Kapeng dalgona
Uri | Kape |
---|---|
Bansang pinagmulan | Macau[1][2] |
Ipinakilala | 1997 |
Lasa | Dalgona |
Kasangkapan | Kape, asukal, tubig at gatas |
Kapeng dalgona | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pangalang Tsino | |||||||||||
Tsino | 椪糖咖啡 | ||||||||||
| |||||||||||
Kapeng batido a mano | |||||||||||
Tsino | 手打咖啡 | ||||||||||
| |||||||||||
Pangalang Portuges | |||||||||||
Portuges | Café dalgona |
Pangalang Koreano | |
Hangul | 달고나 커피 |
---|---|
Binagong Romanisasyon | dalgona keopi |
McCune–Reischauer | talgona k'ŏp'i |
Ang kapeng dalgona ay isang inumin mula sa Macau na nabubuo sa pagbabati ng magkapantay na sukat ng pinulbos na madaliang kape, asukal, at mainit na tubig hanggang sa maging makrema ito at pagkatapos ibinubuhos ito sa gatas na mainit o malamig.[3] Paminsan-minsan, binubudburan ito ng pinulbos na kape, kakaw, durog na biskuwit, o hani.[4] Pinasikat ito sa hatirang pangmadla noong pandemya ng COVID-19, noong ang mga taong hindi makalabas ay nagsimulang gumawa ng mga bidyo ng pagbabati ng kape sa bahay nang manu-mano sa halip na gumamit ng mga de-kuryenteng mikser.[5] Matapos kumalat ang inumin sa Timog Korea, muling pinaganalanan ito ng "kapeng dalgona" na hango sa dalgona, isang Koreanong kendi, dahil sa pagkakahawig nito sa lasa at hitsura, ngunit wala talagang dalgona ang karamihan ng kapeng dalgona.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Paglilikha at pagpapangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inuukol ang paglikha nitong inumin kay Leong Kam Hon, isang dating Makanes na tagagawa ng barko na nagpatayo ng kanyang tindahan, 'Wai Ting Coffee' (na kalaunang pinalitan ng pangalang 'Hon Kee', 漢記) sa Coloane pagkatapos siyang mawalan ng kakayang magtrabaho dahil naaksidente ang kanyang kaliwang braso. Naalala ni Leong ang pagtimpla ng inumin na hiningi ng mag-asawang turista noong 1997. Hindi siya naging interesado sa inuming iyon hanggang 2004 kung kailan nagkaideya siyang maghain nito bilang espesyalidad kay Chow Yun-fat at ang kanyang mga kasama na dumalaw sa kapihang Hon Kee sa taong iyon. Dahil sa papuri ni Chow sa inumin, nasimula itong mapansin ng mga dayuhan na bumisita at humingi ng 'kapeng Chow Yun-fat'.[6][1] 手打咖啡 o "kapeng batido a mano" ang tawag nito ng tagagawa mismo ng inumin ayon sa kanyang menu.
Inuukol ang paglikha ng pangalang "(kapeng) dalgona" kay Jung Il-woo, isang Timog Koreanong aktor, na bumili nitong kape sa binanggit na kainan sa Macau noong lumitaw siya sa Stars 'Top Recipe sa Fun-Staurant (신상출시 편스토랑), isang palabas sa telebisyon. Inihalintulad niya ang lasa sa dalgona, isang uri ng honeycomb toffee sa Korea.[7][8][9]
Pagkalat mula sa Timog Korea
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasunod ng pagbrodkast ng programang iyon sa TV, sumikat ang kapeng dalgona sa mga Koreano na na nagtangkang gumawa ng inuming ito para sa kanilang sarili noong iniutos ang pagdidistansiyang panlipunan sa Timog Korea. Dahil dito, tinawag itong "inuming pangkuwarentena" o "kapeng pangkuwarentena".[5][10] Sa ilalim ng hashtag #dalgonacoffeechallenge, nagsimulang kumalat ang mga timplang-bahay na bersiyon ng kapeng dalgona sa mga Timog Koreanong tsanel sa YouTube bago magbayral sa TikTok, lalo na noong pasimula ng Marso sa taong iyon.[11][12][9] Ipinalagay na tumaas ang interes dito noong panahon ng kuwarentena dahil sa mga napapakalmang, mala-ASMR na epekto ng pagnonood sa mga bidyong DIY sa onlayn.[13][14] Bagaman pinasikat ang inumin bilang timplang-bahay na bersiyon ng binating kape, idinagdag ito sa mga menu ng mga kapihan sa Timog Korea[15] at kahit sa Amerika.[16]
Habang kadalasang walang dalgona ang kapeng dalgona, pinagsasama ng isang kapihan sa Timog Korea ang dalgona at ginatasang tsaa o kape.[17] Hindi posibleng ipangdalgona ang giniling na buto ng kape; nakabubuo ang madaliang kape ng makapal at mabulang pang-ibabaw, at may kinalaman ang dahilan sa paraan ng pagpapatuyo ng mga butil-butil ng kape.[18]
Magkatulad na inumin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Napansin ng ilan sa midya ang pagkakahawig ng inumin sa Indiyanong kape na kilala bilang kapeng phenti hui, kapeng phitti hui, o binating kape. Ang pagkakaiba lamang ay kapag gumagawa ng kapeng phenti hui, ibinubuhos ang gatas sa ibabaw ng binating timpla sa halip na ikutsara ang binating timpla sa ibabaw ng gatas.[5][19][20] Magkatulad din ang inumin sa kapeng frappé (o Griyeong Frappe o φραπέ) mula sa Gresya noong 1957, na inalog ng kamay o binati ng pampabulang mikser at tradisyonal na inihahain nang malamig ngunit maaari ring ihanda nang mainit.[21][22][23]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Ex-shipwright tells bittersweet story behind viral TikTok 'Dalgona' coffee" [Dating tagagawa ng barko, nagkuwento nang agridulse tungkol sa bayral na kapeng 'Dalgona' sa TikTok]. Macau Post Daily. 19 Agosto 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Abril 2021. Nakuha noong 12 Oktubre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "400번을 저어 만든★수타 달고나 커피! 일우 눈이 번쩍! [신상출시 편스토랑/Stars Top Recipe at Fun-Staurant] 20200103". Youtube. 3 Enero 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dalgona coffee". Nakuha noong 7 Abril 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Baes, Patricia (27 Marso 2020). "What is dalgona coffee & why is it on everyone's instagram now?" [Ano ang kapeng dalgona & bakit ito nasa instragram ng lahat ngayon?] (sa wikang Ingles). MSN. Nakuha noong 4 Abril 2020.
The drink itself has origins from Rajasthan(India) where it is also known as whipped coffee or beaten coffee
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 "S Korea's Dalgona coffee is the new quarantine fad - Times of India" [Kapeng dalgona ng T Korea, bagong uso sa kuwarentena - Times of India]. The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Abril 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hiufu Wong (15 Nobyembre 2013). "Macau's kung fu coffee master" [Maestro ng kapeng kung fu ng Macau]. CNN Travel (sa wikang Ingles). CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Disyembre 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "400번을 저어 만든★수타 달고나 커피! 일우 눈이 번쩍! [신상출시 편스토랑/Stars Top Recipe at Fun-Staurant] 20200103". Youtube. 3 Enero 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Navarra, Ruth L. (22 Marso 2020). "How to make the South Korean trend Dalgona Coffee" [Paano gawin ang uso sa Timog Korea, Kapeng Dalgona] (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 1 Abril 2020.
Inukol ang uso sa aktor Jung Il-woo matapos siyang magpakita sa palabas na "Pyunstorang." Pumunta siya sa Macau kung saan binigyan siya ng inuming de-kamay. Masarap daw sabi ni Jung at naalala niya ang kending dalgona. Kapeng dalgona ng Macau ang tawag niya rito." (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Vreeland, Vaughn (2020-04-16). "How to Make Whipped Coffee" [Paano Gawin Ang Binating Kape]. The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 2020-10-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Singer, Jenny. "Dalgona Coffee Is the Internet's Favorite, Fluffiest Quarantine Drink. Here's How to Make It" [Kapeng Dalgona Ang Paboritong Pinakahimulmol na Inumin sa Kuwarentena ng Internet. Narito Kung Paano Ito Gawin]. Glamour (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Frishberg, Hannah (26 Marso 2020). "How to make whipped Dalgona coffee, TikTok's latest viral trend" [Paano gawin ang binating kapeng Dalgona, ang bagong uso sa Tiktok]. New York Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Marso 2020.
"Kumalat ang pagkahumaling noong patapos ng Enero, ayon sa Google Trends, tapos nakakuha ng traksiyon noong patapos ng Pebrero kung kailan nagpost ang isang Koreanong YouTuber ng bumayral na bidyong ma-ASMR kung paano gawin ang makremang inumin." (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dalgona coffee: does the internet's new favourite drink actually work?" [Kapeng dalgona: pwede ba talaga ang bagong paboritong inumin ng internet?]. BBC Food (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Marso 2020.
"Kaya sa mga nakaraang ilang araw, ibinabahagi ng mga tao ang kanilang mga tinangka (lalo na sa TikTok) sa paggawa ng kapeng Dalgona." (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Makalintal, Bettina (2020-03-20). "People All Over the World Are Making Frothy 'Dalgona' Coffee, Thanks to Quarantine" [Gumagawa ang mga Tao sa Buong Mundo ng Mabulang Kapeng 'Dalgona', Salamat sa Kuwarentena]. Vice (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Haasch, Palmer (3 Abril 2020). "Dalgona coffee is the whipped coffee drink that's everywhere on TikTok" [Kapeng dalgona, ang binating inuming kape na nasa lahat ng dako ng TikTok.]. Insider (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vreeland, Vaughn (2020-04-14). "How to Make Whipped Coffee" [Paano Gumawa ng Binating Kape]. The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 2020-04-14.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gubbins, Teresa (22 Abril 2020). "Internet sensation dalgona coffee froths up at these Dallas restaurants" [Sensasyon sa internet, kapeng dalgona, makikita na sa mga restorang ito sa Dallas]. CultureMap Dallas (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Abril 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "띵~ 할만큼 달아서… 코로나 두통이 날아가네". news.chosun.com (sa wikang Koreano). 2020-03-10. Nakuha noong 2020-04-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dalgona Coffee: The Latest Instant Coffee Trend From South Korea" [Kapeng Dalgona: Ang Pinakabagong Uso na Madaliang Kape mula sa Timog Korea]. Waka Coffee (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Makalintal, Bettina (15 Abril 2020). "A Dive Into the Disputed History of 'Dalgona Coffee'" [Isang Pagsusuri sa Pinagtatalunang Kasaysayan ng 'Kapeng Dalgona']. Vice (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Abril 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dalgona Coffee is viral on TikTok in the West. India has been making it for years" [Bayral ang Kapeng Dalgona sa TikTok sa Kanluran. Maraming taon nang gumagawa ang Indiya ng ganito]. India Today (sa wikang Ingles). 31 Marso 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Marso 2020. Nakuha noong 2021-03-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dalgona Coffee (Greek Frappé) Tops India's Top Google Searches In 2020" [Kapeng Dalgona (Griyeong Frappé) Nauna sa Mga Nangungunang Paghahanap sa Google ng Indiya Noong 2020] (sa wikang Ingles). 2020-12-11. Nakuha noong 2022-05-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NESCAFÉ Frappe | Home". www.nescafe.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Πώς ανακαλύφθηκε ο φραπές τυχαία, το 1957 στη Θεσσαλονίκη κατά τη διάρκεια της Διεθνούς Έκθεσης. Η ελληνική πατέντα δεν σερβίρεται σε κανένα άλλο μέρος του κόσμου". ΜΗΧΑΝΗ ΤΟΥ ΧΡΟΝΟΥ (sa wikang Griyego). 2015-09-07. Nakuha noong 2022-05-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)