Si Nubkhaure Amenemhat II ang ikatlong paraon ng Ikalabingdalawang Dinastiya ng Ehipto. Siya ay namuno sa Ehipto ng 35 taon mula 1929 BCE hanggang 1895 BCE. Siya ang anak ni Senusret I sa huling punong asawa nito na si reynang Neferu III.[1] Ang kanyang prenomen o pangalan sa trono na Nubkaure ay nangangahulugang "Ginintuan ang mga Kaluluwa ni Re".[2] Ang pinakamahalagang monumento ng kanyang paghahari ang mga pragmento ng taunang bato na natagpuan sa Memphis, Ehipto at muling ginamit sa Bagong Kaharian ng Ehipto. Ito ay nag-uulat ng mga pangyayari ng unang mga taon ng kanyang paghahari. Ang mga donasyon sa iba't ibang mga templo ay binanggit gayundin ang isang kampanya sa Katimugang Palestina at pagkawasak ng dalawang mga siyudad. Ang pagdating ng mga Nubian upang magdala ng kaloob ay iniulat rin. Itinatag ni Amenemhat II ang isang kapwa-paghahari kasama ng kanyang anak na si Senusret II sa kanyang ika-33 taon ng paghahari upang makuha ang pagpapatuloy ng paghahaling maharlika. Ang kanyang Puting pyramid ay itinayo sa Dahshur. Ang koret ng hari ay hindi mahusay na alam. Sina Senusret at Ameny ang mga vizier sa simula ng kanyang paghahari. Ang tagaingat ng yaman ay sina Merykau at Zaaset. Ang tagapangasiwa ng Khentykhetywer ay pinatunayan sa isang stela kung saan ay kanyang iniulat ang isang ekspedisyon sa Punt.