Pumunta sa nilalaman

Pamahalaan ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gobyerno ng Pilipinas)
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang Pamahalaan ng Pilipinas ay ang pambansang pamahalaan ng Pilipinas. Pinamamahalaan ito bilang isang unitaryong estado sa ilalim ng sistemang presidensyal kinakatawan at demokratiko at isang republikang konstitusyunal kung saan ang Pangulo ang nagsisilbing kapwang puno ng estado at puno ng pamahalaan ng bansa sa loob ng isang sistemang multi-partidista.

Ang pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na sangay: ang sangay ng tagapagbatas, sangay ng tagapagpaganap, at ang sangay ng tagahukom. Ang kapangyarihan ng bawat sangay ay ibinibigay ng Saligang Batas ng Pilipinas ayon sa sumusunod: Kapangyarihan na magsagawa ng batas ay ibinibigay sa dalawang kapulungan, ang Kongreso ng Pilipinas-ang Senado ang bumubuo sa mataas na kapulungan at ang Kapulungan ng mga kinatawan ang bumubuo sa mababang kapulungan.[1] Ang kapangyarihan ng tagapagpaganap ay ibinibigay sa pamumuno ng Pangulo. Ang kapangyarihan sa tagahukom ay ibinibigay sa mga korte kung saan ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang pinakamataas na katawang panghukom ng bansa.

Kapangyarihang Tagapagbatas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kapangyarihan sa pagbatas ay ibinibigay sa Kongreso ng Pilipinas na binubuo ng Senado ng Pilipinas at ang Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mataas na kapulungan ay matatagpuan sa Lungsod ng Pasay, samantala ang mababang kapulungan ay matatagpuan sa Lungsod ng Quezon, na parehong nasa loob ng Kalakhang Maynila. Ang mga kinatawan ay inihahalal para sa tatlong taong termino. Maaari silang maihalal muli subalit hindi na maaaring tumakbo sa ika-apat na magkasunod na termino. Ang senado ay inihahalal sa anim na taong termino. Maaari silang maihalal muli subalit hindi na maaaring tumakbo sa ika-tatlong na magkasunod na termino.

Kapangyarihang Tagapagpaganap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pinakamataas na halal na pinuno ay ang Pangulo ng Pilipinas. Ang Pangalawang Pangulo ang unang hahalili sa pangulo ayon sa pagkakasunud-sunod kung sakaling magbitiw, taluwalagin o mamatay ang pangulo. Madalas ang Pangalawang Pangulo, subalit hindi sa lahat ng pagkakataon, ay bahagi ng gabinete ng Pangulo. Kung mababakante ang posisyon ng Pangulo, ang Pangulo ay pipili ng sinumang kasapi sa Kongreso (kadalasan ay mula sa kasaping partido} bilang bagong Pangalawang Pangulo. Ang pagtalaga ay dapat patunayan ng tatlong-ikaapat ng boto ng Kongreso.[2]

Kapangyarihang Tagapaghukom

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kapangyarihan sa paghukom ay ibinibigay sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas at sa mga mabababang hukuman itinatag ng batas. Ang Kataas-taasang hukuman, na pinamumunuan ng Punong mahistrado at binubuo ng 14 na Kasamang Mahistrado, ang bumubuo sa pinakamataas na hukom. Ang mga mahistrado ay maglilingkod hanggang 70 gulang. Ang mga mahistrado ay itinatalaga ng pangulo ayon sa mungkahi ng Panghukuman at konseho ng bar ng Pilipinas.[3]

Komisyong Konstitusyonal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Artikulo 9 ng Saligang Batas ng Pilipinas ay nagtatag ng tatlong malayang komisyong konstitusyonal: Ang Komisyon sa Serbisyo Sibil, Komisyon sa Halalan at Komisyon ng Pagsusuri. [4]

Tanggapan ng Ombudsman

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pamahalaan ng Pilipinas ay may tatlong mga sangay na malayang sinusubaybayan ng Ombudsman ng Pilipinas. Ag ombudsman ay inuutusan ng saligang batas upang siyasatin at parusahan ang sinumang pinuno ng pamahalaan na sinasabing may sala sa mga krimen, higit ang mga kasong pandarambong at katiwalian. Inaalalayan ang Ombudsman ng anim na kinatawan, ang Pangkahalatang Kinatawan, ang Kinatawan para sa Luzon, Ang Kinatawan para sa Kabisayaan, ang Kinatawan para sa Mindanao, Ang Kinatawan para sa Hukbong Sandatahan, at ang Natatanging Tagapag-usig.

Pamahalaang Lokal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang herarkiya ng lokal na pamahalaan nng Pilipinas.

Ang Pilipinas ay may apat na pangunahing uri ng mga halal pagkakahating administratibo, madalas ay ang mga pinagsama-samang mga yunit ng lokal na pamahalaan. Sila ay ang, mula pinakamataas hanggang pinakamababang pagkakahati:

  1. Nagsasariling Rehiyon
  2. Lalawigan (lalawigan, probinsiya, kapuoran) at mga malalayang lungsod (lungsod, siyudad/ciudad, dakbayan, dakbanwa, lakanbalen)
  3. Bayan (bayan, balen, bungto, banwa) at mga nakapaloob na lungsod (lungsod, siyudad/ciudad, dakbayan, dakbanwa, lakanbalen)
  4. Mga Barangay (kilala rin bilang barrio)


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Padron:Cite executive order
  2. "Philippine Government". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-28. Nakuha noong 2020-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Redden, R.K. 1984. Modern Legal System Cyclopedia – Asia Chapter 7(b) "The legal system of the Philippines" W.B. Hein, Buffalo NY
  4. "1987 Constitution of the Philippines, art. 9". Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 28, 2018. Nakuha noong Disyembre 28, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)