Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Bato (heolohiya)"

Jump to navigation Jump to search
m
Dagdag na sanggunian, larawan.
m (Batong ignea. Wala pang sanggunian - lalagyan pa lang. Di pa tapos.)
m (Dagdag na sanggunian, larawan.)
 
== Pagpapangkat ==
[[Talaksan:DirkvdM rocks.jpg|thumb|Hilera ng mga batong bahagi ng nakalitaw na ''bedrock'' (''outcrop'') sa isang sapa sa bundok sa [[Costa Rica]].]]
Binubuo ang mga bato ng mineral, mga solidong nahahalo (''homogeneous solids'') na nabubuo mula sa isang [[Kompuwesto|kompuwestong kemikal]] at maayos na nakaayos.<ref>{{cite book|last1=Cipriani|first1=Nicola|title=The encyclopedia of rocks and minerals|date=1996|publisher=Barnes & Noble|location=New York|isbn=978-0-7607-0291-8|trans-title=Ang ensiklopedya ng mga bato at mineral|language=en}}</ref> Nagsasama ang mga aridong mineral (''aggregate mineral'') na bumubuo sa bato dahil sa [[Kawing na kimikal|pagkapit kemikal]] (''chemical bond''). Ang kasaganahan at uri ng mga mineral sa isang bato ay base sa kung papaano ito nabuo.
 
Naglalaman ang karamihan ng mga bato ng mga silikatong mineral (''silicate minerals''), mga kompuwestong naglalaman ng mga tetrahedrang oksidong silikon (''silicon oxide tetrahedra'') sa redes (''lattice'') ng [[kristal]] nila. Tinatayang ganito ang laman ng 95% ng balat ng mundo at sangkatlo (''one-third'') ng lahat ng mga natukoy na uri ng mineral.<ref>{{cite book|last1=Heinen|publisher=Elsevier|trans-title=Biyoheokemikal na Pagsiklo ng mga Elementong nakakagawa ng mineral|trans-chapter=Mga aspetong pang-ebolusyon ng Biolohikal na Pagkakasangkot sa Pagsiklo ng Silika|chapter=Evolutionary Aspects of Biological Involvement in the Cycling of Silica|chapter-url=https://books.google.com/books?id=uqm3-V7Xr-cC&pg=PA431|page=431|isbn=9780080874623|location=Amsterdam|date=1979|first1=Wouter|title=Biogeochemical Cycling of Mineral-Forming Elements|editor2-first=D.J.|editor2-last=Swaine|editor1-first=P.A.|editor1-last=Trudinger|first2=John H.|last2=Oehler|language=en}}</ref> Malaki ang pakinabang ng proporsyon ng silika sa bato at mineral para sa pagpapangalan at pagtukoy sa katangian ng mga ito.<ref name="Wilson1995">{{Citation|last1=Wilson|first1=James Robert|title=A collector's guide to rock, mineral & fossil localities of Utah|publisher=Utah Geological Survey|pages=1–22|date=1995|isbn=978-1-55791-336-4|url=https://books.google.com/books?id=t-XvE8DTiW0C&pg=PA1|postscript=.|url-status=live|archiveurl=https://web.archive.org/web/20161119224626/https://books.google.com/books?id=t-XvE8DTiW0C&pg=PA1|archivedate=Nobyembre 19, 2016|trans-title=Isang gabay sa kolektor patungkol sa mga lokalidad ng bato, mineral, at bakasbuto ng Utah|language=en}}</ref>
 
Pinapangkat-pangkat ang mga bato ayon sa mga katangian tulad ng komposisyong kemikal at mineral nito, paghigop sa tubig o permabilidad (''permeability''), ang pagkakayari ng laman nitong butil (''particle''), at ang laki ng mga butil. Resulta ng mga prosesong nagbuo sa bato ang mga katangiang pisikal na ito. Sa paglipas ng panahon, maaaring magbagong-anyo ang mga bato mula sa isang uri papunta sa iba pa. Ang prosesong ito ay inilalarawan ng modelong heolohikal na siklo ng bato (''rock cycle''). Dahil rito, naipangkat sa tatlong pangkalahatang uri ang mga bato: ignea o pinalamig, metamorpiko o nagbago, at sedimentaryo o latak.
 
=== Batong ignea ===
[[Talaksan:GabbroRockCreek1.jpg|alt=Isang batong gabro (gabbro).|thumb|Isang batong gabro (''gabbro'').]]
Ang mga '''batong ignea''' ([[Wikang Ingles|Ingles]]: ''igneous rocks'', hiniram mula sa salitang [[Wikang Kastila|Espanyol]] na ''ígnea'', na mula naman sa [[Wikang Latin|Latin]] na ''igneus'' mula ''ignis'' "apoy"), maaaring isalin sa [[Wikang Filipino|Filipino]] bilang ''pinalamig'', ay mga batong nabubuo mula sa pagpapalamig at pagsosolido ng [[magma]] o lava. Maaaring manggaling ang magmang ito mula sa mga bahagyang natunaw na batong nasa loob ng manto (''mantle'') o balat ng isang planeta. Kadalasang natutunaw ang mga batong ito dahil sa isa o higit pang mga sumusunod na proseso: pagtaas sa temperatura, pagbaba ng presyur, o di kaya'y pagbabago sa komposisyon.
 
 
* Ang mga batong '''plutoniko''' o pinasukan (Ingles: ''plutonic'' o ''intrusive'') ay resulta ng paglamig ng magma at nagkristal (''crystallize'') nang dahan-dahan sa balat ng mundo. Ang pangkaraniwang halimbawa nito ay ang granito (''granite'').
* Ang mga batong '''bulkaniko''' o pinalabas (Ingles: ''volcanic'' o ''extrusive'') ay resulta naman ng pag-angat ng magma mula sa manto papunta sa balat (o sa madaling salita, tuwing pagputok ng [[bulkan]]) bilang isang lava o di kaya'y mga binatong pira-piraso (''fragmental ejecta''). Ang mga batong pumita (''pumice'') at [[basalto]] (''basalt'').<ref name="Blatt">{{cite book|last1=Blatt|first1=Harvey|first2=Robert J.|last2=Tracy|date=1996|title=Petrology|location=|publisher=W.H. Freeman|edition=2|isbn=978-0-7167-2438-4|trans-title=Petrolohiya|language=en}}</ref>
 
Karaniwang gumagawa ng isang ayos ang kasaganahang kemikal at ang bilis ng paglamig ng magma, na tinatawag na serye ng reaksyon ni Bowen (''Bowen's reaction series'').<ref name="Wilson1995" /> Makikita sa iskalang ito ang karamihan sa mga batong ignea.<ref name="Wilson1995" />
 
Tinatayang 65% ng balat ng mundo base sa espasyong sinasakop (''volume'') ay batong ignea, na nagpapatunay sa kasaganahan nito. Sa bahagdang ito, 66% ang basalto at gabro (Ingles: ''gabbro''), samantalang 16% naman ang granito at 17% ang granodiorita at diorita. Tanging 0.6% lamang ang syenita (''syenite'') at 0.3% naman ang mga batong ultramapika (''ultramafic''). 99% ng balat karagatan (''oceanic crust'') ang basalto, isang batong ignea na may komposisyong mapika (mayaman sa magnesiyo [''magnesium''] at bakal [''iron'']). Sa kabilang banda naman, dinodomina naman ng mga batong granito at katulad na mga batong kilala sa tawag na malagranito (''granitoids'') ang balat kontinental (''continental crust'').<ref name="condie">{{cite book|last1=Condie|first1=Kent C.|title=Plate Tectonics & Crustal Evolution|date=2015|publisher=Pergamon|location=New York|edition=2nd|isbn=9781483100142|page=68|url=https://books.google.com/books?id=lO7fBAAAQBAJ&pg=PA68|trans-title=Mga Tektoniko ng Plato & Ebolusyon ng Kabalatan|language=en}}</ref>
 
== Mga sanggunian ==
2,435

edit

Nav menu