Kapatagang Europeo
Ang Kapatagang Europeo o Dakilang Kapatagang Europeo sa Europa at isang pangunahing tampok ng isa sa apat na pangunahing topograpikong yunit ng Europa - ang Sentral at Panloob na Mababaw na Lupain.[1] Ito ang pinakamalaking anyong lupa na walang bundok sa Europa, bagaman maraming paltok ang natukoy sa loob nito.
Idrolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kapatagan ay pinuputol ng maraming mahahalagang ilog tulad ng Loire, Rin, at Vistula sa kanluran; ang Hilagang Dvina at Daugava na dumadaloy pahilaga sa Silangang Europa at Rusya at ang Volga, ang Don at ang Dnieper na dumadaloy sa timog ng Europeong Rusya.
Talaan ng malalaking anyong tubig
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Dagat Baltiko
- Golpo ng Vizcaya
- Dagat Itim
- Dagat Kaspiyo
- Bambang ng Inglatera
- Golpo ng Botnia
- Dagat Hilaga
- Dagat ng Azov
- Dagat Puti
- Dagat Mediteraneo
Geopolitical na kahalagahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang malaking walang patid na patag ng Kapatagang Europeo ay nagbibigay ng napakakaunting heograpikong proteksiyon laban sa pagsalakay.[2] Ito ay isang patuloy na suliranin para sa mga estado na ang mga puso ay nasa Kapatagang Europeo, lalo na sa Rusya.[2]