Pumunta sa nilalaman

Eksperimentong dalawang-hiwa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Double-slit experiment)

Ang Eksperimentong dalawang-hiwa (Ingles: double-slit experiment o minsan ay Young's experiment) ang demonstrasyon na ang materya at enerhiya ay maaaring magpamalas ng mga katangian ng parehong alon at partikulo. Sa pinasimpleng bersiyon ng eksperimentong ito, ang isang pinagmulan ng liwanag na kagaya ng laser beam ay nagliliwanag sa isang manipis na platong binutasan ng dalawang paralelong hiwa at ang liwanag na dumadaan sa mga hiwa ay pinagmamasdan sa tabing (screen) sa likod ng plato. Ang likas na alon ng liwanag ay magdudulot sa mga alon ng liwanag na dumaraan sa dalawang hiwa na magsagawa ng interperensiya na lumilikha ng maliwanag at madilim na mga banda (guhit) sa tabing. Ang resultang ito ay hindi makikita kung ang liwanag ay istriktong binubuo lamang ng mga partikulo. Gayunpaman, sa tabing, ang liwanag ay sinisipsip na parang ito ay binubuo ng mga diskreto (magkakahiwalay) na mga partikulo o poton. Ito ay nagpapatibay ng prinsipyo ng mekaniks na kwantum na tinatawag na duwalidad ng alon at partikulo.


Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.