Pumunta sa nilalaman

Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje
LokasyonLungsod Antipolo, Pilipinas
PetsaIka-25 ng Marso, 1626
Acapulco, Guerrero, Mehiko
UriRebultong kahoy
IpinagtibayKagalang-galang Michael J. O'Doherty
Katolikong Romanong Arkidiyosesis ng Maynila
DambanaKatedral ng Antipolo
PagtangkilikMga manlalakbay at mga mandaragat
Mga katangianMadilim na balat, malaking balintataw ng mata, walang balot na buhok

Ang Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Kastila: Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje; Ingles: Our Lady of Peace and Good Voyage), kilala rin sa Birhen ng Antipolo, ay isang ika-17 dantaong Katolikong Romanong imaheng kahoy ng Birheng Maria Casandra Diane Gultiano na pinipintuho sa Pilipinas. Ang imahen, isang Itim na Madonna na kumakatawan sa Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria, ay nakadambana sa Katedral ng Antipolo sa bulubunduking Sierra Madre silangan ng Kalakhang Maynila.[1]

Idinala ang imahen sa bansa ni Gobernador-Heneral Juan Niño de Tabora mula sa Mehiko sa pamamagitan ng galyong El Almirante noong 1626. Ang kanyang ligtas na paglalayag sa ibayo ng Karagatang Pasipiko ay naiugnay sa imahen, kung saan ibinigay ang titulong "Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay". Ito ay sumunod na pinatunayan ng anim na iba pang matagumpay na paglalakbay ng Galyon ng Maynila at Acapulco na may imahen lulan bilang patronang ito.[1][2]

Ang imahen ay isa sa mga pinakatanyag na imahen ng Birheng Maria sa Pilipinas, dumadami ang mga deboto mula noong sa kalagitnaan ng ika-19 na dantaon, na binanggit ni Jose Rizal sa kanyang mga sulatin.[3] Mula Mayo hanggang Hulyo ng bawat taon, ang imahen umaakit ng mga angaw na namamanata mula sa kabuuang bansa sa ibang mga bansa. Pinahintulutan ni Papa Pio XI ang kanyang koronasyong kanonika noong Ika-13 ng Hunyo, 1925, na isinaganap noong Ika-26 ng Nobyembre, 1926.

Noong 25 Marso 1626, umalis ang barkong galyong pangkalakalang El Almirante sa Acapulco, Mehiko, dala ang bangong talagang Gobernador-Heneral ng Silangang Indiyas ng Espanya, Don Juan Niño de Tabora, na nagdala ng imahen na kasama niya. Nakarating siya sa Maynila noong 18 Hulyo 1626, at ang imahen ay dinala sa Simbahan ng San Ignacio ng mga Heswita sa Intramuros. Nang sumakabilang-buhay si Gobernador Tabora noong 1632, ibinigay ang imahen sa mga Heswita para sa pagdadambana sa simbahan ng Antipolo, na naitayo sa kasalukuyang barangay Santa Cruz.

Mga salaysay ng mga himala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa panahon ng pagpapatayo ng simbahan ng Antipolo noong mga 1630, ang imahe ay misteryosong mawawala nang maraming beses mula sa dambana, muling lumilitaw sa ibabaw ng tipolo (puno ng rimas; Artocarpus incisa). Kinuha ito bilang isang makalangit na senyas, at ang simbahan ay lumipat muli sa kinatayuan ng puno ng tipolo. Ang patuntungan ng imahen ay malamang gawa mula sa parehong puno ng tipolo[4] na nagbigay din ng pangalan nito sa Antipolo mismo.[3]

Noong 1639, nag-alsa ang mga Tsino, sinunog ang bayan at ang simbahan. Dahil sa pangangamba ng kaligtasan ng imahen, inutos ni Gobernador Sebastian Hurtado de Corcuera at paglipat nito sa Cavite, kung saang pansamantalang nakadambana. Sumunod na inutos ni Gobernador Hurtada na alisin ang imahen mula sa dambanang Cavite noong 1648, at ito ay pabalik na nalunan sa Mehiko sakay sa galyong San Luis. Sa panahong yaon, ang imahen ng isang santong lulan ay nagsilbing bilang santo patron ng barko o tagapagsanggalang ng kalakalang Acapulco.

Ang imahen ay binagtas ang Pasipiko nang anim na beses lulan sa sumusunod na mga galyong Maynila-Acapulco:

  • San Luis — (1648–1649)
  • Encarnación — (1650)
  • San Diego — (1651–1653)
  • San Francisco Javier — (1659–1662)
  • Nuestra Señora del Pilar — (1663)
  • San José — (1746–1748)

Isang dikretong maharlika ni Reyang Isabel II noong 19 Mayo 1864 ay may nakalahad na utos na ang mga kurya ng San Nicolas de Tolentino ay ibalik sa mga Heswita kapalit ng mga kurya ng Antipolo, Taytay at Morong, na ibinigay sa mga Agustinong Recoletos. Ang huling utos sa gayon ay nagmamay-ari ng imahe.

Ang imahen ay kinoronahang kanonika ni Arsobispo ng Maynila, Kgg-glg. Michael J. O'Doherty, noong 28 Nobyembre 1926 sa Luneta (kasalukuyang Liwasang Rizal), Maynila.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1944, nilusob ng Hukbong Imperyal ng Hapon ang bayan at ginawa itong isang garison, kasama ang dambana na ginamit bilang arsenal. Upang iligtas ang imahe, binalot ito ng punong sakristan ng simbahan na si Procopio Angeles sa makapal na kumot na lana at inilagay sa walang laman na timbal ng gasolina (petrol drum), na sumunod ibinaon niya sa kalapit na kusina.

Ang paglaban sa pagitan ng mga hukbong Imperyal na Hapones at ang mga pinagsamang puwersang Pilipino't Amerikano ay nagtulak kay Angeles at iba pang mga deboto na hukayin ang imahen at ilipat sa Burol Kulaiki sa hibaybay ng Angono. Mula roon, matapang itong umalis nang palayo sa libis na Barangay Santolan sa Pasig, at kasunod nito sa gitnang-bayan ng Pasig mismo. Ang imahen ay sumunod na nasa pangangalaga ni Rosario Alejandro (née Ocampo), anak ni Pablo Ocampo, sa tirahan ng pamilyang Ocampo-Santiago sa Daang Hidalgo, Quiapo, Maynila, bago ito nakadambana sa loob ng Simbahan ng Quiapo sa natirang bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[4]

Noong 15 Oktubre 1945, ang imahen ay inilipat nang pabalik sa simbahan sa Antipolo, kung saan namalagi sa ngayon.

Katedral na dambana

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang mga misyonero sa Antipolo ay ang mga Pransiskano, na dumating sa paligid noong 1578.[3] Ang mga Heswita ay tapos sumunod at nangasiwa ang simbahan mula 1591 hanggang Mayo 1768, na ang dikretong pagpapaalis ng mga Heswita mula sa mga lupain sa Espanya ay nakarating sa Maynila.

Ang simbahan ay lubos na nawasak sa panahon ng pag-aalsa ng mga Tsino ng 1639, ang lindol sa Luzon 1645, at ang mga lindol ng 1824 at 1883. Ang mga tanyag na mananalaysay na Pilipino tulad nina Pedro Chirino at Pedro Murillo Velarde (isa ring kilalang kartograpo) ay naglingkod sa simbahan.

Ang Diyosesis ng Antipolo ay nilikha noong Ika-24 ng Enero, 1983 at kanonikal na itinayo noong Ika-25 ng Hulyo, 1983 sa bagong katedral ng sa diyosesis, nagtataglay ng pormal na titulong "Pambansang Dambana ng Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay-Parokya ng Kalinis-linisang Paglilihi".

Banal na paglalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga banal na paglalakbay sa dambana ng imahen ay nagsisimula at nagrururok sa Mayo, kung saan sa Katolisismo ay nakatuon sa Birheng Maria. Sa Ika-30 ng Abril—sa bisperas ng Araw ng Mayo—libu-lobong deboto mula sa Kalakhang Maynila ay nakaugaliang ginagampanan ang Alay Lakad, kung saan ang mga namamanata ay nagpapalipas ng gabi na naglalakad sa paa patungo sa dambana, kung saan nakikinig sila ng Banal na Misa sa bukang-liwayway.[5]

Ang pinakamalayong opisyal na panimula sa makabagong paglalakbay ay ang Simabahan ng Quiapo; ang kaugalian ng pagdalaw sa dambana sa Mayo, gayunman, ay nakatala na sa ika-19 na dantaon. Noong 6 Hunyo 1868, dumalaw ang batang Jose Rizal at ang kanyang ama na si Don Francisco Mercado sa dambana bilang pasasalamat para sa bata at ang kanyang ina, Teodora Alonso, na nakaligtas sa panganganak noong 1861.[6]

Noong Disyembre 2011, ang programa ng Eternal Word Television Network na Maria: Ina ng Pilipinas na ipinalabas ng isang episodyong nagpapamalas ang imahen bilang "pinakamaraming paglalakbay para sa pagdalaw sa imahen ni Maria sa Pilipinas".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Diyosesis ng Antipolo" Naka-arkibo 2012-08-28 sa Wayback Machine.. CBCP Online.
  2. "Our Lady of Antipolo (Birhen ng Antipolo)" Naka-arkibo 2014-08-08 sa Wayback Machine.. Ministry to Filipinos, Diyosesis ng Orlando.
  3. 3.0 3.1 3.2 "Kasaysayah ng Antipolo" Naka-arkibo 2018-02-10 sa Wayback Machine.. Lungsod Antipolo, ang Lungsod ng Banal na Paglalakbay. Nakuha noong 2013-03-02.
  4. 4.0 4.1 "Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay" Naka-arkibo 2016-03-22 sa Wayback Machine.. Antipolo, Lungsod ng Banal na Paglalakbay. Nakuha noong 2013-02-22.
  5. "ANTIPOLO - RIZAL TRAVEL TIPS AND GENERAL INFORMATION". Philippines Travel Information. Philippines Travel and Hotel Guide. 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-08. Nakuha noong 2020-10-23. Ang isang buwan na pagdiriwang upang parangalan ang Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay. Ang mga deboto ay nakikitang dumadaan sa pinakahak na landas na patungo sa Antipolo. Ang imahen, na may taong gulang na tatlong dantaon, ay nagsasabing nagpapakita ng mga talulikas na kapangyarihan. Sa gabi ng Abril 30, libu-libo ng mga namamanata mula sa iba't ibang lugar sa Kalakhang Maynila at sa mga kalapit na bayan ay nagsisimula ng isang taunang paglalakad sa paa.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Pamantasang Jose Rizal (2004). "Sa Calamba, Laguna". JoseRizal.ph. Nakuha noong 1 Mayo 2015. 6 Hunyo 1868 Kasama ang kanyang ama, si Rizal ay gumawa ng isang banal na paglalakbay sa Antipolo upang tuparin ang panata na ginawa ng kanyang ina na dalhin ang bata sa Dambana ng Birhen ng Antipolo dapat bang makaligtas siya at ang kanyang anak sa pagsubok sa panganganak na halos nadamay ang buhay ng kanyang ina.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]