Apolaki
Itsura
Mga maalamat na nilalang |
Mga maalamat na bayani
|
Mga katutubong relihiyon |
Portada ng Pilipinas |
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Pebrero 2014) |
Si Apolaki ay isang diyos ng mga katutubong Pilipino, siya ang diyos ng araw. Ayon sa isang kuwentong Kapampangan[1], noong namatay si Bathala, hindi ipinamana ni Bathala ang daigdig sa kanyang mga anak. Si Apolaki ay nakipagtalo kay Mayari (na gusto ring maghari sa daigdig) para siya'y maging pinuno ng buong daigdig, sa tindi ng away nila kinuha ni Apolaki ang mata ni Mayari. Sa huli nagsisi si Apolaki at humingi ng paumanhin ang diyos sa diyosa at sumang-ayon na lang si Apolaki kay Mayari na kung araw si Apolaki ang hahari sa buong daigdig habang sa pagsapit ng dilim si Mayari ang hahari sa buong daigdig.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.