Lutuing pusyon
Ang lutuing pusyon ay isang lutuin kung saan pinagsasama-sama ang mga elemento ng iba't ibang tradisyon sa pagluluto na nagmula sa iba't ibang bansa, rehiyon, o kultura. Hindi ikinakategorya ang mga ganitong uri ng mga pagkaing ayon sa anumang partikular na istilo ng lutuin at pumapel ito sa maraming kontemporaryong lutuin sa mga restoran mula noong d. 1970.[1]
Ayon sa Oxford English Dictionary, ang kahulugan ng lutuing pusyon ay "isang istilo ng pagluluto na naghahalo ng mga sangkap at paraan ng paghahanda mula sa iba't ibang bansa, rehiyon, o pangkat etniko; pagkaing niluto sa ganitong istilo."[2]
Mga kategorya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nalilikha ang pagkaing pusyon sa pagsasama-sama ng mga iba't ibang paraan sa pagluluto mula sa iba't ibang kultura upang makagawa ng bagong uri ng lutuin. Bagama't karaniwan itong naimbento ng mga kusinero, maaaring lumitaw nang likas ang lutuing pusyon. Ang mga lutuin na ipinagsasama ay maaaring magmula sa isang partikular na rehiyon (gaya ng lutuing Silangang Asyano at lutuing Europeo), sub-rehiyon (gaya ng lutuing Timog-kanlurang Amerikano at lutuing Nuweba Mehikano) o bansa (tulad ng lutuing Tsino, lutuing Hapones, lutuing Koreano, lutuing Pranses, lutuing Italyano).
Minsan nailalarawan ang lutuing Pilipino bilang ang "orihinal na Asyanong lutuing pusyon", kung saan pinagsasama-sama ang mga katutubong tradisyon at sangkap sa pagluluto sa mga napakaibang lutuin ng Tsina, Espanya, Malasya, Taylandiya at Monggolya, at iba pa, dahil sa kakaibang kolonyal na kasaysayan.[3] Isa pang halimbawa ang pagkain sa Malasya (pati Indonesya) ng lutuing pusyon na naghahalo ng mga lutuing Malay, Habanes, Tsino at Indiyano at may kaunting impluwensiya rin mula sa mga lutuing Taylandes, Portuges, Olandes, at Britaniko.[4] Pinagsama ng lutuing Oseaniko ang mga iba't ibang lutuin ng mga iba't ibang pulo sa Pasipiko.[5]
Sa maraming bahagi ng Estados Unidos, Reyno Unido at Australya, sumikat ang mga restorang pusyong Asyano kung saan pinagsama ang mga iba't ibang lutuin ng mga Asyanong bansa. Kadalasan itinatampok ang mga putaheng Silangang Asyano, Timog-silangang Asyano, at Timog Asyano sa tabi ng isa't isa at inaalok ang mga putahe na inspiradong kombinasyon ng mga naturang lutuin.[6] Itinuturing na pusyon ang lutuing Kalipornyana na kumukuha ng inspirasyon lalo na mula sa Italya, Pransiya, Mehiko, sa ideya ng Europeong delicatessen, at Silangang Asya, at nagbubuo ng mga tradisyonal na putahe mula sa mga kulturang ito gamit ang mga di-tradisyonal na sangkap – tulad ng pizza ng Kalipornya. Sa Australya, dahil sa imigrasyon, nagbabagu-bago ang lutuing pusyon at nagiging mas karaniwan sa mga kapihan at restoran. Mataas ang ranggo ng ilang restorang pusyong Asyano tulad ng Tetsuya's sa Sidney sa The World's 50 Best Restaurants.[7]
Sa Reyno Unido, maaaring ituring ang fish and chips bilang maagang pagkaing pusyon dahil sa pag-aasawa nito ng mga sangkap mula sa mga lutuing Hudyo, Pranses, at Belhiko.[8][9]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilang libong taon nang umiiral ang lutuing pusyon bilang anyo ng pakikipagpalitan ng kultura, ngunit binigyan lang ito ng termino noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Inangkop ang paghahalo ng lutuin ng mga iba't ibang kultura mula noong ika-16 na siglo.
Kolonyalismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang namamalaging pamana ng kolonyalismo ang pagkaing pusyon. Nagbunga ang kalakalang kolonyal ng pagpapalitan ng mga sangkap, tulad ng bánh mì na nagmula sa mga sangkap ng Pranses na ginamit sa Indotsinang Pranses, tulad ng mga Jamaican patty kung saan pinagsama ang turnover at mga espesya mula sa mga ari-arian ng Imperyong Britaniko sa Asya at Aprika, at ramen na hinango mula sa "shina soba" o "Tsinong pansit" mula sa pananakop ng Imperyo ng Hapon sa mga kapuluang teritoryo ng Tsina noong huling bahagi ng siglong 1800 at unang bahagi ng siglong 1900.[10][11] Mga aktibong kalahok ang mga katutubong katulong sa pagbubuo ng mga pagkaing pusyon sa paghahalo ng mga sangkap at teknika.[12]
Kasabay ng paglikha ng mga bagong pagkain, ipinakilala rin ng kolonyalismo ang mga dimensyong pangklase ng pagkain bilang kultural na kapital na nagbago sa mga kaugalian sa pagkain.[13] Sa Peru, ipinagbawal ang mga katutubong gawi ng pagkakain ng konehilyo at itinuring na ganid hanggang sa mga kamakailang kilusan upang bawiin ang mga gawi sa pagkain, na humantong sa pagbura ng maraming kaalamang tradisyonal sa mga katutubong komunidad.[14] Ikinakatuwiran na may ganitong mga herakiya sa modernong pagkaing pusyon, na binatikos dahil inilalarawan ito na parang 'nagpapaangat' ng mga lutuing Europeo ang mga ibang lutuin para maging moderno.[15] Umaabot din ang mga debateng kolonyal sa diskurso tungkol sa pagiging tunay ng mga pagkain tulad ng mga pinagmulan ng manok na tikka masala, at mga kritikang oryentalista ng paghehentripika ng pagkaing-imigrante bilang pagkaing 'etniko'.[16]
Pagbabagay sa mga lokal na kagustuhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pag-aangat ng globalisasyon, kung saan nagtatawid ng mga hangganan ang mga kultura at lutuin, nagbabago ang pagluluto at pagkain upang pumatok sa hilig ng mga lokal na komunidad, isang penomenong kilala bilang "glokalisasyon", isang kombinasyon ng "lokalisasyon" at "globalisasyon". Minsan, nalilikha ang lutuing pusyon sa mga restorang multinsyonal, lalo na ang mga paspudan. Isang pangunahing halimbawa ng globalisadong pagpapalawak ng isang kompanya ang mga rehiyonal na menu ng McDonald's na inaangkop upang "sumalamin sa mga iba't ibang hilig at lokal na tradisyon para sa bawat bansa kung saan mayroon kaming mga restoran".[17] Bukod sa pagsasapatan sa mga tradisyon ng pagkain sa bawat rehiyon, kinokonsidera rin ng McDonald's ang mga paniniwala at batas sa relihiyon, gaya ng nakikita sa kawalan ng baka at baboy sa mga Indiyanong menu.
Bukod pa sa mga pagkakaiba sa kultura at relihiyon sa pagluluto, nilikha rin ang ilang pagkaing pusyon upang bumagay sa mga kagustuhang panlasa ng mga lokal na komunidad noong ipinakilala ang mga pagkaing etniko o kultural mula sa ibang bansa. Isang halimbawa nitong pag-aangkop ang sikat na sushi roll, ang California roll, na inilikha sa Amerika noong huling kalahati ng ika-20 siglo. Ayon sa isang tanyag na alamat, naglalaman ito ng alimango, gulay, at kanin dahil sa pag-ayaw ng mga Amerikano sa mga dayuhang sangkap tulad ng hilaw na isda at damong-dagat.
May pinagmulan itong mga pag-aangkop sa mga lutuing banyaga sa mga korporasyon at sa kasaysayan din. Sa halimbawa ng McDonald's, maituturing ang paglikha ng mga rehiyonal na menu bilang pang-ekonomikong desisyon para pumatok sa mga lokal na panlasa at tradisyon. Isa pang halimbawa ng pinasikat na pagkaing pusyon ang Koreanong estupado, budae-jjigae, na inilikha sa pagsasama ng mga Amerikanong sahog: mga Spam, Vienna sausage, at hiniwang keso, sa estupadong kimchi kasunod ng Digmaang Koreano kung kailan laganap ang mga kagustuhan at impluwensiya ng mga Amerikano sa Korea.[18]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lindsey, Robert (1985-08-18). "California grows her own cuisine". New York Times.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Home : Oxford English Dictionary". www.oed.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-12-12. Nakuha noong 2022-12-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Halpern, Sue; McKibben, Bill (Mayo 2015). "Filipino Cuisine Was Asian Fusion Before "Asian Fusion" Existed" [Dati Pang Pusyong Asyano Ang Lutuing Pilipino Bago Nagkaroon ng "Pusyong Asyano"]. Smithsonian Magazine (sa wikang Ingles). Smithsonian Institution. Nakuha noong 16 Disyembre 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Asia's original fusion food" [Orihinal na pagkaing pusyon ng Asya] (sa wikang Ingles). Mark C O'Flaherty. Nakuha noong 2012-07-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What is Fusion Cuisine?" [Ano Ang Lutuing Pusyon?] (sa wikang Ingles). Wise Geek. Nakuha noong 2012-05-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Asian Cuisine & Foods : Asian-Nation :: Asian American History, Demographics, & Issues" [Mga Lutuin & Pagkaing Asyano : Asyanong Nasyon :: Kasaysayan, Demograpiko, at Mga Isyu ng mga Asyanong Amerikano] (sa wikang Ingles). Asian-Nation. Nakuha noong 2017-11-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World Food Cuisines" [Mga Lutuin ng Pandaigdigang Pagkain] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Black, Les (1996). New Ethnicities And Urban Cult [Mga Bagong Etnisidad At Kultong Urbano] (sa wikang Ingles). Oxford: Routledge. p. 15. ISBN 978-1-85728-251-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alexander, James (18 Disyembre 2009). "The unlikely origin of fish and chips" [Ang hindi malamang na pinagmulan ng fish and chips]. BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hulyo 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Magazine, Smithsonian. "Sorry, Wolfgang, Fusion Foods Have Been With Us for Centuries" [Pasensya, Wolfgang, Ilang Siglo na Mayroong Mga Pagkaing Pusyon]. Smithsonian Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-12-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The History of Fusion Cuisine" [Ang Kasaysayan ng Lutuing Pusyon]. Exquisite Taste (sa wikang Ingles). 2015-12-04. Nakuha noong 2022-12-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cox, Rosie (Setyembre 2013). "Food Culture in Colonial Asia: A Taste of Empire" [Kultura ng Pagkain sa Kolonyal na Asya: Isang Tikim ng Imperyo]. Asian Studies Review (sa wikang Ingles). 37 (3): 402–403. doi:10.1080/10357823.2013.823845. ISSN 1035-7823.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Colonization, Food, and the Practice of Eating – Food Empowerment Project" [Kolonisasyon, Pagkain, at Gawi ng Pagkain – Proyekto ng Pagpapalakas ng Pagkain] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ defrance, Susan D. (Enero 2006). "The Sixth Toe: The Modern Culinary Role of the Guinea Pig In Southern Peru" [Ang Ikaanim na Daliri: Ang Modernong Kulinaryong Papel ng Konehilyo Sa Timog Peru]. Food and Foodways (sa wikang Ingles). 14 (1): 3–34. doi:10.1080/07409710500334517. ISSN 0740-9710.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Janer, Zilkia (Marso 2007). "(IN)EDIBLE NATURE: New world food and coloniality" [KALIKASANG (DI-)NAKAKAIN: Pagkain ng bagong mundo at kolonyalidad]. Cultural Studies (sa wikang Ingles). 21 (2–3): 385–405. doi:10.1080/09502380601162597. ISSN 0950-2386.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Why we need to stop calling immigrant food 'ethnic'" [Bakit kailangan nating ihinto ang pagtawag sa pagkaing imigrante na 'etniko']. The Independent (sa wikang Ingles). 2017-09-20. Nakuha noong 2023-08-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Why is the McDonald's menu different in different countries?" [Bakit naiiba ang menu ng McDonald's sa iba't ibang bansa?]. www.mcdonalds.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hong, Ashley (2021-01-01). "Korean Fusion: Consuming a Globalized Korea Through Food and Music" [Pusyong Koreano: Pagkonsumo ng Globalisadong Korea sa Pamamagitan ng Pagkain at Musika]. Honors Theses (sa wikang Ingles).
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)