Pumunta sa nilalaman

Merneptah

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Merenptah)

Si Merneptah (o Merenptah) ang ikaapat na Paraon ng Ikalabingsiyam na dinastiya ng Ehipto. Siya ay namuno sa halos 10 taon sa pagitan ng huling Hulyo o simulang Agosto 1212 at Mayo 2, 1203 BCE ayon sa mga kontemporaryong historikal rekord.[2] Siya ang ikalabingtatlong anak ni Ramesses II[3] at tanging umakyat sa kapangyarihan dahil ang lahat ng kanyang mga mas matandang kapatid na lalake kabilang ang kanyang buong kapatid na lalakeng si Khaemwaset o Khaemwase ay naunang namatay sa kanya na sa panahong ito ay halos 60 anyos na siya. Ang kanyang pangalan ng hari ay Ba-en-re Mery-netjeru, na nangangahulugang "Ang Kaluluwa ni Ra, Minamahal ng mga Diyos". Si Merneptah ay malamang ang ikaapat na anak ni Isetnofret na ikalawang asawa ni Ramesses II. Siya ay ikinasal sa Reynang Isetnofret na tulad ng kanyang buong kapatid na babae ay may pangalan ng kanilang ina. Pinagpapalagay na pinakasalan rin Merneptah si Reynang Takhat at ang isa sa kanilang mga anak na lalake ang naging kalaunang Paraon na si Seti II. Sila rin ang mga magulang ni prinsipe Merenptah at posibleng ng mang-aagaw sa tronong s i Amenmesse, at Reynang Twosret na asawa ni Seti II at kalaunan ay naging paraon rin.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "King Merenptah", Digital Egypt, University College London (2001). Accessed 2007-09-29.
  2. Jürgen von Beckerath, Chronologie des Pharaonischen Ägypten, Mainz, (1997), pp.190
  3. Gae Callender, The Eye Of Horus: A History of Ancient Egypt, Longman Cheshire (1993), p.263