Ika-15 dantaon
Milenyo: | ika-2 milenyo |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 1400 dekada 1410 dekada 1420 dekada 1430 dekada 1440 dekada 1450 dekada 1460 dekada 1470 dekada 1480 dekada 1490 |
Ang ika-15 dantaon (taon: AD 1401 – 1500), ay isang siglo na sumasakop sa mga taon sa kalendaryong Huliyano mula 1401 hanggang 1500.
Sa Europa, nakikita ang ika-15 dantaon bilang ang tulay sa pagitan ng Huling Gitnang Panahon at ang maagang makabagong panahon. Makikita sa paggunita ng maraming panteknolohiya, panlipunan at pangkalinangang pagsulong sa ika-15 dantaon bilang isang pagpapahayag ng himalang Europeo ng mga sumunod ng mga siglo. Ang perspektibong pang-arkitektura at ang larangan na kilala ngayong bilang accounting ay naitatag sa Italya.
Bumagsak ang Constantinople, na nakilala bilang ang Kabisera ng Sanlibutan at ang Kabisera ng Imperyong Bisantino (Turkiya ngayon), sa umuusbong na Turkong Otomano na Muslim, na tinatakda ang katapusan ng napakatinding impluwensiya ng Imperyong Bisantino at, para maraming dalubhasa sa kasaysayan, ang katapusan ng Gitnang Panahon.[1] Nagdulot ito ng paglipat ng mga paham na Griyego at mga teksto sa Italya, habang ang imbensyon ni Johannes Gutenberg na mekanikal na gumagalaw na tipo ang nagsimula ng pag-imprenta. Nagkaroon ng susing pagganap ang dalawang kaganapan na ito sa pagsulong ng Renasimiyento.[2][3] Nahati ang Papasiyang Romano sa dalawang bahagi sa Europa sa maraming dekada (ang tinatawag nilang Kanluraning Sisma o Paghahati), hanggang sa Konseho ng Constancia. Naiuugnay ang dibisyon sa Simbahang Katoliko at ang kaguluhan nito sa kilusang Husita na naging dahilan sa pag-usbong ng Repormasyong Protestante ng sumunod na siglo. Nabuwag ang Islamikong Espanya (Al-Andalus) sa pamamagitan ng Kristiyanong Reconquista, na sinundan ng puwersahang kombersyon at ang rebelyong Muslim,[4] na natapos sa pitong siglo ng pamumunong Islamiko at pagbalik sa Espanya, Portugal at Katimugang Pransya sa mga namumunong Kristiyano.
Ang paghanap para sa kayamanan at kaunlaran ng Sultanato ng Bengal sa India[5] ay nagdulot sa kolonisasyon ng mga Amerika ni Christopher Columbus noong 1492 at ang Portuges na paglalayag ni Vasco da Gama, na nagdugtong sa Europa at sa subkontineteng Indiyano, na naghatid sa panahon ng mga imperoyong Iberiyano.
Mga dekada
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dekada 1400[A]
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1405: Hulyo 11 - Naglayag ang Dinastiyang Ming na kumander ng armada na si Zheng He mula sa Suzhou, upang galugarin ang mundo sa unang pagkakataon. [6]
Dekada 1450
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kapanganakan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1452: Abril 15 - Leonardo da Vinci, isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, musikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor (namatay 1519)
Dekada 1470
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kapanganakan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1475: Marso 6 - Michelangelo Buonarroti, isang eskultor, arkitekto, pintor, at manunula noong Renasimiyento (namatay 1564)
Dekada 1480
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kapanganakan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1480: Pebrero 3 - Fernando Magallanes, Portuges na maglalayag (namatay 1521).
Dekada 1490
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1492: Enero 15 – Nakipagpulong si Christopher Columbus kina Fernando at Isabel sa Alcázar de los Reyes Cristianos sa Córdoba, Andalusia, at hinimok silang suportahan ang kanyang Atlantikong paglalayag na nilayong hanapin ang isang bagong ruta patungo sa Silangang Indiyes.
Taon
[baguhin | baguhin ang wikitext]1500
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pebrero 24 - Carlos I ng Espanya, Hari ng Espanya. (namatay 1558)
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Maliban sa 1400
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Crowley, Roger (2006). Constantinople: The Last Great Siege, 1453 (sa wikang Ingles). Faber. ISBN 0-571-22185-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (sinuri ni Foster, Charles (22 Setyembre 2006). "The Conquest of Constantinople and the end of empire". Contemporary Review (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Agosto 2009.It is the end of the Middle Ages
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Encyclopædia Britannica, Renaissance, 2008, O.Ed. (sa Ingles)
- ↑ McLuhan 1962 ; Eisenstein 1980 ; Febvre & Martin 1997 ; Man 2002
- ↑ Harvey 2005, p. 14.
- ↑ Nanda, J. N (2005). Bengal: the unique state (sa wikang Ingles). Concept Publishing Company. p. 10. 2005. ISBN 978-81-8069-149-2.
Bengal [...] was rich in the production and export of grain, salt, fruit, liquors and wines, precious metals and ornaments besides the output of its handlooms in silk and cotton. Europe referred to Bengal as the richest country to trade with.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Cheng Ho?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., Explorers and Pioneers, pahina 111. (sa Ingles)