Pumunta sa nilalaman

Mahal na Ina ng Banal na Rosaryo, La Naval de Manila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa La Naval de Manila)
Nuestra Señora del Santísimo Rosario, La Naval de Manila
Mahal na Ina ng Banal na Rosaryo, La Naval de Manila
LokasyonLungsod Quezon, Pilipinas
Petsa1593/1596
UriGaring, rebultong kahoy
Ipinagtibay5 Oktubre 1907 ni Papa Pio X
DambanaPambansang Dambana ng Mahal na Ina ng Banal na Rosaryo ng La Naval de Manila, Simbahan ng Santo Domingo, Abenida Quezon, Lungsod Quezon, Pilipinas
PagtangkilikHukbong Dagat ng Pilipinas
Lungsod Quezon
Araw ng kapistahanIkalawang Linggo ng Oktubre

Ang Mahal na Ina ng Banal na Rosaryo, La Naval de Manila (Espanyol: Nuestra Señora del Santísimo Rosario- La Naval de Manila; mas kilala bilang Ina ng La Naval de Manila, Santo Rosario, o La Gran Señora) ay isang titulo na pinaparangalan kay Birheng Maria na nauugnay sa parehong imahe sa Pilipinas.

Inaangkin ng mga Katolikong Pilipino na ang pamamagitan ng Birhen sa ilalim ng titulo nito ay nakatutulong nang matagumpay sa pagwawaksi sa mga sumasalakay na puwersa ng Protestanteng Republikong Olandes sa panahon ng Mga Labanan ng La Naval de Manila, sa anyong katulad sa Labanan ng Lepanto ng 1571. Pinaniniwalaan din ng mga mananampalataya ang Birhen sa pamamagitan ng ikono na may pananatili ng pananampalatayang Katoliko, ay may bansag na "El Pueblo Amante de María" ("Bayang Sumisinta Kay Maria").

Ang imahen ay iginawad ni Papa Pio X ng koronasyong kanonika noong Ika-5 ng Oktubre, 1907. Itinalaga ng pamahalaang ng Pilipinas noong 2009 ang ikono at ang dambanang ito bilang Pambansang Yamang Pangkultura, na ginawang isa sa mga Ari-ariang Pangkultura.

Ang imaheng nakaluklok sa itaas ng punong dambana sa panahon ng buwang ng Oktubre.

Ang katawan na may sukat na apat na talampakan at walong pulgada ay gawa sa matigas na kanoy sa tangkal o istilong Bastidor. Ang mukha at mga kamay, ganundin ang kabuuang Batang Hesus ay gawa sa purong garing. Mula noong nilikha nito, ang rebulto - itinuturing ang pinakalumang paglililok ng garing na makaluma sa Pilipinas - ay laging pinalamutian ng mga detalyadong kasuotan at isang korona.[1]

Ang ilang 310,000 indibidwal na pinamunuan ng mga dalubguro ng Pamantasan ng Santo Tomas, ay naghandog ng kanilang mga mga alahas na mana, mga batong hiyas, ginto at pilak sa imahen para sa Koronasyong Kanonika noong Oktubre 1907. Ang mga ito ngayon ay nagbubuo ng bahagi ng malawak na koleksyon ng detalyadong sagisag na pagkareyna ng imahen, na may ilang mga piraso na may katandaang ika-18 dantaon[2]

Pagsang-ayong pampuntipika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang rebulto ay nakanagindapat ng maraming karangalang pampapa, lalo na ang mga sumusunod:

"...Tumungo sa templo ng Santo Domingo, sa banal na lugar ng kahusayan ng Pinakabanal na Birhen ng Rosaryo sa Pilipinas, sa lugar kung saan ang mga matatanda ay nagluluhod upang magpasalamat sa kanya na nagpalaya sa Kapuluang ito mula sa erehiyang Protestante, sa lugar na inilaan ng kabanalan ng sandaang salinlahing nakapunta roon upang ilagak ang kanilang kabanalan at pagtitiwala kay Mariang pinakabanal...
Leone XIII, P.P. "

Ang Banal na Rosaryo ay nagsusuot ng mga alahas ng koronasyong kanonika at ang sikat na Manto de la Coronacion na kilala nang lubos bilang Numero I.
Prusisyon ng Mahal na Ina ng Pinakabanal na Rosaryo ng La Naval bago ang pagtotrono.

Noong 1593, ang bagong Kastilang Gobernador-Heneral Don Luis Pérez Dasmariñas ay nagkomisyon ng isang rebulto ng Ina ng Banal na Rosaryo para sa pampublikong pamimitagan sa alaala ng kanyang yumaong ama kamakailan lamang. Sa ilalim ng dirihi ni Kapitang Hernando de los Rios Coronel, ang panlililok ay ginawa ng isang di-kilalang dayong Tsino, na sumunod na naging Kristiyano; ito ang karaniwang nabanggit na dahilan ukol sa mga tampok na Asyano ng rebulto. Ang imahen ay sumunod na ibinigay sa mga prayleng Dominikano, na iniluklok ito sa Simbahan ng Santo Domingo.

Noong 1646, gumawa ang puwersang pandagat ng Republikong Olanda maraming pagtatangka nang paulit-ulit upang malupig ang Pilipinas sa isang pag-atas na upang makontrol ang kalakalan sa Asya. Ang pinagsamang puwersa ng Kastila't Pilipino na lumaban ay nagsabing nakahiling ng panalangin ng pamamagitan ng Birhen sa pamamagitan ng imahen bago ang laban. Inudyukan sila na ilagay ang kanilang mga sarili sa ilalim ng pagsanggalang ng Mahal na Ina ng Rosaryo at sa pagdarasal ng rosaryo nang paulit-ulit. Ipinagpatuloy nila upang mag-aboy ang mga patuloy na pagsugod ng higit na mataas na armadang Olandes, umaakit sa limang pangunahing labanan sa dagat at natatalo ang labinlimang kasapi ng Hukbong Pandagat ng Espanya. Pagkatapos ng pag-urong ng mga Olandes, bilang pagtupad sa kanilang panata, ang mga nakaligtas ay naglakad nang nakapaa sa dambana bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen.

Kinamamayaan, noong 9 Abril 1662, idineklara ng balangay pangkatedral ng Arkidiyosesis ng Maynila na ang tagumpay ng hukbong-dagat ay isang mapaghimalang kaganapan nang dahil sa pamamagitan ng Birheng Maria, nagpapahayag:

Ipinagkaloob ng Pinakadakilang Panginoon sa pamamagitan ng pamamagitan ng Pinakabanal na Birhen at pamimintuho sa kanyang Rosaryo, na ang mga himala ay dapat ipagdiwang, ipangaral at ipagdaos ang kasiyahan at maisasalaysay sa gitna ng mga himala na ginawa ng Birhen ng Rosaryo para sa higit na malawak na pamimintuho ng pananampalataya sa Ating Pinakabanal na Birheng Maria at ang Kanyang Banal na Rosaryo.[3]

Si Papa Pio X ay pinahintulutan sa pagbibigay ng isang koronang kanonika sa imahen noong 1906, na ipinagkaloob ng Kinatawang Apostoliko sa Pilipinas, Ang Lubhang Klg-glg. Ambrose Agius, O.S.B.. Sa panahon ng nagbobomba ng mga Hapones noong 1942, kinatatakutan na ang imahen ay masisira, itinago ng mga may kapangyarihan ng simbahan sa Pamantasan Santo Tomas hanggang 1946, ang ika-300 anibersaryo ng mga labanan.

Ang rebulto ay lumipat noong Oktubre 1954 sa bagong tayong dambana upang manahan ito sa loob ng bagong Simbahan ng Santo Domingo sa Lungsod ng Quezon- ang ikaanim na Simbahan ng Santo Domingo mula itinayo noong huling ikalabing-anim na dantaon. Para sa paglalakbay, ang mga namimintuho ay nagbuo ng karwahe na hugis-bangka (Kastila: Carroza Triunfal) upang dalhin ang image sa bagong tahanang ito, na ipinahayag siyang Pambansang Dambana ng Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas (CBCP).[4] Noong Oktubre 1973, ang La Naval ay pormal nang ipinahayag na patrona ng Lungsod Quezon, sa panahong iyon ang pambansang kabisera. Ipinahayag siya ni Pilipinong Arsobispong Mariano Gaviola bilang Patrona ng Hukbong-Dagat ng Pilipinas noong 1975, isang pagtangkilik na ipinatawag hanggang sa araw na ito.

Sa panahon ng Rebolusyon ng Lakas Sambayanan ng Pebrero 1986, dinala ang isang replika ng imahen sa pamamagitan ng prusisyon sa Palasyo ng Malakanyang ng mga prayleng Dominikano, sa mapayapang protesta ng estado ng batas militar na sinimulan ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ang replika ay dinala rin sa silangang tarangkahan ng Kampo Crame, ang punong-himpilan ng kapulisan kung saan ang pwersa ng mga rebelde na pinamunuan nina Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos na nakakulong sa panahon ng pag-aalsa. Ipinalagay ng maraming Katolikong Pilipino ang mapayapang tagumpay ng rebolusyon sa mapaghimalang pakikialam ni Birheng Maria.[5]

Nag-abot ang Pilipinong mananalaysay na si Nick Joaquin ng isa sa mga pulang alahas sa isa sa mga korona ng imahen sa isang lumang alamat ng higanteng ahas na natagpuan sa Ilog Pasig; ang lokal na kuwentong-bayan ay mas malamang isang talinghaga ng tagumpay ng Kristiyanismo sa paganismo. Ang ibang korona ay nakasulat diumano at hinandog ng Haring Norodom ng Kambodya noong 1872, ang isa ay nawala pagkatapos ng pagnanakaw noong 1930 samantala ang isa pa ay ang simpleng dalawang perlas na pinalamutian ang mga orbe ng rebulto.

Mga nakatalang kaganapan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang replika ng imahen sa Ika-76 na Anibersaryo ng Hukuman ng Apelasyon ng Apelasyon noong 2012.

Ang burol ng dating senador Benigno Aquino Jr. ay idinao sa dambana ng imahen pagkatapos ng kanyang pagpatay noong Agosto 1983. Ang iba pang mga nakatalang burol sa dambana ay kabilang ang kilalang Pilipinong aktor na si Fernando Poe Jr. noong 2004 at Doña María Ejercito, ina ng dating [[Pangulo ng Pilipinas}Pangulong]] Joseph Estrada noong 2009.

Ang mamamahayag at personalidad sa telebisyong Korina Sanchez ay ikinasal kay Senador-noon Manuel A. Roxas II sa kasal na nasa himpapawid na pantelebisyon sa harapan ng imahen noong 27 Oktubre 2009.

Noong Disyembre 2011, itinampok ng Eternal Word Television Network (EWTN) ang imahen bilang "Pinakadakilang Imahen ni Maria sa Pilipinas" sa isang episodyo ng programang Maria: Ina ng Pilipinas.

Ang imahen, ang simbaha't kumbento nito, kasama ng iba pang mga bagay na nakatago sa hugnayan ay idinreklara bilang "Pambansang Yamang Pangkultura" ng Pambansang Museo ng Pilipinas noong Ika-4 ng Oktubre, 2012. Ang deklarasayong ito na alinsunod sa Batas Republika 10066 ("Batas sa Pambansang Pamanang Pangkultura ng 2009") ay inihayag ng Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas (CBCP) at ng Pambansang Museo.[6][7]

Sa taong 2020, sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng dambana, hindi itinuloy ang kapistahan ng Ina ng La Naval nang dahil sa banta ng COVID-19 at nananatili ang mga patakarang pangkuwarentenas ng Pilipinas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ang Pambansang Dambana ng Ina ng Rosaryo, La Naval de Manila
  2. La Naval de Manila Online: The Story of La Naval
  3. Dambana
  4. Dambana
  5. La Naval Online
  6. CBCP: Simbahan ng Santo Domingo babansagang 'pambansang yaman' Okt 4, GMA Balita
  7. Simbahan ng Santo Domingo idedeklarang pambansang yaman Naka-arkibo 2016-06-18 sa Wayback Machine., CBCP Balita
  8. Sa potograpiya: Joy Belmonte (Pangalawang Punonglungsod ng Lungsod Quezon), Kin. Vicente Crisologo, Jeremy Barns, CESO III, Direktor IV [1] Naka-arkibo 2021-06-17 sa Wayback Machine., Pambasang Museo ng Pilipinas, Senador Edgardo Javier Angara, Kgg-glg. Pd. Giuseppe Pietro V. Arsciwals, O.P., Rektor "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-06. Nakuha noong 2012-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link), at Pd. Gerard Timoner, Naunang Probinsyal ng Probinsyang Dominikana ng Pilipinas.
  9. [2] (Ika-10)
  10. CBCP: Simbahan ng Santo Domingo babansagang 'pambansang yaman' Okt 4, GMA Balita.
  11. Sto. Domingo Church to be declared national treasure Naka-arkibo 2016-06-18 sa Wayback Machine., CBCP News.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Coordinates needed: you can help!