Pumunta sa nilalaman

Khamudi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
M12Amwd
Z4
praenomen or throne name
N5n
M3
ii
nomen or birth name
Khamudi[1]
sa hiroglipo

Si Khamudi o Khamudy ang huling paraon ng Hyksos na Ikalabinglimang Dinastiya ng Ehipto na naghari sa hilagang bahagi ng Ehipto. Ang Petsang taong 11 sa Papyris na Matematikal na Rhind ay pinaniniwalaan na ngayon ng maraming mga Ehiptologo na nabibilanga sa paghaharing ito dahil tinutukoy nito si Ahmose I na tagapagtatg ng Bagong Kaharian ng Ehipto bilang "Siya ng Timog".[2] Ang isa pang petsa sa papyrus ay hayagang pinetsahan Taong 33 ng predesesor ni Kamudi na si Apepi. Pangkalahatang pinaniniwalaan na tinalo ni Ahmose I ang haring Hyksos sa kanyang ika-18 o ika-19 na taon ng paghahari. Ang Hyksos ay isang linyang dayuhan ng mga pinuno na sumakop sa Ehipto at namuno sa ilang mga henerasyon bago talunin ni Ahmose na isang katutubong pinunong Ehipto mula sa Thebes at nagpatalsik ng Hyksos sa Ehipto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Khamudi Titulary Accessed July 26, 2006
  2. Thomas Schneider, The Relative Chronology of the Middle Kingdom and the Hyksos Period (Dyns. 12-17) in Erik Hornung, Rolf Krauss & David Warburton (editors), Ancient Egyptian Chronology (Handbook of Oriental Studies), Brill: 2006, p.195