Pumunta sa nilalaman

Mao, Chad

Mga koordinado: 14°07′10″N 015°18′48″E / 14.11944°N 15.31333°E / 14.11944; 15.31333
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mao

مؤ
Mao is located in Chad
Mao
Mao
Kinaroroonan sa Chad (nakatampok ang Kanem)
Mga koordinado: 14°07′10″N 015°18′48″E / 14.11944°N 15.31333°E / 14.11944; 15.31333
Bansa Chad
RehiyonKanem
DepartmentoKanem
Sub-PrepekturaMao
Taas
1,112 tal (339 m)
Populasyon
 (2008)
 • Kabuuan19,004
Sona ng oras+1

Ang Mao (Arabe: مؤ‎) ay isang lungsod sa Chad at kabisera ng rehiyon ng Kanem at ng Departamento ng Kanem. Ito ang ika-16 na pinakamataong lungsod sa Chad, at matatagpuan ito 226 na kilometro (140 milya) hilaga-hilagang silangan ng N'Djamena. Ang heograpiya ng Mao, na matatagpuan sa hangganan ng Sahara, ay tinatanda ng mga burol ng buhangin at kakaunting behetasyon.

Tulad sa ibang mga rehiyon ng bansa, ang Mao ay pinamumunuan ng kapuwa kinagisnang Sultan[1] at mga opisyal ng pamahalaang sentral. Ang Sultan ng Kanem na nakatira sa Mao ay ang kinagisnang pinuno ng mga Kanembou.[1] Ang mga hakbang tungo sa desentralisasyon ay hinadlangan ng magusot at kung minsan ay maigting na ugnayan sa pagitan ng mga kinagisnang pinuno sa Chad at pambansang maykapangyarihan.

Itinatag noong 1898 ang Mao ni Sultan Ali, kapatid ni Sultan Djourab na pinaslang ng mga Fezzan at ibang mga kasabwat. Mula noong 1900, ang Mao ay naging may-bisang sentrong pampangasiwaan ng hilaga.

Noong ika-18 July 2010, ang Sultan of Kanem na si Alifa Ali Zezerti, ay pumanaw sa edad na 83 taong gulang sa pagamutan sa N'Djamena, mula sa mga komplikasyon ng atake sa puso. Siya ang pang-39 na pinunuo ng dinastiyang Kanem,[2] at namuno mula noong 1947.[3] Inilibing siya sa Mao. Ang kaniyang sinundan na si Sultan Zezerti na namuno mula noong 1925 ay pumanaw noong 26 Setyembre 1947.[4][5] Inihalal ang kaniyang anak bilang sultan sa isang halalang walang kalaban.

Noong Oktubre 2013 sumiklab ang mga gulo sa pangunahing pamilihan ng Mao na nakapuntirya sa administrasyon ni Idriss Déby pagkaraang pinatay ng isang opisyal na malapit kay Déby ang isang sibilyan.[6][7] Noong 30 Setyembre 2015, dakong alas-8 ng gabi, nasunog ang nabanggit na pamilihan. Hindi matukoy ang sanhi; gayunpaman, walang naiulat na mga nasawi sa pangyayari.[8] Muling nasunog ang pamilihan noong 12 Mayo 2016, sa pagkakataong ito sa alas-5 ng umaga. Nagsimula ang apoy sa kalapit na imbakan ng gasolina. Wala namang naiulat na nasawi sa nasabing pangyayari.[9]

Tuwing Miyerkules na itinaguriang "Grand Market Day", ibinebenta mga sariwang gulay tulad ng mga sibuyas, bawang, datilero, asanorya, kamatis, pipino, at minsan mga talong na ipinakilala ng Organisasyon ng mga Bansang Nagkakaisa sa Pagkain at sa Agrikultura (FAO) ng UN noong 2009. Ibinebenta rin ang mga prutas, lalo na ang mga saging kung minsan mga mangga, papaya at bayabas. Makakukuha rin ang mijo sa puti at pulang mga uri .[10]

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napakaliblib ang lungsod at mahirap ang paglalakbay sa lupa (sa kahabaan ng mga mabuhanging daanan na madaraanan lamang ng mga sasakyang four-by-four o kamelyo).[1] May isang maliit na paliparan ang bayan, Paliparan ng Mao IATA: AMOICAO: FTTU, na may patag na palapagan.

Historical population
TaonPop.±%
1993 13,277—    
2003 17,000+28.0%
2008 19,004+11.8%

Karamihan sa mga naninirahan sa Mao ay mga Muslim. Subalit may dalawang mga simbahang Kristiyano sa Mao, isang Katoliko at isang Protestante.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "République du Tchad - Projet de développement agricole des ouadis du Kanem - (PDAOK) - Rapport d'évaluation intermédiaire". Abril 2003. pp. A. Area and Context of the Intervention, Target Group. Nakuha noong 12 Marso 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Tchad : Le Sultan du Kanem s'en est allé". www.africa-info.org (sa wikang Pranses). Nakuha noong 2017-03-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Waldar. "NECROLOGIE :Le sultan du Kanem ALIFA MAO S'EST ETEINT - WALDARI WA AKHBAARA". WALDARI WA AKHBAARA (sa wikang Pranses). Nakuha noong 2017-03-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lanne, Bernard (1998-01-01). Histoire politique du Tchad de 1945 à 1958: administration, partis, élections (sa wikang Pranses). KARTHALA Editions. p. 119. ISBN 9782865378838.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Lanne, Bernard (1998-01-01). Histoire politique du Tchad de 1945 à 1958: administration, partis, élections (sa wikang Pranses). KARTHALA Editions. p. 103. ISBN 9782865378838.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "JournalDuTchad.com: Mao: des jeunes tchadiens incendient la gendarmerie". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-09. Nakuha noong 2017-03-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Administrateur. "Tchad/Émeutes à Mao: les secours accourent vers Mao". letchadien.com (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-13. Nakuha noong 2017-03-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Tchad : incendie au marché central de Mao". Tchadinfos.com (sa wikang Pranses). 2015-10-01. Nakuha noong 2017-03-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Un incendie d'origine inconnu ravage le marché de Mao". Tchadinfos.com (sa wikang Pranses). 2016-05-12. Nakuha noong 2017-03-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Tchad Profond...Mao, la ville sablonneuse". Regard'ailleurs. Nakuha noong 2017-03-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)