Pumunta sa nilalaman

Majayjay: Pagkakaiba sa mga binago

No edit summary
==Kasaysayan==
 
Ayon sa matandang kasaysayan ang pangalang "Malay Barangay" ay napalitan ng pangalang Maybahay o "Majayjay" nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa.. Ang mga nagtutungo sa Majayjay ay inilululan sa duyan o hamaka dahil sa lubhang matataas ang inaahong mga bundok na kinalalagyan ng lugar na iyon. Dahil nga sa mahabang pag-ahon at mabigat ang kanilang dala ang mga naglalakbay ay nagpapatuloy sa pagtaghoy ng hay, hay, hay, na nag-papakilalang sia ay hirap na hirap sa kanilang paglakad.
 
Nang ang mga Kastila ay kasalukuyang nagpapalaganap ng pananakop sa bayan ng Majayjay, sila'y hindi lamang sa inaahong mga bundok nahihirapan kundi gayon din sa madawas at maliit na tinatawid. Dahil nga sa hirap na kanilang dinaranas ay napipilitan silang magpahinga at inaalis ang pagod sa paghinga ng malalim at pagtaghoy ng "hay, hay, hay".