Pumunta sa nilalaman

Daang Governor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Daang Juanito Remulla Sr.
Juanito Remulla Sr. Road
Daang Governor (Governor's Drive; dating pangalan)
Daang Governor sa General Mariano Alvarez, Kabite.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) – Cavite 1st District Engineering Office, Cavite 2nd District Engineering Office, at Cavite Sub-District Engineering Office
Haba58.3 km (36.2 mi)
Bahagi ng
  • N405 mula Ternate papuntang Naic
  • N403 mula Naic papuntang Trece Martires
  • N65 mula Trece Martires papuntang Carmona
  • N651 sa Carmona
Pangunahing daanan
Dulo sa silanganTulay ng Soro-Soro sa Biñan, Laguna
 
Dulo sa kanluranSangandaang Palay-palay sa Ternate, Kabite
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodDasmariñas, Trece Martires, Heneral Trias
Mga bayanCarmona, General Mariano Alvarez, Tanza, Naic, Ternate
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang Juanito Remulla Sr. (Ingles: Juanito Remulla Sr. Road), na malimit na tinatawag pa rin ng madla sa dati nitong pangalan na Daang Governor (Ingles: Governor's Drive), ay isang mahalagang lansangan na dumadaan sa mga gitnang lungsod at bayan ng lalawigan ng Kabite. May dalawa hanggang siyam na linya ang lansangan, na may haba na 58.3 kilometro (36.2 milya). Pinakamalawak ito sa tatlong lansangan ng Kabite, ang mga ibang lansangan ay Lansangang Aguinaldo at Lansangang Antero Soriano. Bahagi ang lansangan ng isang serye ng mga pambansang lansangan, na nakanumerong N403, N405, N65, at N651

Ang silangang dulo ng lansangan ay sa Tulay ng Soro-Soro sa Biñan, Laguna, at pagkatapos ay daraan ito sa Carmona, General Mariano Alvarez, Dasmariñas, Heneral Trias, Trece Martires, katimugang Tanza, tatawid ng Lansangang Antero Soriano sa Naic, at tatapos sa Sangandaang Palay-Palay sa Ternate.

Pangkaramihang nakalatag ng kongkreto ang lansangan, subalit isinasailalalim sa pagsasaayos ang ilang bahagi nito at nilalatagan ng aspalto.

Noong Agosto 1, 2016 ipinanukalang baguhin ang pangalan ng lansangan sa Governor Juanito R. Remulla Sr. Road.[1] Sa bisa ng Batas Republika Blg. 11047 na isinabatas noong Hunyo 29, 2018, binago ang pangalan ang kabuoang lansangan, mula sa pangalan ng dating gobernador ng lalawigan na si Juanito Remulla Sr..[2]

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula Palapala papuntang Hangganan ng Kabite-Laguna

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Daang Juanito R. Remulla Sr. sa Dasmariñas
Daang Juanito R. Remulla Sr. malapit sa Waltermart Carmona.

Nagsisimula ang bahagi ng Daang Juanito R. Remulla Sr. patungo sa hangganang panlalawigan ng Laguna sa may SM City Dasmariñas sa sangandaan nito sa Lansangang Aguinaldo sa Palapala. Dadaan ito pasilangan paglapit nito sa Manila Memorial Park. Pagkaraan, babagtasin nito ang Daang Paliparan at papasok sa General Mariano Alvarez (GMA) sa pamamagitan ng isang tulay sa hangganan ng Dasmariñas-GMA.[3] Dadaan ito sa poblasyon ng GMA bago lumiko pahilagang-silangan sa hangganan ng GMA-Carmona. Sa Carmona, dadaan ito sa mga pook-industriyal ng bayan at i-ba-bypass nito ang poblasyon ng Carmona sa hilaga. Pagkaraan, tatawirin nito ang South Luzon Expressway at papasok sa Biñan, kung saan tutuloy ito bilang Kalye Heneral Malvar.

Mula Palapala papuntang Ternate

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Daang Juanito R. Remulla Sr. patungong Ternate ay nagsisimula sa sangandaan nito sa Lansangang Aguinaldo sa Palapala, malapit sa Robinsons Place Dasmariñas.[4] Sa pangkaramihan isa itong lansangang anim ang mga linya pagdaan nito pakanluran patungong Heneral Trias. Dadaan ang lansangan sa mga kanlurang barangay ng Dasmariñas, at papasok ito sa Heneral Trias. Kalaunan, babagtasin nito ang Lansangang Arnaldo malapit sa mga pabrika ng San Miguel at Purefoods-Hormel.[5] Paglampas, babagtasin naman nito ang Abenida Crisanto Mendoza de los Reyes sa Barangay Manggahan. Pagkatapos, papasok ito sa Trece Martires sa Tulay ng Pulunan, at pagkaraan ay dadaan ito sa pusod nito at tutuloy patungong Naic. Pagkaraan ng Naic, liliko ito pakaliwa patungong Ternate, at babagtasin nito ang Daang Naic–Indang.[6] Susundin ng lansangan ang diretsong ruta, at kakanan ito at tatapos sa tulay sa ibabaw ng Ilog Maragondon malapit sa Ternate.[7] Tutuloy ang lansangan patungong Nasugbu bilang Lansangang Ternate–Nasugbu.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "House Bill No. 2194" (PDF). www.congress.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2019-05-14. Nakuha noong 8 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "R.A. No. 11047  • An Act Renaming Governor's Drive, Traversing Soro-Soro Bridge in the City of Binan, Province of Laguna and the Municipality of Ternate, Province of Cavite, as Juanito R. Remulla, Sr. Road". The Corpus Juris. Hunyo 29, 2018. Nakuha noong 2019-01-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Governor's Drive from Palapala to Cavite-Laguna boundary". OpenStreetMap. Nakuha noong 15 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Governor's Drive west of Palapala". OpenStreetMap. Nakuha noong 15 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Governor's Drive and Arnaldo Highway". OpenStreetMap.
  6. "Governor's Drive on Trece Martires and Naic". OpenStreetMap. Nakuha noong 15 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Governor's Drive between Naic and Ternate". OpenStreetMap. Nakuha noong 15 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Coordinates needed: you can help!