Pumunta sa nilalaman

Feng shui

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Feng Shui)
Isang tindahang pang-feng shui sa San Juan na nagbebenta ng mga Tsinong parol, estatwa at anting-anting
Feng shui
Pangalang Tsino
Tradisyunal na Tsino風水
Pinapayak na Tsino风水
Kahulugang literal"hangin-tubig"
Pangalang Biyetnames
Alpabetong Biyetnamesphong thủy
Chữ Hán風水
Pangalang Thai
Thaiฮวงจุ้ย (Huang chui)
Pangalang Koreano
Hangul풍수
Hanja風水
Pangalang Hapones
Kanji風水
Hiraganaふうすい
Pangalang Khmer
Khmerហុងស៊ុយ (hŏng sŭy)

Ang feng shui ( /ˈfʌŋˌʃi/[1] o /ˌfʌŋˈʃw/[2]), minsan tinatawag na heomansiyang Tsino, ay isang tradisyonal na anyo ng heomansiya na nagmula sa Sinaunang Tsina at nag-aangkin ng paggamit ng mga maenerhiyang puwersa upang isaarmonya ang mga indibidwal sa kanilang kapaligiran. Ang literal na kahulugan ng feng shui ay "hangin-tubig" (i.e. likido). Mula noong sinaunang panahon, ipinapalagay na nagdidirekta ang mga tanawin at anyong tubig sa daloy ng unibersal na Q i– "kosmikong agos" o enerhiya – sa pamamagitan ng mga lugar at istruktura. Kung palalawakin pa, kabilang sa feng shui ang mga dimensyong astronomikal, astrolohikal, arkitektural, kosmolohikal, heograpikal, at topograpikal.[3][4]

Sa kasaysayan, pati na rin sa maraming bahagi ng mundong Tsino sa kasalukuyan, ginamit ang feng shui upang pumili ng oryentasyon ng mga gusali, tirahan, at mga istraktura na may espirituwal na kahalagahan tulad ng mga puntod. Isinulat ng isang iskolar na sa mga kontemporaryong Kanluraning lipunan, gayunpaman, "madalas nagagamit lang ang feng shui sa disenyong panloob para sa kalusugan at kayamanan. Lalo itong nakikita sa pamamagitan ng mga 'kasangguni sa feng shui' at mga arkitekto na naniningil ng maraming pera para sa kanilang pagsusuri, payo at disenyo."[4]

Naituring ang feng shui bilang di-makaagham at seudosiyentipiko ng mga siyentipiko at pilosopo,[5] at nailarawan ito bilang paradigmatikong halimbawa ng seudosiyensiya.[6] Nagpapakita ito ng ilang klasikong seudosiyentipikong aspeto, tulad ng pag-aangkin tungkol sa paggana ng mundo na hindi katanggap-tanggap sa pagsusuri gamit ang pamamaraang makaagham.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "feng shui". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Oxford University Press. Setyembre 2005.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (Kailangan ang suskripsyon o maging kasaspi ng publikong aklatan ng UK.)
  2. Wells, John C. (2000). Longman Pronunciation Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). Longman. ISBN 0-582-36467-1. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bruun, Ole (2011). Fengshui in China : Geomantic Divination between State, Orthodoxy and Popular Religion [Fengshui sa Tsina : Heomantikong Dibinasyon sa pagitan ng Estado, Ortodoksiya at Sikat na Relihiyon] (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). NIAS Press. ISBN 978-87-91114-79-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Komjathy, Louis (2012). "Feng Shui (Geomancy)" [Feng Shui (Heomansiya)]. Sa Juergensmeyer, Mark; Roof, Wade Clark (mga pat.). Encyclopedia of Global Religion [Ensiklopedya ng Pandaigdigang Relihiyon] (sa wikang Ingles). Bol. 1. Los Angeles, CA: SAGE Reference. pp. 395–396.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Fernandez-Beanato, Damian (23 Agosto 2021). "Feng Shui and the Demarcation Project" [Feng Shui at ang Proyekto ng Demarkasyon]. Science & Education (sa wikang Ingles). Springer Science and Business Media LLC. 30 (6): 1333–1351. Bibcode:2021Sc&Ed..30.1333F. doi:10.1007/s11191-021-00240-z. ISSN 0926-7220. S2CID 238736339.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. McCain, K.; Kampourakis, K. (2019). What is Scientific Knowledge?: An Introduction to Contemporary Epistemology of Science [Ano ang Kaalaman sa Siyentipiko?: Isang Panimula sa Kontemporaryong Epistemolohiya ng Agham] (sa wikang Ingles). Taylor & Francis. ISBN 978-1-351-33660-4. Nakuha noong 18 Disyembre 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Matthews, Michael R. (2018). "Feng Shui: Educational Responsibilities and Opportunities" [Feng Shui: Mga Responsibilidad at Oportunidad sa Pagtuturo]. Sa Matthews, Michael R. (pat.). History, Philosophy and Science Teaching: New Perspectives [Pagtuturo sa Kasaysayan, Pilosopiya at Agham: Mga Bagong Pananaw]. Science: Philosophy, History and Education (sa wikang Ingles). Cham, Switzerland: Springer. p. 31. ISBN 978-3-319-62616-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)