Canada

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kanadiyense)
Jump to navigation Jump to search
Huwag ikalito ang Canada sa Wikang Kannada.
Canada
Watawat
Pambansang Kasabihan: A Mari Usque Ad Mare (Latin)
("Tagalog: Mula Dagat Hanggang Dagat")
Pambansang Awit: O Canada
PununglunsodOttawa
Pinakamalaking lungsod Toronto
Opisyal na wika Ingles at Pranses
Pangkat-lahi 
  • 76.7% Puti
  • 14.2% Asyano
  • 4.3% Aborihinal
  • 2.9% Itim
  • 1.2% Latino
  • 0.5% Multirasyal
  • 0.3% Iba
Pangalang-
turing
Kanadyano, Kanadyana, Kanadiyense
Pamahalaan Monarkiyang Konstitusyonal
 -  Monarka Reyna Elizabeth II
 -  Gobernador-Heneral Julie Payette
 -  Punong ministro Justin Trudeau
Pagtatag
 -  British North America Act 1 Hulyo 1867 
 -  Statute of Westminster 11 Disyembre 1931 
 -  Canada Act 17 Abril 1982 
Lawak
 -  Kabuuan 9,984,670 km2 (Ika-2)
3,854,085 sq mi 
 -  Katubigan (%) 8.62%
Santauhan
 -  Pagtataya ng 2014 35,540,419 (Ika-37)
 -  Lahatambilang ng 2011 33,476,688 
 -  Kakapalan 3.5/km2 (Ika-222)
9.1/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2014
 -  Kabuuan US$1.579 trilyon (Ika-15)
 -  Bawat ulo US$44,519 (Ika-19)
Pananalapi Dolyar Canadian  (CAD)
Pook ng oras (TPO-3.5 hanggang -8)
 -  Tag-araw (DST)  (TPO-2.5 hanggang -7)
Internet TLD .ca
Kodigong pantawag 1

Ang Canada[1] ay isang bansa sa Hilagang Amerika, ang pinakahilaga sa buong mundo, at ang pangalawang pinakamalaki sa sukat, kasunod ng Rusya at mga 58.4% nang kalawakan ng Rusya o mga 26.4 beses nang kalakihan ng Hapon. Ang Canada ay naging tirahan ng mga Aborihinal bago dumating ang mga Briton at Pranses noong ika-15 siglo. Pagkatapos ng Digmaan ng Pitong Taon ang Prasya ang isinuko halos lahat ng mga kolonya nila sa Hilagang Amerika.

Ang mga opisyal na wika ng Canada ay Ingles at Pranses. Sa teritoryo ng Nunavut, naging opisyal din ang Inuit (Inuktitut at Inuinnaqtun), bukod sa Ingles at Pranses. Mahigit nang 630 ang bilang ng mga opisyal na gobyerno o banda ng mga Aborihinal na di Inuit o di Métis (Mestiso nila).

Sa kabuuan, nakakalat ang populasyon ng Canada sa ilang mga pook. Ang karamihan ng lupa ng Canada ay puno ng kagubatan at tundra. Higit sa 80% ng populasyon ng Canada ay nakatira sa mga siyudad, at 70% ay nakatira sa loob ng 100 kilometro mula sa border sa timog. Nag-iiba ang klima ng Canada ayon sa lugar, mula sa klimang Artiko sa hilaga, hanggang sa mainit na tag-araw sa timog na may apat na pana-panahon.

Nakatira ang mga ibang klase ng mga Aborihinal sa Canada ng libo-libong taon bago ngayon. Nagsimula ng mga expedisyon ang taga-Europa sa silangang baybayin ng Canada sa higit ng mga Viking sa ika-11 siglo, at sa ika-15 siglo, tinaya ni Jacques Cartier ang Golpo ng Saint Lawrence. Sa ika-5 ng Agosto, 1583, tinatag ng mga Ingles ang kolonya ng Newfoundland. Sinundan ito ng mga ibang kolonya ng Pransiya at Inglaterra sa Nova Scotia, sa lambak ng Ilog Saint Lawrence, at sa tangway ng Labrador. Sa wakas ng mga labanang kagaya ng War of Spanish Succesion (1714), French and Indian War (1758), at ng American Revolutionary War (1753), nawala at nanalo ang Britanya ng mga lupang tumutugma sa teritoryo ng Canada ngayon. Sa ika-1 ng Hulyo, 1867, naging Dominion ng Canada ang tatlong probinsya. Siniguro ang soberanya nito ng Balfour Declaration sa 1926, ng Statute of Westminster sa 1931, at ng Canada Act sa 1982.

Ang kasaysayang moderno ng Canada ay minarka ng pagpalawak ng teritoryo, ng paghahanap ng ginto, at ng partisipasyon sa Unang Digmaang Pandaigdig. Nabagsak ang ekonomiya ng Canada sa Matinding Depresyon, ngunit bumangon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan ang Canada ay naging isa sa mga nanalo bilang isa sa mga Allies.

Sa 2015, ang Canada ay ang ikalabinlimang kapantayan ng lakas ng pagbili (KLP) na pinakamataas sa buong mundo, at nasa ikalabindalawang posisyong pinakamataas sa Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao. Miyembro ang Canada sa ilang mga multilateral organizations, kasama ng Nagkakaisang Bansa, Organizasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko, ang G7 (dating kilala bilang G8), Group of Ten, ang Pangkat ng Dalawampu (P20), North American Free Trade Agreement (NAFTA), at ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Aborihinal na Nuu-chah-nulth sa kanluran ng Canada

Ang salitang "Canada" ay nagmula sa salitang iroquois na "kanata." Ang "k" ay sinasabi na parang "g" at ang "t" ay parang "d." Ang ibig sabihin nito ay nayon[2]. Sa 1535, ginagamit ng mga nakatira dito kay Jacques Cartier ang "kanata" upang madirekta siya sa Stadacona[3]. Sa ganito, ginamit ni Cartier ang itong salita para tukuyin ang lupang inaari ni Chief Donnacona. Sampung taon ang nakalipas, ginamit ng mga librong taga-Europa para tukuyin ang lugar na ito sa tabi ng Ilog Saint Lawrence.

Mula sa ika-16 siglo hanggang sa ika-18 siglo, ginagamit ang "Canada" para tukuyin ang lupang nasa tabi ng Ilog Saint Lawrence at nasa kapangyarihan ng New France. Sa 1791, hinati ang lugar sa "Upper Canada" at sa "Lower Canada," sama-samang tinatawag na "the Canadas" hanggang sa kanilang pagkakaisa sa "Province of Canada." Sa Confederation ng ilang mga probinsya sa 1867, ang Canada ay ginawa bilang ligal na pangalan ng bagong bansa sa London Conference. Sa 1950s, tinigil nang gamitin ang "Dominion of Canada "ng United Kingdom bilang pangalang opisyal ng bansang ito. Sa 1982, sa dahilan ng Canada Act kung saan naging bansang independente ang Canada, ang buong pangalan ng Canada ay ang Canada lang. Nawala na ang 'dominion'.

Pamahalaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Canada ay nasa uri ng monarkiyang konstitusyunal na ang pinuno ng estado ay si Reyna Elizabeth II, at parlyamentaryong demokrasya na may sistemang federal ng pamahalaang parlyamentaryo at may matibay na tradisyong demokratiko.

Ang posisyong ng Punong ministro, ay ang pinuno ng pamahalaan ng Canada, na nanggagaling sa nagungunang partido pampolitika na kayang makakuha ng tiwala sa karamihan ng Bahay ng mga Pangkaraniwan. Ang Punong ministro at ang kanilang Gabinete ay pormal na itinatalaga ng Gobernador Heneral (na tagapagpanggap ng Canada sa monarkiya). Subalit, kapag ang Punong ministro ay pumili ng gabinete, at ng kumbensiyon, ang Gobernador Heneral ay irerespeto ang mga napili ng Punong ministro. Ang gabinete ay nakasanayang kunin sa mga kasapi ng partido kung saan galing ang Punong ministro kahit saan sa lehislatura, at kadalasan ay sa Bahay ng mga PangKaraniwan. ang kapangyarihang Ehekutibo ay pinaiiral ng Punong ministro at ng Gabite, at lahat sila ay manunumpa sa pribadong konseho ng Reyna para sa Canada, at magiging Ministro ng Korona. Ang Punong ministro ay may malawak ng kapangyarihang pampolitika, lalong lalo na sa pagtatalaga ng mga opisyal ng pamahalaan at ng paglilingkod sibil. Si Michaëlle Jean ay nagsilbing Gobernador Heneral simula noong 25 Setyembre 2005, at si Stephen Harper, pinuno ng Partido Konserbatibo, ay nagsisilbing Punong ministro simula noong 6 Pebrero 2006.

Ang parlyamentaryong federal ay binubuo ng Reyna at ng dalawang bahay: ang mga nahalal na Bahay ng mga Pangaraniwan at ng naitalagang Senado. Bawat kasapi ng Bahay ng mga Pankaraniwan ay inihahalal sa simpleng paramihan ng boto sa distritong elektoral; ang pangkalahatang halalan ay pinapatawag ng Gobernador Heneral kung kailan ito ipapayo ng Punong ministro. Dahil walang minimum na termino para sa parlyamento, dapat magkaroon ng bagong halalan sa loob ng limang taon ng huling pangkalahatang halalan. Ang mga kasapi ng Senado, na ang mga puwesto ay itinalaga sa baseng rehiyonal, ay ay pinipili ng Punong ministro at pormal na itinatalaga ng Gobernador Heneral, at maglilingkod hanggang sa edad na 75.

Ang apat na pangunahing partido pampolitika sa Canada ay ang Partido Konserbatibo ng Canada, Partido Liberal ng Canada, Partido Bagong Demokratiko, at ang Bloc Québécois. Ang kasalukuyang pamahalaan ay binubuo ng partido konserbatibo ng Canada. Ang Partido Luntian ng Canada at ang iba pang maliliit na partido ay kasalukuyang walang tagapagpanggap sa Parlyamento.

Pagkakahating Administratibo[baguhin | baguhin ang batayan]

Aborihinal na arte ng Inuit sa Quebec

Ang Canada ay binubuo ng sampung lalawigan at tatlong teritoryo. Ang mga lalawigan ay ang Alberta, British Columbia, Manitoba, New Brunswick, Newfoundland at Labrador, Nova Scotia, Ontario, Prince Edward Island, Quebec, at Saskatchewan. Ang tatlong teritoryo ay ang Northwest Territories, Nunavut, at Yukon. Ang mga lalawigan ay may mas malaking antas ng autonomiya sa pamahalaan pederal, at mas kakaunti sa mga teritoryo. Ang bawat isa ay may kanya kanyang panglalawigang o panteritoryal na simbolo.

Responsibilidad ng mga lalawigan ang halos lahat ng mga programang panlipunan (tulad ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, at kagalingan) at sama-samang kumukulekta ng mga kita kaysa sa pamahalaang parlyamentaryo nito, isang kakaibang estruktura ng pederasyon sa daigdig. Gamit ang kapangyarihan nitong gumasta, ang pamahalaang federal, ay magsasagawa ng mga pambansang alituntunin sa mga lalawigan, tulad ng Canada Health Act; ang mga lalawigan ay maaaring pumili sa mga ito ngunit, bibihira ang nagsasagawa nito. Patas na pagbabayad ang ginagawa ng pamahalaang federal upang matiyak nito na mapapanatiling pantay pantay at wasto ang paglilingkod at pagbubuwis sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap na lalawigan ng bansa.

Ang lahat ng lalawigan ay may sistemang unicameral, at naghahalal ng lehislatura na pinamumunuan ng Premier na pinipili tulad ng Punong ministro ng Canada. Bawat lalawigan ay may kanya kanyang mga Tinyente-Gobernador na tagapagpanggap ng Reyna, tulad ng Gobernador Heneral ng Canada, sila ay itinatalaga sa pamamagitan ng rekomendasyon ng Punong ministro ng Canada, subalit sa mga nakalipas na taon ay tumataas ang antas ang pagsangguni sa pamahalaang panlalawigan.

Heograpiya at Klima[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Canada ay sumasakop sa halos lahat ng hilagang bahagi ng Hilagang Amerika. Kahati nito ng hangganan ang Estados Unidos sa katimugan at ang estado ng Alaska ng Estados Unidos sa hilagang kanluran, at pahaba mula sa Karagatan ng Atlantiko sa silangan, at ang karagatan ng Pasipiko sa kanluran; sa hilaga naman ay ang Karagatang Artiko.

Magkakaiba ang sukat ng temperatura ng tag-lamig at tag-init sa bawat bahagi ng Canada. Ang Taglamig ay maaaring maging malupit sa maraming bahagi ng bansa, lalung-lalo na sa mga lalawigang Prairie, na ang kadalasang temperatura araw-araw ay malapit sa -15 °C ngunit maaari pang bumaba sa -40 °C at may malakas na malamig na hangin. Ang baybaying Britanikong Kolumbiya ay naiiba dahil wasto lamang ang klima nito na may malumanay at maulan na taglamig.

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Canada ang pinakabilis lumaki ang populasyon sa mga G8 na bansa. Mula 1990 hanggang 2008, umakyat ang populasyon ng mga 5.6 milyong katao, mga 20.4% kataasan. Mga 23.4% ng katao ay bisibleng minoriya o di puti. Malaki ang imigrasyon.

Noong 2011, may mga 662,600 Pilipino sa Canada.[4] Ang mga Pilipino ang ika-3 pinakalaking grupong Asyano sa huli ng mga Intsik at Bumbay sa Canada.

Sirkumsisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang proporsiyon ng tuli sa Canada ay mga 32%[5] ng mga lalaki. Ang tasa ng pagtutuli ng mga bagong pinanganak ay mga 31.9% noong 2006/2007 sa buong Canada.[6]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Tagalog News: Pilipinas at Canada nagkasundong palawakin ang pagtutulungan". Philippine Information Agency. 3 Agosto 2007. Hinango noong 21 Hulyo 2018.
  2. https://www.canada.ca/fr/patrimoine-canadien/services/origines-nom-canada.html
  3. https://books.google.ca/books?id=aiUZMOypNB4C&pg=PA14&redir_esc=y#v=onepage&q&f=false
  4. "NHS Profile, Canada, 2011". 2011 National Household Survey. (10 Hunyo 2013).
  5. Canadian Family Physician (Pebrero 2013).
  6. "Data Tables — The Maternity Experiences Survey (MES) 2006–2007 Canadian Maternity Experiences Survey". Public Health Agency of Canada. p. 267.