Elizabeth II

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Elizabeth II
Reyna ng United Kingdom ng Great Britain at Northern Ireland
Paghahari 6 Pebrero 1952 – kasalukuyan
Koronasyon 2 Hunyo 1953
Buong pangalan Elizabeth Alexandra Mary
Sinundan George VI
Kahalili Prinsipe Charles, Prinsipe ng Wales
Konsorte kay Prinsipe Philip, Duke ng Edinburgh
Supling Prinsipe Charles, Prinsipe ng Wales
Prinsesa Anne, Prinsesang Royal
Prinsipe Andrew, Duke ng York
Prinsipe Edward, Konde ng Wessex
Ama George VI
Ina Elizabeth Bowes-Lyon
Mga paniniwalang relihiyoso Church of England, Church of Scotland

Ang Kaniyang Kamahalan Reyna Elizabeth II ng United Kingdom (ipinanganak noong 21 Abril 1926), ay ang Reyna ng labing-anim na malayang mga bansa na tinatawag na Realmong Komonwelt. Ang mga bansang ito ay ang Nagkakaisang Kaharian, Canada, Australia, New Zealand, Jamaica, Barbados, Bahamas, Grenada, Papua New Guinea, Solomon Islands, Tuvalu, Saint Lucia, Saint Vincent and the Grenadines, Antigua and Barbuda, Belize, at Saint Kitts and Nevis.

Si Elizabeth ay ipinanganak sa Londres at nag-aral sa bahay. Ang kanyang ama na si George VI ay umakyat sa trono noong 1936 dahil sa pagbibitiw sa tungkulin ng kanyang tiyuhin na si Edward VIII. Siya ay nagsimulang magdaos ng mga pampublikong tungkulin noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan siya ay nagsilbi sa Auxiliary Territorial Service. Nang namatay ang kanyang ama noong 1952, siya ay naging Pinuno ng Komonwelt at reyna ng pitong malalayang bansa na kasapi sa Komonwelt: Nagkakaisang Kaharian, Canada, Australia, New Zealand, Katimugang Africa, Pakistan at Ceylon. Siya ay kinoronahan noong 1953 at ito ang unang koronasyon na napalabas sa telebisyon. Sa pagitan ng 1956 at 1992, ang bilang ng kanyang mga kaharian ay nabawasan dahil ito ay naging mga republika na kinabibilangan ng South Africa, Pakistan at Ceylon (naging Sri Lanka).

Taong 1947 nang magpakasal siya kay Prinsipe Philip, Duke ng Edinburgh, kung saan nagkaroon sila ng apat na anak: Charles, Anne, Andrew at Edward. Noong 1992, kung saan tinaguriang annus horribilis ni Reyna Elizabeth II, naghiwalay sa kani-kanilang mga asawa sina Charles at Andrew, nagdiborsiyo si Anne, at nasunog ang ilang bahagi ng Windsor Castle. Nagtuloy sa diborsiyo ang relasyon nina Prinsipe Charles at Diana noong 1996. Nang sumunod na taon, namatay sa aksidente sa kotse si Diana sa Paris, at binatikos ng midya ang pamilya maharlika sa hindi nito paglitaw sa publiko sa mga araw bago ang libing ni Diana. Gayunpaman, naging tanyag si Elizabeth dahil sa kanyang paglitaw sa publiko at nanatiling mataas ang katanyagan niya sa paglipas ng panahon.

Ang haba ng kanyang pamumuno na 60 taon ang ikalawa sa lahat ng mga monarko sa bansa; mas mahaba ang pamumuno ni Reyna Victoria. Ang Pilak, Ginto at Diamanteng Anibersaryo ng kanyang pamumuno ay ipinagdiwang noong 1977, 2002 at 2012.

Kabataan[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Elizabeth ay ang panganay na anak ni Prinsipe Albert, Duke ng York (naging Haring George VI), at ng kanyang maybahay na si Lady Elizabeth Bowes-Lyon. Ang kanyang ama ay ang pangalawang anak nina Haring George V at Reyna Maria, at ang kanyang ina ay ang bunsong anak ng isang Eskosyang aristokrat na si Claude Bowes-Lyon, ika-labing-apat na Konde ng Strathmore at Kinghorne. Siya ay ipinanganak sa pamamagitan ng Caesarean noong 21 Abril 1926 sa oras na 2:40 ng umaga (GMT) sa bahay ng kanyang lolo sa 17 Bruton Street, Mayfair. Ang Anglikanong Arsobispo ng York, Cosmo Lang, ang nagbinyag sa kanya sa isang pribadong kapilya ng Palasyo ng Buckingham noong ika-29 ng Mayo. Siya ay pinangalanang Elizabeth na mula sa kanyang ina, Alexandra mula sa ina ni George V, na namatay anim na buwan ang nakaraan, at Mary mula sa kanyang lola. Tinawag siyang "Lilibet" ng malapit na myembro ng kanyang pamilya. Itinitangi siya ni George V, at nang siya ay nagkaroon ng malubhang sakit noong 1929 ang mga regular na pagbisita sa kanyang lolo ay pinapurihan ng mga sikat na palimbagan at nang lumaon ng mga mananalambuhay dahil sa pagtulong sa pagpapagaling ng hari.

Ang natatanging kapatid ni Elizabeth na si Prinsesa Margaret ay ipinanganak noong 1930. Ang dalawang prinsesa ay tinuruan sa bahay sa ilalim ng pamamahala ng kanilang ina at ni Marion Crawford, na tinawag na "Crawfie". Ang kanilang mga aralin ay naka-sentro sa kasaysayan, wika, panitikan at musika. Nadismaya ang pamilya maharlika noong 1950 nang magpalathala si Crawford ng talambuhay nila Elizabeth at Margaret na pinamagatang The Little Princesses. Ang aklat ay naglalarawan sa kanyang hilig sa mga kabayo at mga aso, kaayusan at kanyang responsibildad.

Herederang Mapagpalagay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Prinsesa Elizabeth, 1933

Habang ang kaniyang lolo ay naghahari, si Elizabeth ay ikatlo sa linya ng pagmamana sa trono. Kahit na ang kanyang pagkapanganak ay nagbigay ng interes sa publiko, hindi siya inaasahan maging reyna. Noong namatay ang kaniyang lolo noong 1936 ay siya ang naging ikalawa sa linya. Ngunit sa pagtatapos ng taong yaon, ay nagbitiw din si Edward sa pagiging hari kaya ang kanyang ama ang naging hari.

Si Elizabeth ay pribadong nagaaral tungkol sa kasaysayang Konstitusyonal mula kay Henry Marten, Ikalawang Proboste ng Kolehiyo ng Eton. Siya ay natuto ding mag-Pranses mula sa mga Pranses niyang mga governess. Isang Girl Guides Company, ang 1st Buckingham Palace Company, Ay binuo upang makasalamuha niya ang mga babaeng kasing-edad niya. Matapos noon ay inisabak siya bilang Sea Ranger.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Setyembre 1939, Pumasok na ang Britanya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na nagtapos noong 1945. Habang nagaganap ang digmaan, Karamihan sa mga batang taga-Londres ay inilikas upang maiwasan ang mga pambobomba sa Londres o mas sikat sa tawag na The Blitz. Noon ay pinaplanong ilikas ang dalawang prinsesa patungong Canada ngunit mariing tinutulan ng noo'y Reyna Elizabeth, na idineklarang "Ang mga bata ay hindi aalis nang wala ako, Ako ay hindi aalis ng wala ang Hari, At ang Hari ay hindi aalis. Ang dalawang prinsesa ay nanatili sa Kastilyo ng Balmoral hanggan mag-Pasko noong 1939, na kung kailan sila ay lumipat patungong Sandringham, Norfolk. Mula Pebrero hanggang Mayo 1940 ay nanirahan sila sa Lodge Royal sa Windsor hanggang sa lumipat na sila sa mismong Kastilyo ng Windsor na kung saan nanirahan sila doon sa nalalabing 5 taon ng digmaan. Sa Windsor ay sila ay bumida sa mga pantomimes sa Pasko upang magdonate sa Queen's Wool Fund. Taong 1940 naman ay isinagawa ni Elizabeth ang kauna-unahan niyang pagsasalita sa radyo sa Children's Hour ng Korporasyong Pambrodkast ng Britanya.

Noong 1943, sa gulang na 16, isinagawa ni Elizabeth ang kauna-unahang paglitaw niya sa publiko na magisa noong pinuntahan niya ang mga Gwardiyang Grenadero. Sa pagdating ng kaniyang ika-18 na kaarawan, ang batas ay inamyendahan upang siya ay maisali sa mga Counsellors ng Estado na tumatayong kapalit sa inkapasidad o pagliban ng monarko. Noong Pebrero ng taong 1945, siya ay sumali sa Auxiliary Territorial Service bilang Ikalawang Subalterno at mayroong numero na 230873. Siya din ay tinuruan maging drayber at mekaniko at siya naiangat sa pwestong Junior Commander limang buwan makalipas.

Sa pagtatapos ng digmaan sa Europa, ang mga prinsesang Elizabeth at Margaret ay nakisalamuha sa mga nagsasayang tao sa mga kalsada ng Londres.

Habang nagaganap ang digmaan, may mga plano para sa pagpuksa ukol sa mga isyung nasyonalismo sa Gales sa pamamagitan ng paglalapit kay Elizabeth sa taumbayan ng Gales. Isang plano ay ang pagtatalaga sa kaniya bilang Konstabulo ng Kastilyong Caernarfon o kaya naman ay patron ng Urdd Gobaith Cymru o ang Liga ng Kabataang Gales, ngunit inabandona ito dahil sa iba't ibang rason. Mayroon isa pang plano na gawing Prinsesa ng Gales si Elizabeth ngunit tinutulan ng Hari. Isinama din siya sa Gorsedd ng Bards ng Gales sa Pambansang Eisteddfod ng Gales.

Noong 1947 ay ang Pamilya Maharlika ay pumunta ng Katimugang Aprika, Ito ang kauna-unahang paglibot sa karagatan. Habang nasa paglilibot, Winika niya sa Buong Komonwelt at Imperyo ng Britanya na:

"Idinedeklara ko, na ang aking buhay, maging mahaba man o maikli, ay magiging nakalaan sa inyong serbisyo at sa buong pamilya Imperyal na kinabibilangan nating lahat." (I declare before you all, that my whole life, whether it's been long or short, shall be devoted to your service, and the service of our great imperial family, to which we all belong.)

Pagpapakasal at Pamilya[baguhin | baguhin ang batayan]

Nakilala ni Elizabeth ang kaniyang magiging asawa, si Prinsipe Philip ng Gresya at Dinamarca, noong 1934 at 1937. Matapos ang isa pang pagkikita sa Kolehiyong Pandagat Royal sa Dartmouth noong Hulyo 1939, Si Elizabeth--Kahit 13 taong gulang pa lamang-- ay napapamahal na kay Philip at nagsimula na din silang magpalitan ng sulat-pagmamahal. Ang kasunduan ng kanilang kasal ay inihayag noong 9 Hulyo 1947.

Ang maikakasal kay Elizabeth ay hindi nawalan ng kontrobersiya: Si Philip ay walang pinansyal na katayuan, siya din ay mula sa ibang bansa, at mayroon siyang mga kapatid na kasal sa mga Aleman na may koneksyion sa Nazismo.

Bago maganap ang kasal itinakwil ni Philp ang mga Greko a Dinamarkong titulo, nagpalit ng relihiyon mula Ortdoseng Greko sa Anglikanismo, at ginamit ang istilong Tinyente Philip Mountbatten. Bago din ang kasal ay ginawa siyang Duke ng Edimburgo at binigyan ng istilong Kaniyang Kataasan.

Si Elizabeth at Philip ay ikinasal noong 20 Nobyembre 1947 sa Westminster Abbey. Tumanggap sila ng 2500 na regalong pangkasal sa palibot ng mundo. Dahil hindi pa nakakahon ang Britanya sa pagkasirang dinala ng giyera, Kinailangan ni Elizabeth ang mga ration coupons upang makabili ng gagamiting materyal sa kaniyang gown na dinisenyo ni Norman Hartnell, Ang kaniyang mga kapatid ay hindi inimbitahan sa kasal dahil sa kanilang koneksyon sa Alemanya, pati ang Duke ng Windsor ay hindi din inimbitahan.

Si Elizabeth ay nagluwal kay Prinsipe Charles noong 14 Nobyembre 1948. Isang buwan bago isilang si Charles ay naglabas ng kautusan ang Hari upang mapakinabangan din ng mga anak ni Elizabeth ang titulong Prinsipe at Prinsesa Royal. Ang pangalawang anak, ang Prinsesa Anne ay isinilang noong 1950.

Paghahari[baguhin | baguhin ang batayan]

Aksesyon at Koronasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa kalagitnaan ng 1951, Ang kalagayan ni George VI ay lumubha at si Elizabeth na ang tumatayong proxy para sa kanya. Nung binisita niya ang Canada at siya'y nagpunta kay Pangulong H.S. Truman sa Washington, D.C noong Oktubre ng taong yaon. Ang kanyang pribadong kalihim na si Martin Charteris ay nagdala ng draft accession declaration sakaling mamatay ang hari habang nasa paglalakbay si Elizabeth. Mga araw matapos ang bagong taon ng 1952 ay inatasan sila ni Philip na maglakbay papunta sa Awstralya at Bagong Selanda sa pamamagitan ng pagdaan sa Kenya. Noong ika-6 ng Pebrero 1952, dito na nalaman ni Elizabeth na namatay na ang kanyang ama at siya na ang bagong monarko ng Britanya at mga realmong Komonwelt. Si Philip ang nagsabi nito sa bagong Reyna. Nang tanungin siya ni Martin Charteris kung ano ang kanyang magiging pangalan, Pinili niya ang pangalang Elizabeth. Siya ay ipinroklamang Reyna sa lahat ng Realmong Komonwelt at ang mag-asawa ay napilitang bumalik sa Britanya. Ang Duke ng Edinburgh at ang Reyna ay nagalsa-balutan na sa Palasyo ng Buckingham.

Sa aksesyon ni Elizabeth, nagkaroon na ng posibilidad na baka mapalitan ang pangalan ng Kabahayan ng Windsor at maging Kabahayan ng Mountbatten. Ang noong Punong Ministro na si Winston Churchill at ang kanyang lola na si Reyna Maria ay ginusto pa ring maging Windsor ang pangalan ng kabahayan. At kaya sa ika-9 ng April 1952, pinaboran niya ang pananatili ng pangalang Windsor bilang maging kabahayan. Lubhang nadismaya ang Duke at nasabing "Ako lang ang nagiisang lalaki sa buong bansa na pinagbabawalang ibigay ang pangalan sa sariling mga anak." Taong 1960, nang mamatay si Reyna Maria noong 1953 at sa pagreretiro ni Churchill noong 1955, Pinirmahan ng Reyna ang letters patent na nagpahayag na maaring gamitin ng magiging kalipian ni Philip at Elizabeth na hindi nagdadala ng titulong Royal.

Sa pagprepara sa koronasyon, Sinabi ng Prinsesa Margaret sa kanyang kapatid na nais niyang pakasalan si Peter Townsend, isang diborso, mas matanda kay Margaret ng 16 taon at mayroong 2 anak mula sa nakaraang kasal. Sinabi ng Reyna na maghintay muna ng isang taon, ngunit ang nasa isip ng reyna ay mawawala din ang pagsasama matapos ito. Ngunit mahigpit ang Simbahan ng Inglaterra na kung pakakasal si Prinsesa Margaret kay Townsend, Kakailanganin niyang buwagin ang istilo, pamagat at titulong royal at hindi na din siya maaring magmana ng trono, kaya't inabandona ni Margaret ang mga planong ito at nagpakasal kay Antony Armstrong-Jones noong 1960. Sila ay nagdiborsyo noong 1978 at hindi na siya nagpakasal muli.

Namatay man si Reyna Maria noong 24 March, ang koronasyon ay nagpatuloy, bilang pagtupad sa hiling ng yumaong reyna bago siya mamatay. Ang seremonya sa Westminster Abbey bukod sa pagbasbas at komunyon ay ipinalabas sa telebisyon sa kauna-unahang pagkakataon. Ang gown na ginamit sa koronasyon ay ginawa mula kay Norman Hartnell ay pinuno ng mga emblem floral, bilang pagtupad sa hiling ng reyna. Kabilang dito ang rosa ng Inglaterra, thistle ng Eskosya, Tanglad ng Gales, shamrock ng Irlanya, wattle ng Awstralya, dahong maple ng Canada, fern na pilak ng Bagong Selanda, protea ng Katimugang Aprika, lotus para sa Indiya at Ceylon at palay, bulak at jute ng Pakistan.

Patuloy na ebolusyon ng Komonwelt[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa pagkapanganak ni Elizabeth at makaraan, Ang Imperyo ng Britanya ay sumailalim sa transpormasyon sa Komonwelt ng mga Bansa. a kanyang aksesyon noong 1952, hindi na siya ang reyna ng isang Imperyo ngunit mga Dominyon na nakapaloob sa imperyo. Sa 1953 at 1954, ang kanyang asawa at siya ay nagtahak sa isang pagdalaw sa mga realmong pinaghaharian niya. Siya rin ang kauna-unahang monarko ng Awstralya at Bagong Selanda na nagpunta doon. Sa kanyang pagbisita, ang pagsalubong sa kanya ay todo-todo. Humigit-kumulang tatlong-kapat ng populasyon ng Awstralya ang nakahagilap sa kanya.

Taong 1956, Napagusapan ng Punong Ministro ng Pransiya na si Guy Mollet ay Punong Ministro ng Britanya na si G. Anthony Eden ang posibilidad na sumama ang Pransiya sa Komonwelt. Ngunit ito'y nauwi sa wala at sa sumunod na taon ay pumirma ang Pransiya sa Tratado ng Roma na naging basehan ng pagkakatatag ng Pangekonomikong Komunidad ng Europa, ang precursor ng Unyong Europeo. Nobyembre ng taong 1956, sinugod ng Britanya at Pransiya ang Suez Canal upang makuha nila ito. Hindi sila nagtagumpay. Nagbitiw sa pwesto si Eden at pumalit sa kanya si Harold Macmillan. Ang krisis ng Suez at ang pagpili ng bagong Punong Ministro ay naging batayan ng unang kritisismo sa Reyna ni Panginoong Altrincham, na pinagbintangan siyang "out of touch." Malawakan ang naging pagbatikos ng publiko dito at pisikal na inatake si Altrincham ng publiko. Taong 1963 ay nagbitiw si Macmillan sa pwesto at iminungkahi na ang Earl ng Home ang pumalit sa kanya, na sinunod naman ng Reyna, binatikos muli ang reyna dahil sa pagpili ng ministrong iminumungkahi lamang ng kaunting tao, Kaya ginamit ng mga Konserbatibo ang pagboto sa magiging lider , kaya ang reyna ay hindi na masasangkot pa muli.

1957 naman ay tumahak papuntang Estados Unidos ang Reyna na kung saan siya nagtalumpati sa Asambleya General ng Nagkakaisang Bansa bilang representante ng lahat ng nasa Komonwelt. Sa parehong pagbisita ay binuksan niya ang Parliyamento ng Canada, ang kauna-unahan para gawin ito.  1961 naman ay bumisita sa Chipre, Indiya, Pakistan, Nepal at Iran. Sa pagbisita sa Ghana ng parehong taon, kanyang tinanggal ang takot niya sa kanyang kaligtasan, kahit na ang sasama sa kanya ay si Pangulong Kwame Nkrumah, na pumalit sa kanya bilang bagong pinuno ng Ghana ay target ng asasinasyon. Ngunit pagdating niya sa Ghana ay para daw siyang, ayon kay Harold Macmillan "film star" kung ituring sa binisita niyang bansa. Bago naman siya bumisita ng Quebec, may mga ulat na maari siya ay paslangin kung siya ay bibisita, Tinuloy niya ang pagbisita. Wala namang nangyaring paslangan ngunit mayroong mga riot na naganap.

Ang mga pagbubuntis ni Elizabeth sa mga Prinsipeng si Andrew at Edward noong 1959 at 1963 ay ang mga tanging pagkakataon na hindi niya binuksan ang Parliamento ng Britanya.

Ang mga dekada 60 at 70 ay tumingin sa mabilisang dekolonisasyon sa Aprika at Carribeano, Mga 20 bansa ang nagkamit ng kalayaan mula sa Britanya, Ngunit 1965 ay ipinahayag ni Ian Smith, Punong Ministro ng Rhodesiya na ang bansang nabanggit ay lalaya na sa Britanya ngunit tapat parin sa Reynang si Elizabeth. Ang katapatang ito ay tumagal ng dekada hanggang mapatalsik siya sa pwesto. Sa pagkawala ng mga kolonya ng Britanya, tumingin na ang Britanya sa pagsali sa Europeong Komunidad, na nakamit nito noong 1973.

Pebrero naman ng taong 1974, inirekomenda ng Punong Ministrong si Edward Heath ang pagtawag ng eleksyon sa kalagitnaan ng pagbisita ng Reyna sa Austronesyong Rim ng Pasipiko, kaya't kinailangang bumalik ni Elizabeth sa Britanya, ang naging resulta ay isang Hung Parliament, Ang mga Konserbatibo ni Heath ay nabigong bumuo ng koalisyon kasama ang mga Liberal. Kaya naman inatasan ng Reyna ang Pinuno ng Oposisyon, si Harold Wilson na bumuo ng pamahalaan.

Isang taon makalipas ay naganap ang Krisis sa Saligang Batas ng Awstralya. Tinanggihan ng Reyna na makialam sa dahil nais niyang wag nang makialam sa mga desisyong reserba ng Saligang Batas ng Awstralya para sa Gobernador-Heneral. Ang krisis ay nagpatibay sa republikanismo ng Awstralya.

Jubileong Pilak[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 1977, ipinagdiwang ni Elizabeth ang Pilak na Anibersaryo ng kanyang pamumuno. Ang mga pagdiriwang ay naganap sa kalawakan ng Komonwelt. Ang mga selebrasyon ay nagpatibay pa sa popularidad ni Elizabeth sa kabila ng pagdidiborsyo ng kanyang kapatid na si Margaret. Taong 1978, ay bumisita ang komunistang diktador ng Rumania na si Nicolae Ceausescu at ang kanyang maybahay na si Elena. Taong 1979 ay naganap ang dalawang masalimuot na pangyayari. Ang isa ay ang pagkakalamang isang espiya para sa Unyong Sobyet si Anthony Blunt at ang isa ay ang pagpaslang ng Probisyonal na Sandatahang Republikano ng Irlandiya sa kamag-anak niyang si Panginoong Mountbatten.

Dekada 80[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa 1981 Trooping the Colour ay muntik nang paslangin ang Reyna habang siya ay sumasakay sa kanyang kabayo na si Burmese. Anim na linggo makalipas ay naganap ang Pagpapakasal ng Prinsipe ng Gales kay Bb. Diana Spencer. 1982 naman ay naganap ang Digmaan sa Falklands laban sa Arhentina, kung saan naglingkod ang anak niyang si Andrew. Ika-9 ng Hulyo ay nagising sa kanyang kwarto sa Palasyo ng Buckingham na mayroong intruder na nakaupo sa paanan ng kanyang kama. Mapayapa ang naging pagpapalabas kay Michael Fagan at nagusap pa silang dalawa. Bumisita ang Pangulo ng EU na si Ronald Reagan at si Elizabeth naman ay bumista sa California noong 1983. Ngunit hindi ito nakapagtigil sa naging galit ni Elizabeth ng salakayin nito ang Grenada nang di siya inaabisuhan.

Intense media interest in the opinions and private lives of the royal family during the 1980s led to a series of sensational stories in the press, not all of which were entirely true.[111]As Kelvin MacKenzie, editor of The Sun, told his staff: "Give me a Sunday for Monday splash on the Royals. Don't worry if it's not true—so long as there's not too much of a fuss about it afterwards."[112] Newspaper editor Donald Trelford wrote in The Observer of 21 September 1986: "The royal soap opera has now reached such a pitch of public interest that the boundary between fact and fiction has been lost sight of ... it is not just that some papers don't check their facts or accept denials: they don't care if the stories are true or not." It was reported, most notably in The Sunday Times of 20 July 1986, that the Queen was worried that British Prime Minister Margaret Thatcher's economic policies fostered social divisions and was alarmed by high unemployment, a series of riots, the violence of a miners' strike, and Thatcher's refusal to apply sanctions against the apartheid regime in South Africa. The sources of the rumours included royal aide Michael Shea and Commonwealth Secretary-General Shridath Ramphal, but Shea claimed his remarks were taken out of context and embellished by speculation.[113] Thatcher reputedly said the Queen would vote for the Social Democratic Party—Thatcher's political opponents.[114] Thatcher's biographer John Campbell claimed "the report was a piece of journalistic mischief-making".[115] Belying reports of acrimony between them, Thatcher later conveyed her personal admiration for the Queen,[116] and the Queen gave two honours in her personal gift—the Order of Merit and the Order of the Garter—to Thatcher after Thatcher's replacement as prime minister by John Major.[117] Former Canadian Prime Minister Brian Mulroney said Elizabeth was a "behind the scenes force" in ending apartheid in South Africa.[118][119]

In 1987, in Canada, Elizabeth publicly supported politically divisive constitutional amendments, prompting criticism from opponents of the proposed changes, including Pierre Trudeau.[118] The same year, the elected Fijian government was deposed in a military coup. Elizabeth, as monarch of Fiji, supported the attempts of the Governor-General, Ratu Sir Penaia Ganilau, to assert executive power and negotiate a settlement. Coup leader Sitiveni Rabuka deposed Ganilau and declared Fiji a republic.[120] By the start of 1991, republican feeling in Britain had risen because of press estimates of the Queen's private wealth—which were contradicted by the Palace—and reports of affairs and strained marriages among her extended family.[121] The involvement of the younger royals in the charity game show It's a Royal Knockout was ridiculed[122] and the Queen was the target of satire.[123]

Pampublikong pagdama at karakter[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Maharlikang Pamagat at Istilo[baguhin | baguhin ang batayan]

  • 21 Abril 1926 – 11 Disyembre 1936: Ang Kanyang Kataasan Prinsesa Elizabeth ng York
  • 11 Disyembre 1936 – 20 Nobyembre 1947: Ang Kanyang Kataasan Ang Prinsesa Elizabeth
  • 20 Nobyembre 1947 – 6 Pebrero 1952: Ang Kanyang Kataasan Ang Prinsesa Elizabeth, Dukesa ng Edinburgh
  • 6 Pebrero 1952 – kasalukuyan: Ang Kanyang Kamahalan Ang Reyna

Supling[baguhin | baguhin ang batayan]

Kalipiaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabahayan ng Windsor
Royal Coat of Arms of the United Kingdom.svg
George V
(Saxe-Coburg-Gotha)
Asawa
Mary ng Teck
Mga anak
Edward VIII
George VI
Mary, Prinsesang Royal
Ika-7 Duke ng Gloucester
Ika-3 Duke ng Kent

Prinsipe John

Edward VIII
Asawa
Dukesa ng Windsor
George VI
Asawa
Elizabeth Bowes-Lyon
Anak
Elizabeth II
Prinsesa Margaret, Kontesa ng Snowdon
Elizabeth II
Asawa
Prinsipe Philip, Duke ng Edinburgh
Anak
Prinsipe ng Wales
(Charles III)
Anne, Prinsesang Royal
Prinsipe Andrew, Duke ng York
Prinsipe Edward, Earl ng Wessex
Charles III
Mga Asawa
Lady Diana Spencer
Camilla, Dukesa ng Cornwall
Mga Anak
Prinsipe William ng Wales
(William V)
Prinsipe Henry ng Wales
William V