Pumunta sa nilalaman

Mindoro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mindoro
Heograpiya
LokasyonTimog Silangang Asya
ArkipelagoPilipinas
Sukat10,572 km2 (4,081.9 mi kuw)
Ranggo ng sukat74th
Pinakamataas na elebasyon2,582 m (8,471 tal)
Pamamahala
Pilipinas
Demograpiya
Populasyon1,062,000
Densidad ng pop.100.5 /km2 (260.3 /mi kuw)
Baybayin sa Hilagang Mindoro.

Ang Mindoro ay ang ikapitong pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Matatagpuan sa timog-kanlurang Luzon at hilaga-silangan ng Palawan. Noong mga nakaraang panahon, tinatawag itong Ma-I o Mait ng mga lumang mangangalakal na Intsik at, ng mga Espanyol bilang Mina de Oro (nangangahulugang "minahang ginto") na kung saan nagmula ang kasalukuyang pangalan. Nahati ang kasalukuyang pulo sa dalawang lalawigan, ang Occidental Mindoro at Oriental Mindoro, noong 1950. Bago pa nang panahong iyon, simula noong 1921, isang lalawigan lamang ang pulo.

Ang Oriental Mindoro (Filipino: Silangang Mindoro; Kastila: Mindoro Oriental) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong MIMAROPA sa Luzon. Ang Lungsod ng Calapan ang kabisera nito at sinasakop ang silangang kalahati ng pulo ng Mindoro; Occidental Mindoro ang nasa kanlurang kalahati. Sa silangan ng lalawigan naroon ang Dagat Sibuyan at Romblon. Sa hilaga ang Batangas sa ibayo ng Daanan ng Pulo ng Verde. Ang mga Pulo ng Semirara ng Antique ang nasa timog nito.

Kilala ang Oriental Mindoro sa mga turista sa Puerto Galera. Ilang oras lamang ang munisipalidad na ito mula sa Maynila, at pinagmamalaki ang puting baybay-dagat at mga sinisisid na lugar. Para sa mga mahilig mamundok, nariyan ang Bundok Halcon.

Ang Calapan City ang Pinakasentro ng pag-unlad sa Oriental Mindoro. Sa kasalukuyan(Oktubre, 2018), Ito ay merong limang malalaking mall, Ang Robinsons mall, ang Unitop, ang Nuciti Mall, ang Gaizano at Puregold. Meron din itong Citimart, at seven eleven. Inaasahan bago matapos ang 2018 ay mabubuksan ang City mall na nasa libis, Ilaya. Merong tatlong branches ang Jollibee, dalawa naman ang chowking at Inasal sa Calapan city, ang unang Jollibee at Chowking branch ay nasa bayan Ng Calapan, ang ikalawang Jolillibe at Chowking branch at unang branch ng inasal ay nasa San Vicente malapit sa Jose J. Leido o Oriental Mindoro National High School (OMNHS) at ang ikatlong Jollibee branch at ikalawang branch ng Inasal ay nasa Sto. Nino, Calapan sa Robinson's mall. Meron ding Jollibee, Inasal at chowking branch sa bagong City mall na nagbukas noong November 2018. Ang McDonald, Shakeys at Max at may tig-iisang branch sa Calapan. Samantala nito lang Enero 2019 ay tinatapos ang bahong Branch ng McDonald sa tapat ng Calsedico sa Lumang bayan Calapan. Marami din mga sikat na hotel at kainan sa Calapan, ilan dito ay ang hotel Mayi, ang Filipiniana, ang Wil's diner, Ricardos , Andoks at ang Peaches and cream. Kailan lamang nItong DisyemBre 2018 ay binuksan ang isang napakagandang convention center ang MAHALTA, Parang Calapan. Marami din mga paaralan sa Calapan, nariyan ang MinSCAT, ang pinakamalaki, pinakamaganda at pinakasikat na paaralan sa Oriental Mindoro na may Tatlong malalaking sangay, ang isa ay sa Bongabon, ang isa ay sa Calapan ang ang pinakamain campus na matatagpuan sa Victoria. Nariyan din ang DWCC ang matandang school ng mga pari, Ang CLCC, Ang City College, ang Saint Anthony at Luna Colleges na pawang nag-ooffer ng kursong pang-kolehiyo. Matatagpuan din ang maraming office na pampubliko sa Calapan tulad ng ORMAES, DA, DENR, GSIS, NFA, Philippine Coconut Authority,ATI ,DAR at iba pa kung saan sa Mindoro na inilipat ang centro ng mga regional offices . Nariyan din ang mga pribadong kompanya tulad ng Coca Cola,Magnolia, Toyota, Yamaha at ibat-ibang kompanya ng sasakyan, MAHALTA, Shell, at ibat-ibang kompanyang nagbibili ng gasolina. Makikita ang mga nagtatayugan gusaling pang commercial sa Calapan City at sa mga kalapit lugar nito. Nariyan din ang ibat-ibang beaches at libangan sa Calapan. Meron ding pasugalan ng PCSO dito na sya naman naging sanhi ng paghihirap ng mga sugalirong Mindorenyo, ang isa ay nasa Unitop, ang isa ay nasa Robinson, and, isa ay nasa Gaizano at ang isa ay nasa Nuciti mall.


Tao at kultura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa lalawigan ito nagmula ang dating pangalawang pangulo ng Pilipinas at mamahayag ng ABS-CBN na si Noli de Castro. Galing siya sa bayan ng Pola.

Inaasahan ng Oriental Mindoro ang turismo, at nag-aani ng mga prutas para kumita.

Mapang pampolitika ng Oriental Mindoro

Nahahati ang Oriental Mindoro sa 14 na mga bayan at 1 lungsod.

Lalawigan ng Oriental Mindoro
Lalawigan
Sagisag
Mga koordinado: 13°00′N 121°25′EMga koordinado: 13°00′N 121°25′E
Bansa Pilipinas
Rehiyon MIMAROPA (Region IV-B)
Kabisera Lungsod ng Calapan
Dibisyon Oriental MindoroLungsod (mataas na urbanisado)—0,

Oriental MindoroLungsod (bahagi)—1, Oriental MindoroBayan—14,

Oriental MindoroBarangay—426

Pamahalaan
• Gobernador Alfonso V. Umali, Jr
Lawak(ika-30 pinakamalaki)
• Kabuuan 4,238.38 km2 (1,636.45 sq mi)
sa populasyon, sa densidad
Wika Tagalog, Mangyan


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.