Pumunta sa nilalaman

Liliw

Mga koordinado: 14°07′48″N 121°26′10″E / 14.13°N 121.436°E / 14.13; 121.436
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Liliw

Bayan ng Liliw
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Liliw.
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Liliw.
Map
Liliw is located in Pilipinas
Liliw
Liliw
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°07′48″N 121°26′10″E / 14.13°N 121.436°E / 14.13; 121.436
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganLaguna
DistritoPangatlong Distrito ng Laguna
Mga barangay33 (alamin)
Pagkatatag29 Agosto 1571
Pamahalaan
 • Manghalalal25,875 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan39.10 km2 (15.10 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan39,491
 • Kapal1,000/km2 (2,600/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
10,706
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-4 na klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan6.91% (2021)[2]
 • Kita(2022)
 • Aset(2022)
 • Pananagutan(2022)
 • Paggasta(2022)
Kodigong Pangsulat
4004
PSGC
043410000
Kodigong pantawag49
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytliliwlaguna.gov.ph

Ang Bayan ng Liliw ay Ika-apat na klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Isa sa mga matataas na bayan ang Liliw na bumubuo sa katimugang bahagi ng lalawigan. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 39,491 sa may 10,706 na kabahayan. Tinatayang nasa 8,317 ng populasyon ay nakatira sa poblasyon o sentro ng bayan habang ang 24,410 ng populasyon ay nasa mga kalapit na barangay.

May kabuuang sukat na 88.5 milya parisukat ang bayan. Naghahanggan ito sa Sta. Cruz sa hilagang-kanluran; ng Magdalena sa hilagang-silangan; ng Majayjay sa silangan; Nagcarlan sa kanluran at ng Dolores, Quezon sa timog.

Ang kabuuang sukat ng kalupaan ay umaabot sa 5,680.65 ektarya at ito ay nahahati sa 33 barangay. Ang kabuuang sukat ng barangay sa senro ng bayan o poblasyon ay 23.32 ektarya kung saan ang natitirang ibang bahagi ng lupa sa timog at hilaga ay nakalaan sa agrikultura at pananim. Ito ay nakaposisyon sa paanan ng bundok na mayroon taas na 1,200 piye mula sa pantay-laot.

Sikat ang Liliw sa mga malalamig na tubig bukal, katutubong matatamis na gawang-bahay at sumisikat / dinadayo na industriya ng sapatos.

Ang Munisipalidad ng Liliw ay nakakaranas ng 2 uri ng panahon: Tagulan at Taginit. Ang Tag-init ay naguumpisa sa buwan ng pebrero at natatapos sa buwan ng hunyo. Ang Tagulan naman ay naguumpisa sa buwan ng Hulyo hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Ayon sa mga kuwento, nagmula sa isang ibon ang pangalan ng Liliw. Sinasabi na nagtayo noon ng kawayan si Gat Tayaw at ang kanyang mga taga-sunod para pangalanan ang bayan kapag may ibong tumuntong sa ibabaw ng kawayan sa loob ng apat na araw. Ngunit isang uwak ang unang tumuntong sa kawayan. Pinaniniwalan noon nila Gat Tayaw na ang uwak ay masama kaya nagtayo muli sila ng kawayan. Isang magandang ibon ang tumuntong sa kawayan at umawit, "Liw, Liw. Liw". Doon nagmula ang pangalan ng Liliw.

Sa buong panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang pangalang Liliw ang ginamit. Ngunit nang dumating ang mga Amerikano, naging Lilio ito dahil mas madali itong bigkasin ng mga Amerikano kaysa sa Liliw. Subalit, noong 11 Hunyo 1965, inihayag ng konseho munisipal ng sa pamamagitan ng Resolusyon Bilang 38-5-65 na nagsasabi na ang opisyal na pangalan ng bayan ay Liliw. Ito ay ipinasa upang hindi magdulot ng kalituhan sa pagbigkas at pagbaybay sa pangalan ng bayan.

Harapan ng Simbahan ng Liliw.
Mga tsinelas ng Liliw.

Uri ng Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang karaniwang uri ng transportasyon sa Liliw ay Dyip, Tricycle at Pribadong sasakyan. Ang Liliw ay madaling mararating gamit ang pampublikong sasakyan o dyip na me ruta o regular na biyahe mula sa Sta.Cruz o kya ay mula sa San Pablo City.

Kilala ang Liliw sa simbahan ng istilong baroque na ang façade ay gawa sa kapansin-pansin na pulang brick. Kilala bilang simbahan ng San Juan Bautista, ang unang simbahan nito ay itinayo sa kahoy noong 1620. Ang mas malakas na simbahan na bato ay itinayo mula 1643 hanggang 1646. Ang kasalukuyang patio ng simbahan ay binuo upang itaguyod ang mga katuruang Katoliko. Nakatayo sa harap ng simbahan ang maraming matataas na estatwa ng iba`t ibang mga santo na mga parokyano ng bawat isa sa mga barangay (nayon) ng bayan.

Nakatayo sa tabi ng municipal hall ang rebulto ni Gat Tayaw. Sa mga lansangan ng Gat Tayaw at P. Burgos ay nakatayo pa rin ang mga nuno ng mga ninuno ng marami sa mga kilalang pamilya ng Liliw na yumaman sa oras ng Amerikano mula sa mga produktong agrikultura tulad ng kopra, lanzones, saging, at gulay tulad ng kamatis at mustasa.

Ang Liliw ay mayroon ding maraming mga likas na atraksyon tulad ng Kilangin Falls at mga colds spring ng Batis ng Liliw at Liliw Resort.

Ngunit ang pangunahing akit ng bayan ay ang lumalaking industriya ng kasuotan sa paa. Nagsimula ito noong 1931 nang maging interesado si Casiano Pisuena na gumawa ng tsinelas. Ang kanyang unang prototype ay gawa sa coconut husk at goma mula sa interior ng gulong. Hindi nagtagal ay naging matagumpay siya at maraming mga residente ng Liliw ang sumunod dito. Sa kasalukuyan ay may halos 50 mga tindahan na nagbebenta ng kasuotan sa paa sa Liliw. Ang mga regular na tsinelas ay pa rin ang pinakatanyag, ngunit maraming mga tindahan ngayon ang nagbebenta ng sapatos, mga hanbag at iba pang mga kalakal na gawa sa katad. Karamihan sa mga tindahan ay nagdadala pa rin ng three-for-P100 na tsinelas. Ang taunang Tsinelas Festival ay ipinagdiriwang tuwing katapusan ng Abril.

Uri ng Komunikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Komunikasyon / Telekomunikasyon ay hindi rin problema sa Liliw. Ang Post Office o Opisina Postal ay nasa mismong bayan sa tabi ng Munisipyo ng Liliw. Ang Philippines Long Distance Telephone Company ay nagbibigay rin ng pasilidad sa komunikasyon gamit ang mga linya ng telepono. Ang malalaking kompanya ng telekomunikasyon gaya ng Globe at Smart ay mayroon din cell site na nagbibigay ng signal para sa komunikasyon gamit ang cell phones sa pagtawag at pagteteks. Lahat ng uri ng malalaking pahayagan o dyaryo ay nabibili sa bayan. Ang mga taga liliw ay nakaka-konek sa Internet gamit ang mga serbisyong ibinibigay ng PLDT at Smart Broadband. Ang Cable Television naman ay bukas din sa serbisyo para mula sa Community Cable Television.

Ang bayan ng Liliw ay nahahati 33 barangay.

  • Bagong Anyo (Pob.)
  • Bayate
  • Bubukal
  • Bongkol
  • Cabuyao
  • Calumpang
  • Culoy
  • Dagatan
  • Daniw (Danliw)
  • Dita
  • Ibabang Palina
  • Ibabang San Roque
  • Ibabang Sungi
  • Ibabang Taykin
  • Ilayang Palina
  • Ilayang San Roque
  • Ilayang Sungi
  • Ilayang Taykin
  • Kanlurang Bukal
  • Laguan
  • Rizal (Pob.)
  • Luquin
  • Malabo-Kalantukan
  • Masikap (Pob.)
  • Maslun (Pob.)
  • Mojon
  • Novaliches
  • Oples
  • Pag-Asa (Pob.)
  • Palayan
  • San Isidro
  • Silangang Bukal
  • Tuy-Baanan
Senso ng populasyon ng
Liliw
TaonPop.±% p.a.
1903 4,669—    
1918 6,306+2.02%
1939 7,588+0.89%
1948 7,977+0.56%
1960 11,064+2.76%
1970 14,638+2.84%
1975 15,907+1.68%
1980 17,436+1.85%
1990 21,911+2.31%
1995 24,434+2.06%
2000 27,537+2.60%
2007 32,727+2.41%
2010 33,851+1.24%
2015 36,582+1.49%
2020 39,491+1.52%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Sa senso noong 2015, ang populasyon ng Liliw ay 36,582 katao, [4] na may density na 940 na mga naninirahan kada kilometro kwadrado o 2,400 na mga naninirahan sa bawat square mile.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Laguna". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Laguna". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]