Pumunta sa nilalaman

Anito

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Diwata)
Mga Igorot na bulul na naglalarawan ng mga espiritu ng ninuno (s. 1900)

Ang anito o anitu ay tumutukoy sa mga espiritu ng ninuno, espiritu ng kalikasan, at mga diyos sa katutubong pambayang relihiyon ng Pilipinas bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan, bagaman, maaring may ibang kahulugan at ugnayan ang katawagan depende sa pangkat-etnikong Pilipino. Maaring tumukoy din ito sa mga inukit na pigurang mala-tao, ang taotao, na gawa sa kahoy, bato, o garing, na kinakatawan ang mga espiritung ito.[1][2] Kilala din minsan ang anito (isang katawagan na malawak na ginagamit sa Luzon) bilang diwata sa ilang mga pangkat-etniko (lalo na sa Kabisayaan).[3]

Tumutukoy ang pag-anito sa pakikipag-usap sa mga espiritu, na kadalasang sinasamahan ng mga ritwal o pagdiriwang, kung saan umaakto ang isang katalonan (Bisaya: babaylan) bilang isang medyum o tagapamagitan upang makipag-usap ng diretso sa mga espiritu. Kapag partikular na kinakasangkutan ang isang espiritu ng kalikasan o diyos, tinatawag na pagdiwata ang ritwal. Tinatawag din minsan bilang "anito" lamang ang akto ng pagsamba o ang isang sakripisyong pangrehilihyon sa isang espiritu.[1][4][5]

Tinutukoy minsan ang paniniwala sa anito bilang anitismo (Kastila: anitismo o aniteria) sa panitikang pang-iskolar.[2]

Paggamit sa ibang pangkat-etniko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

diwata (hango mula sa Sanskrit na devata देवता; [6] ) Tradisyunal na ginagamit ang katawagan para sa diyos at diyosa sa mga rehiyon ng Kabisayaan, Palawan, at Mindanao, samantalang anito ang ginagamit kapag sinasalarawan ang engkanto sa Luzon. Parehong katawagan ang ginagamit sa Bikol, Marinduque, Romblon, at Mindoro, na pinapahiwatig ang walang pinapanigang lugar para sa dalawang katawagan.

Diwata sa Mitolohiyang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mitolohiyang Pilipino, ang isang diwata (hango mula sa Sanskrit na devata देवता; [6] encantada sa Kastila) ay isa uri ng diyos o espiritu. Nagkaroon ng mga antas ng kahulugan ang katawagang "diwata" simula noong paglagom nito sa mitolohiya ng pre-kolonyal na mga Pilipino. Ang Diwata sa mitolohiyang Filipino ay mga makapangyarihang espiritu o diyos-diyosan na nauugnay sa kalikasan. Sila ay itinuturing na tagapangalaga ng mga likas na yaman tulad ng kagubatan, mga bundok, ilog, at mga halaman. Kilala sila sa kanilang kagandahan at kabaitan, ngunit maaari ring magdala ng kaparusahan sa mga hindi rumerespeto o naninira sa kalikasan. Madalas isalarawan bilang ubod magagandang dilag o binata na nagtataglay ng kapangyarihang magbigay ng proteksyon at biyaya.Sa mga kwento at alamat ng mga taga luzon madalas magkaugnay ang diwata at lambana. Ang pagkakahalo ng Diwata at Lambana sa mga kwentong-bayan ng Luzon ay nagmumula sa kanilang mga pinagsasaluhang katangian bilang mga espiritu ng kalikasan, mga adaptasyon sa kultura, mga impluwensya mula sa kasaysayan ng kolonyalismo, at ang kanilang mga papel sa mga kwentong moral. Sama-sama, pinayayaman nila ang sining ng mitolohiyang Pilipino at nagsisilbing mahahalagang paalala ng malalim na koneksyon sa pagitan ng mga tao at ng kanilang natural na kapaligiran.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 William Henry Scott (1994). Barangay: Sixteenth Century Philippine Culture and Society (sa wikang Ingles). Quezon City: Ateneo de Manila University Press. ISBN 978-9715501354.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Stephen K. Hislop (1971). "Anitism: a survey of religious beliefs native to the Philippines" (PDF). Asian Studies (sa wikang Ingles). 9 (2): 144–156. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-07-07. Nakuha noong 2018-05-10.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Guillermo, Artemio R. (2012). Historical Dictionary of the Philippines (sa wikang Ingles). Scarecrow Press. p. 140. ISBN 9780810872462.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Demetrio, Francisco R.; Cordero-Fernando, Gilda; Nakpil-Zialcita, Roberto B.; Feleo, Fernando (1991). The Soul Book: Introduction to Philippine Pagan Religion (sa wikang Ingles). GCF Books, Quezon City. ASIN B007FR4S8G.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Antonio Sánchez de la Rosa (1895). Diccionario Hispano-Bisaya para las provincias de Samar y Leyte, Volumes 1–2 (sa wikang Ingles). Tipo-Litografia de Chofre y Comp. p. 414.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 https://www.filipiknow.net/the-ancient-visayan-deities-of-philippine-mythology/ (sa Ingles)