Lumpiyang Shanghai
Kurso | Pampagana |
---|---|
Lugar | Pilipinas |
Ihain nang | mainit, mainit-init |
Pangunahing Sangkap | giniling na baboy, karots, pambalot ng lumpiya |
|
Ang lumpiyang Shanghai (kilala rin bilang lumpiya lamang) ay isang pinritong pampagana sa Pilipinas na binubuo ng pinaghalong giniling na baboy at mga gulay tulad ng karots, tinadtad na tanduyong o pulang sibuyas at bawang,[1] na nakabalot sa isang manipis na krep na de-itlog. Itinuturing ang lumpiyang Shanghai bilang pinakapangunahing uri ng lumpiya sa lutuing Pilipino, at karaniwan itong mas maliit at mas manipis kaysa sa iba pang mga baryante ng lumpiya.[2][3]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinuturing ang lumpiyang Shanghai bilang ang pinakasaligang uri ng lumpiya sa lutuing Pilipino. Sa putaheng ito, ginagamit ang giniling na baboy bilang pangunahing palaman. Ginigisa ang giniling sa mga tinadtad na karots, bawang, sibuyas, tanduyong, at asin at paminta ayon sa nais. Inilalagay itong palaman sa ibabaw ng pambalot (isang manipis at de-itlog na krep) na inilululon hanggang maging manipis na silindro ang hugis nito. Dinidikit ang mga gilid pagkatapos pahiran ang mga ito ng kaunting tubig o puti ng itlog. Minsan, pinapahiran ang pinritong giniling ng hilaw na itlog para mas mapanatili ang kanilang mga hugis. Pagkatapos, ipiniprito ito hanggang sa maging mamula-mula ito.[3][4][5][6][7][8]
Karaniwan itong isinasawsaw sa agre dulse (sweet and sour) na nagbibigay-diin sa "pagkamala-Tsino" nito.[2][4][9] Maaari ring isawsaw ito sa ketsap na saging, matamis na sarsang sili, mayonesa't bawang, o toyomansi't labuyo.[3]
Isa ang lumpiyang Shanghai sa mga pinakamakikitang putahe sa inihahain sa mga salu-salong Pilipino, kasama ng mga baryasyon ng pansit. Karaniwang inihahanda nang patiuna ang mga ito, itinatago sa repriherador, at ipiniprito lamang bago ihain.[3][10][11]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Lumpia Shanghai: The History Behind The Filipino Egg Roll" [Lumpiyang Shanghai: Ang Kasaysayan sa Likod ng Egg Roll ng Pilipinas]. Yahoo Finance (sa wikang Ingles). 2024-02-11. Nakuha noong 2024-02-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Gapultos, Marvin (2013). The Adobo Road Cookbook: A Filipino Food Journey [Panlutong Aklat ng Kalye Adobo: Paglalakbay sa Pagkaing Pilipino] (sa wikang Ingles). Tuttle Publishing. ISBN 9781462911691.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 "Lumpiang Shanghai (Filipino Spring Rolls)". Manila Spoon (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 24, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Clement, George. "Lumpia - Simple and Easy" [Lumpiya - Simple at Madali]. Genius Kitchen (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 24, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Simple Recipe for Lumpiang Shanghai (Meaty Philippine Spring Rolls)" [Simpleng Resipi para sa Lumpiyang Shanghai (Makarneng Lumpiya ng Pilipinas)]. Delishably (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 24, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bratton, Tim. "Lumpia Shanghai : Filipino Egg Rolls" [Lumpiyang Shanghai : Lumpiya ng Pilipinas]. Mollie Stone's Markets (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 24, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Veneracion, Connie. "Fried Pork Spring Rolls (Lumpiang Shanghai)" [Pinritong Lumpiyang Baboy (Lumpiyang Shanghai)]. Casa Veneracion (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 24, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Agbanog, Liza. "Lumpiang Shanghai" [Lumpiyang Shanghai]. Salu Salo Recipes (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 24, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Villar, Giney. "Lumpia Recipe" [Resipi ng Lumpiya]. Yummy.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 24, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Phojanakong, King (Ago–Set 2014). "Filipino Spring Rolls" [Lumpiya ng Pilipinas]. Fine Cooking (sa wikang Ingles). Blg. 130. Taunton Press. pp. 70–75. ISSN 1072-5121. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-26. Nakuha noong 2024-06-05.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lumpiang Shanghai (Filipino spring rolls)" [Lumpiyang Shanghai (Lumpiya ng Pilipinas)]. Foxy Folksy (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 24, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)