidente na si Diosdado Macapagal na hindi bibigyan ng mga papales at hindi papayagang makapasok ang mga manlalaro na nagmumula sa mga maka-komunistang bansa. Matapos noon, ang Pilipinas, bilang kampeon ng Asya, ay napilitang lumahok sa isang pang-kwalipikasyong palaro upang makalahok sa Palarong Olympics 1964.[1]

2001[baguhin]

Ang pambansang samahan ng basketbol ng Pilipinas (Basketball Association of the Philippines (BAP)) ay nagkaroon ng krisis sa liderato sanhi ng isang hindi pagkaka-unawaaan sa pagitan ng grupo ni Graham Lim at ni Tiny Literal at ng mga grupo ni Freddie Jalasco at Lito Puyat na nagresulta ng pagkakasuspinde ng BAP.

Ngunit, makalipas ang ilang buwan, pumasok ang FIBA at ipinag-utos ang isang eleksiyon na nagresulta ng pagkapanalo ni Literal bilang presidente ng BAP. Sa pagtatapos ng matagumpay na eleksiyon, tinanggal ang suspensiyon at nakalahok ang bansa sa Palaro ng Timog Silangang Asya taong 2001 na ginanap sa Malaysia.[1]

2005 hanggang 2007[baguhin]

Ang Pilipinas ay nasuspinde, sa pangatlong pagkakataon, ng International Basketball Federation noong Hulyo 2005 matapos ang isang hindi pagkaka-unawaan sa pagitang ng BAP at ng Pambansang Komiteng Pang-Olympics ng Pilipinas (POC).


Mga Punong Gabay (mula 1930)[baguhin]

Kasalukuyang manlalaro[baguhin]

Talaan ng Pambansang koponan ng basketbol ng Pilipinas
Mga manlalaro Mga punong-gabay
Pos. # LNK Pangalan Taas Timbang Paaralan
PG 4 Flag of the Philippines Alapag, Jimmy (c) 5 ft 9 in (1.75 m) 160 lb (73 kg) Talk 'N Text Tropang Texters*
PG 5 Flag of the Philippines Tenorio, LA 5 ft 8 in (1.73 m) 190 lb (86 kg) Barangay Ginebra San Miguel*
G/F 6 Flag of the Philippines Chan, Jeffrei 6 ft 2 in (1.88 m) 185 lb (84 kg) Rain or Shine Elasto Painters*
PG 7 Flag of the Philippines Castro, Jayson 5 ft 11 in (1.8 m) 185 lb (84 kg) Talk 'N Text Tropang Texters*
G/F 8 Flag of the Philippines David, Gary 6 ft 2 in (1.88 m) 180 lb (82 kg) GlobalPort Batang Pier*
PF 9 Flag of the Philippines de Ocampo, Ranidel 6 ft 6 in (1.98 m) 215 lb (98 kg) Talk 'N Text Tropang Texters*
G/F 10 Flag of the Philippines Norwood, Gabe 6 ft 6 in (1.98 m) 210 lb (95 kg) Rain or Shine Elasto Painters*
C 11 Flag of the Philippines Douthit, Marcus 6 ft 11 in (2.11 m) 233 lb (106 kg) Smart Gilas*
G/F 12 Flag of the Philippines Fonacier, Larry 6 ft 2 in (1.88 m) 170 lb (77 kg) Talk 'N Text Tropang Texters*
F/C 13 Flag of the Philippines Fajardo, June Mar 6 ft 11 in (2.11 m) 270 lb (122 kg) Petron Blaze Boosters*
F/C 14 Flag of the Philippines Aguilar, Japeth 6 ft 10 in (2.08 m) 235 lb (107 kg) Talk 'N Text Tropang Texters*
PF 15 Flag of the Philippines Pingris, Marc 6 ft 5 in (1.96 m) 210 lb (95 kg) San Mig Coffee Mixers*
Head coach
Assistant coach(es)

Legend
  • (c) Team captain
  • From field describes current pro club
  • Cruz Roja.svg Injured


Tingnan rin[baguhin]

Mga Talasanggunian[baguhin]