Sirkonyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Sirkoniyum, Sirkonyum, o Sirkonyo (Ingles: Zirconium) ay isang elementong kimikal na may simbolong Zr at numerong atomiko na 40. Ang pangalan ng sirkonyum ay kinuha mula sa mineral na zircon o sirkon. Ang masang atomiko nito ay 91.224. Isa itong makinang, abong-puti, matibay na transiyunal na metal na kahawig ng titanyum. Pangunahing ginagamit ang sirkonyum bilang isang repraktoryo at opasipayer, although kaunting dami nito ang ginagamit bilang ahenteng pang-aloy dahil sa malakas nitong resistensiya sa korosyon. Pangunahing nakukuha ang sirkonyum mula sa mineral na sirkon, na siyang pinakamahalagang anyo ng sirkonyum na ginagamit.

Bumubuo ang sirkonyum ng isang kasamu't-sarian ng inorganiko at kumpuwestong organometaliko katulad ng deoksidong sirkonyum (zirconium dioxide) at dikloridong sirkonosen (zirconocene dichloride). Limang mga isotopo ay likas ang pagkakaroon, tatlo sa mga ito ang matatag. Ang mga sirkonyum na kumpuwesto ay walang gampaning biyolohikal.



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.