Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Philippine History Collage.jpg
Maagang Kasaysayan (bago mag-900)
Taong Callao at Taong Tabon
Pagdating ng mga Negrito
Paglaganap na Austronesyo
Mga petroglipo ng Angono
Epokang / Panahong Klasikal (900-1521)
Bansa ng Mai
Kaharian ng Tondo
Konpederasyon ng Madyaas
Kaharian ng Maynila
Kaharian ng Namayan
Karahahan ng Butuan
Karahahan ng Cebu
Kasultanan ng Maguindanao
Kasultanan ng Sulu
Panahong Kolonyal (1565-1946)
Panahong Kastila (1521–1898)
Pamumunong Britaniko
Silangang Kaindiyahan ng Kastila
Himagsikan ng Pilipinas (1896-1898)
Katipunan
Unang Republika
Panahong Amerikano (1898–1946)
Digmaang Pilipino-Amerikano
Sampamahalaan ng Pilipinas
Pananakop ng Hapon (1942–1945)
Ikalawang Republika
Panahong Kontemporaneo (1946-kasalukuyan)
Ikatlong Republika
Diktadura ni Marcos
Ikalimang Republika
Guhit-panahon
Kasaysayang militar
Kasaysayan ng komunikasyon
Kasaysayang pangmdemograpiya
Portal icon Pilipinas

Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.

Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, Hawaii, Estados Unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina Heneral Douglas MacArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.[1]

Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagpunta si MacArthus sa Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan Wainwright, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw. Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau-tauhan lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.[1]

Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga puwersa ni Douglas MacArthur sa Tangway ng Leyte. Naproklaman bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmeña nang mamatay si Manuel Quezon. Malakas na nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano ang mga puwersang militar ni Heneral Homma sa Lalawigang Bulubundukin (Mountain Province), na napilitang sumuko noong mabigo ang mga ito sa tinatangka nilang pagtakas.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 Peplow, Evelyn. "The Coming of the Spaniards," THE PHILIPPINES Tropical Paradise, Passport Books, 1991, pp. 17.