Pumunta sa nilalaman

Listahan ng mga aktibong bulkan sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Bulkang Mayon ang pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas sa usapin ng dalas ng pagputok

Sa ibaba ay ang listahan ng mga aktibong bulkan sa Pilipinas, na, batay sa pagpapakahulugan ng Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya (PHIVOLCS sa Ingles), ay anumang bulkan na pumutok sa loob ng nakalipas na 600 taon, may ulat ng pagputok na naidokumento ng tao, o kaya ay pumutok sa nakalipas na 10,000 taon (epokang Holoseno).[1]

Sa listahan ng PHIVOLCS, mayroong 24 aktibong bulkan sa Pilipinas, 21 sa ito ay may mga ulat ng pagputok sa kasaysayan. Ang natitirang tatlo ay walang nakasulat na rekord ngunit natitiyak na aktibo batay sa resulta ng radiocarbon dating ng mga deposito ng uson (pyroclastic material): ang Cabalian (na huling pumutok sa pagitan ng 165-105 BCE)[2], ang Leonard Kniaseff (na huling pumutok 1,800-6,000 taon na ang nakalilipas)[3], at Isarog (na huling pumutok sa pagitan ng 3500-2374 BCE ± 87).[4]

Samantala, may hiwalay na listahang minimintine ang Global Volcanism Program (GVP) ng Suriang Smithsonian.[5] Nililista ng GVP ang mga bulkan bilang bahagi ng kanilang listahan kung ang bulkan ay may malakas na ebidensya pa rin ng kasalukuyang bulkanikong aktibidad, tulad ng pagkakaroon ng mga pagsingaw, mainit na bukal, kumukulong putik, at iba pa.[6]

Listahan ng mga bulkan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Imapa lahat ng mga koordinado gamit ang: OpenStreetMap 
I-download ang mga koordinado bilang: KML

Pinapakita sa baba ang talalistahan ng 27 aktibong bulkan base sa listahan ng PHIVOLCS at ilang bulkan mula sa GVP. Hindi tiyak ang bilang na ito at nakasalalay sa kahulugan ng "aktibong bulkan" na ginagamit o sa historikal na panahon.

Pangalan Taas (sa itaas ng kati (above sea level)) Koordinado Lalawigan Ilang beses nang pumutok
m ft Kasalukuyang kalagayan
Pangkat Ambalatungan 2,329 7,641 17°18′40″N 121°06′13″E / 17.310982°N 121.103668°E / 17.310982; 121.103668 (Ambalatungan Group) Kalinga 0 Hindi tiyak kung pumutok noong 1952.[7] May mga pagsingaw (fyumarol at solfatara) at mainit na bukal
Babuyan Claro 843 2,766 19°31′23″N 121°56′24″E / 19.523°N 121.940°E / 19.523; 121.940 (Babuyan Claro) Cagayan 3 May mga naiulat na pagputok noong 1831, 1860, at 1913. May mainit na bukal sa timog na bahagi
Banahaw 2,169 7,116 14°04′N 121°29′E / 14.07°N 121.48°E / 14.07; 121.48 (Banahaw) Laguna, Quezon 4 Hindi tiyak kung may pagputok na kasabay noong nagkaroon ng pagdaloy ng putik noong 1730, 1743, 1843, at 1909.[8]
Biliran 1,340 4,400 11°33′29″N 124°30′47″E / 11.558°N 124.513°E / 11.558; 124.513 (Biliran) Biliran 1 May preatikong pagputok noong 1939. May pagsingaw at mainit na mga bukal
Bulusan 1,565 5,135 12°46′12″N 124°03′00″E / 12.770°N 124.05°E / 12.770; 124.05 (Bulusan) Sorsogon 17 May mga pagputok mula 1886 hanggang 2022. Tuloy-tuloy na minamanmanan
Cabalian 945 3,100 10°17′13.2″N 125°13.25′0″E / 10.287000°N 125.22083°E / 10.287000; 125.22083 (Cabalian) Southern Leyte 1 Huling pumutok noong 1820 batay sa pagsukat ng radiocarbon ng deposito ng uson nito
Cagua 1,160 3,810 18°13′19″N 122°07′23″E / 18.222°N 122.123°E / 18.222; 122.123 (Cagua) Cagayan 1 Pumutok noong 1860 at malakas na pagsingaw noong 1907. May mga mainit na bukal sa hilagang-kanluran at hilagang hilagang-silangang giliran
Camiguin de Babuyanes 712 2,336 18°49′48″N 121°51′36″E / 18.83°N 121.860°E / 18.83; 121.860 (Camiguin de Babuyanes) Cagayan 1 Naiulat na pumutok noong 1857. May pagsingaw at mainit na bukal
Didicas 843 2,766 19°04′37″N 122°12′07″E / 19.077°N 122.202°E / 19.077; 122.202 (Didicas) Cagayan 6 Pumutok noong 1773, 1856, 1900, 1952, 1969 at 1978. Nakalubog sa ilalim ng dagat ngunit lumitaw noong 1952 nang mabuo ang isang permanenteng isla[9]
Hibok-Hibok 1,332 4,370 9°12′11″N 124°40′23″E / 9.203°N 124.673°E / 9.203; 124.673 (Hibok-Hibok) Camiguin 5 Pumutok noong 1827, 1862, 1871 at 1948–1952. Tuloy-tuloy na minamanmanan.
Iraya 1,009 3,310 20°28′08″N 122°00′36″E / 20.469°N 122.010°E / 20.469; 122.010 (Iraya) Batanes 1 Huling pumutok noong 1454. May serye ng mga paglindol noong 1998.
Iriga 1,143 3,750 13°27′25″N 123°27′25″E / 13.457°N 123.457°E / 13.457; 123.457 (Iriga) Camarines Sur 0 Ang napaulat na pagputok noong 1628 ay napatunayang hindi pala totoo[10]
Isarog 1,143 3,750 13°39′29″N 123°22′48″E / 13.658°N 123.38°E / 13.658; 123.38 (Isarog) Camarines Sur 2 Huling pumutok sa pagitan ng 3500 BCE ± 125 taon at 2374 BCE ± 87 taon batay sa pagsusukat ng radiocarbon.[11][12][13]
Pangkat Jolo 620 2,030 6°00′47″N 121°03′25″E / 6.013°N 121.057°E / 6.013; 121.057 (Jolo Group) Sulu 0 May pagputok sa ilalim ng dagat noong 1897. Kasama sa pangkat na ito ang bulkang Bud Dajo, isang sinderong apa o apang-baga (cinder cone) sa Isla ng Jolo, na nasa listahan ng PHIVOLCS.
Kanlaon 2,435 7,989 10°24′43″N 123°07′55″E / 10.412°N 123.132°E / 10.412; 123.132 (Kanla-on) Negros Occidental, Negros Oriental 26 Pumutok nang ilang beses mula 1886 hanggang 2006. May maliit na pagputok ng singaw noong Nobyembre 2015. Tuloy-tuloy na minamanmanan
Leonard Kniaseff 200 660 7°22′55″N 126°02′49″E / 7.382°N 126.047°E / 7.382; 126.047 (Leonard Kniaseff) Davao de Oro 1 Huling pumutok noong taong 120 CE.[14] Malakas ang mga mainit na bukal
Makaturing 1,940 6,360 7°38′49″N 124°19′12″E / 7.647°N 124.32°E / 7.647; 124.32 (Makaturing) Lanao del Sur 2 Pumutok noong 1865 at 1882. Ang mga naiulat na pagputok nito noong 1856 at 1858 ay pagputok pala ng bulkang Ragang[15][16]
Matutum 2,286 7,500 6°22′N 125°04′E / 6.37°N 125.07°E / 6.37; 125.07 (Matutum) South Cotabato 0 May pagsingaw noong Marso 7, 1911 ngunit di tiyak kung may pagputok. May mga mainit na bukal sa Akmoan at Linan.

[17][18]

Mayon 2,460 8,070 13°15′25″N 123°41′06″E / 13.257°N 123.685°E / 13.257; 123.685 (Mayon) Albay 54 Ilang beses nang pumutok mula 1616 hanggang 2023. Tuloy-tuloy na minamanmanan.
Mélébingóy 1,784 5,853 6°06′47″N 124°53′31″E / 6.113°N 124.892°E / 6.113; 124.892 (Mount Melibengoy) South Cotabato 1 Pumutok noong Enero 4, 1641 at bumuo ng kaldera
Musuan 646 2,119 7°52′37″N 125°04′05″E / 7.877°N 125.068°E / 7.877; 125.068 (Musuan) Bukidnon 2 May mga pagputok noong 1866 at 1867. May malakas na serye ng paglindol noong 1976.
Pinatubo 1,445 4,741 15°08′N 120°21′E / 15.13°N 120.35°E / 15.13; 120.35 (Pinatubo) Zambales, Tarlac, Pampanga 4 Muling pumutok noong 1991 na nagdulot sa ikalawang pinakamalaking pagputok ng bulkan sa ika-20 siglo. Sinundan ng mahihinang pagputok noong 1992 at 1993. Tuloy-tuloy na minamanmanan.
Ragang 2,815 9,236 7°42′N 124°30′E / 7.70°N 124.50°E / 7.70; 124.50 (Ragang) Lanao del Sur, Cotabato 7 Ilang beses na pumutok noong 1765 hanggang 1873. Di tiyak kung pumutok noong 1915 at 1916.
Bulkanikong Parang ng San Pablo (San Pablo Volcanic Field) 1,090 3,580 14°07′N 121°18′E / 14.12°N 121.30°E / 14.12; 121.30 (San Pablo Volcanic Field) Laguna, Batangas 0 Ang huling pagputok noong taong 1350 CE +/- 100 taon ay bumuo sa Lawa ng Sampaloc[19]
Smith 688 2,257 19°32′02″N 121°55′01″E / 19.534°N 121.917°E / 19.534; 121.917 (Smith) Cagayan 6 Ilang beses pumutok sa pagitan ng 1652 hanggang 1924. Itinuturing na kasama ito ng Babuyan Claro sa GVP
Taal 311 1,020 14°00′07″N 120°59′35″E / 14.002°N 120.993°E / 14.002; 120.993 (Taal) Batangas 38 Ilang beses nang pumutok mula pa noong 1572 hanggang sa kasalukuyan. Tuloy-tuloy na minamanmanan
Di pa napapangalanang bulkan
(Ibugos)
−24 −79 20°20′N 121°45′E / 20.33°N 121.75°E / 20.33; 121.75 (Unnamed volcano (Ibugos)) Batanes 3 Pumutok sa ilalim ng dagat noong 1773, 1850, at 1854.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/volcano-hazard/volcanoes-of-the-philippines
  2. "Global Volcanism Program | Cabalían". Smithsonian Institution | Global Volcanism Program (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sajona F G, Bellon H, Maury R C, Pubellier M, Cotten J, Rangin C, 1994. Magmatic response to abrupt changes in geodynamic settings: Pliocene-Quaternary calc-alkaline and Nb-enriched lavas from Mindanao, Philippines. Tectonophysics, 237: 47-72.
  4. Daita, Timothy John E. (2020-01-01). "Paleomagnetic determination of pyroclastic density current deposits in Tagongtong and Bagumbayan Grande, Goa, Camarines Sur, Philippines and the identification of Isarog volcano's latest eruption age". Virtual GeoCon.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Volcanoes of the Philippines and Southeast Asia". Global Volcanism Program. Smithsonian Institution. Nakuha noong Agosto 18, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Volcano Data Criteria". Global Volcanism Program. Smithsonian Institution. Nakuha noong Agosto 18, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Eruption History, Ambalatungan Group". Global Volcanism Program. Retrieved on August 18, 2011.
  8. "Banahaw Eruption History". Global Volcanism Program. Retrieved on August 18, 2011.
  9. "Didicas Eruption History". Global Volcanism Program. Retrieved on August 18, 2011.
  10. "Iriga Eruption History" Naka-arkibo 2012-08-19 sa Wayback Machine.. Global Volcanism Program. Retrieved on August 18, 2011.
  11. Smithsonian Institution. "Isarog". Nakuha noong Hunyo 16, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Admin, Bicolmail Web (2022-09-16). "It is official: Mt. Isarog is active". bicolmail (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-10-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Daita, Timothy John E. (2020-01-01). "Paleomagnetic determination of pyroclastic density current deposits in Tagongtong and Bagumbayan Grande, Goa, Camarines Sur, Philippines and the identification of Isarog volcano's latest eruption age". Virtual GeoCon.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Leonard Range Eruption History". Global Volcanism Program. Retrieved on August 18, 2011.
  15. "Makaturing Eruption History" Naka-arkibo 2012-10-13 sa Wayback Machine.. Global Volcanism Program. Retrieved on August 18, 2011.
  16. "Makaturing" Naka-arkibo 2013-03-26 sa Wayback Machine.. Global Volcanism Program. Retrieved on August 18, 2011.
  17. "Matutum". Global Volcanism Program. Retrieved on August 18, 2011.
  18. "Matutum Eruption History". Global Volcanism Program. Retrieved on August 18, 2011.
  19. "San Pablo Volcanic Field Eruption History" Naka-arkibo 2012-10-13 sa Wayback Machine.. Global Volcanism Program. Retrieved on August 18, 2011.