Pumunta sa nilalaman

Al-Munafiqun

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sura 63 ng Quran
المنافقون
Al-Munāfiqūn
Ang Mga Mapagkunwari
KlasipikasyonMadani
PosisyonJuzʼ 28
Blg. ng Ruku2
Blg. ng talata11

Ang Mga Mapagkunwari[1] (Arabe: المنافقون‎, al-munāfiqūn) ay ang ika-63 kabanata (surah) ng Qur'an na may 11 talata.[2] Halos nakapreserba lahat ng kabanata sa mababang tekstong Ṣan‘ā’1.[3]

1-3 Nilantad at sinaway ang pagtataksil ng mga mapagkunwari sa Medina
4 Binalaan ni Muhammad na mag-ingat sa pagtitiwala sa mga mapagkunwari
5-6 Sinumpa ang mga mapagkunwari at idineklarang taksil
7-8 Binantaan sila ng pagpapatalsik mula sa Medina
9-11 Tinagubilin ang tungkulin ng pagbibigay ng limos [4]

Tinatalakay ng kabanata ang pambihirang pangyayari ng pagkukunwari. Pinupulaan nito ang pagkukunwari at kinokondena ang mga ipokrita. Pinapayuhan din ang mga mananampalataya na maging tapat sa kanilang pananampalataya at magkawanggawa.[5] Sang-ayon sa teologong Muslim na si Javed Ahmad Ghamidi, ang tema ng Qur'an 63 ay upang ipabatid sa mga Muslim na ang mga mapagkunwari ay ganap na sinungaling.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Quran Tagalog Filipino in PDF Isinalin sa Wikang Tagalog nina Dr. Aboulkhair S. Tarason Ustadh Badi Udzaman S. Saliao at Muhammad M. Rodrigues Sinuri ni Dr. Muhammad Nadheer Ebil. Abril 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Meaning of the Glorious Qur'ân,: 63. al-Munafiqun: The Hypocrites". www.sacred-texts.com (sa wikang Ingles).
  3. Behnam Sadeghi & Mohsen Goudarzi, "Sana'a and the Origins of the Qu'ran", Der Islam, 87 (2012), 37 (sa Ingles).
  4. Rev. E. M. Wherry, M.A. A Complete Index to Sale's Text, Preliminary Discourse, and Notes (sa Ingles)
  5. Dr. Muzammil H. Siddiqi. "A Thematic Introduction to the Surahs of the Qur'an | SoundVision.com". www.soundvision.com (sa wikang Ingles).