Surah Ad-Duha
الضحى Aḍ-Ḍuḥā | |
---|---|
Klasipikasyon | Makkan |
Ibang pangalan | Morning Bright, The Early Hours, The Forenoon, The Bright Morning Hours, Daylight |
Posisyon | Juzʼ 30 |
Blg. ng talata | 11 |
Blg. ng zalita | 40 |
Blg. ng titik | 165 |
Ang Sūrat al-Ḍuḥā (Arabiko: الضحى, Ang Umaga) ang ika-93 sura ng Koran na may 11 ayat. Ang pamagat ay hinango sa Ad-Duha na unang salita nito.
Mga bersikulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Sumumpa ang Allâh sa pamamagitan ng Dhuhâ,
2. At sa gabi kapag tumahimik na ito para sa mga nilikha at tumindi na ang kadiliman nito.
3. Sumusumpa ang Allâh sa anuman na Kanyang nais sa Kanyang mga nilikha subali’t ang sinumang nilikha ay hindi maaaring sumumpa sa iba bukod sa Allâh na Tagapaglikha, dahil ang panunumpa bukod sa Allâh ay isang uri ng ‘Shirk’ – pagtatambal sa pagsamba sa Allâh o pagsamba ng iba bukod sa Allâh. Hindi ka pinabayaan ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, O Muhammad, at hindi ka Niya kinapootan sa pagpapabagal ng pagdating sa iyo ng Rebelasyon (‘Wahi).
4. At ang Kabilang-Buhay ay mas makakabuti sa iyo, kaysa buhay sa daigdig,
5. At walang pag-aalinlangan, ipagkakaloob ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, sa iyo, O Muhammad, ang masaganang biyaya sa Kabilang-Buhay, na ikaw ay masisiyahan nang lubusan.
6. Hindi ba nasumpungan (natagpuan) ka noon na ulila at inalagaan ka at kinalinga,
7. At natagpuan ka na di-maalam sa kasulatan at tamang paniniwala subali’t itinuro sa iyo ang anuman na hindi mo alam, at ginabayan ka sa pinakamabuting gawa?
8. At natagpuan ka na mahirap, at ipinagkaloob sa iyo ang iyong kabuhayan, at pinayaman ka sa pamamagitan ng pagiging panatag sa kalooban at mapagtiis?
9. Na kung kaya, huwag mong pakikitunghan nang masama ang ulila, at huwag mong ipagtabuyan ang sinumang nagmamalimos, bagkus ay pakanin mo,
10. At ibigay mo ang kanilang pangangailangan,
11. At ang ipahayag mo ang anumang ipinagkaloob sa iyo na Biyaya (pagka-Propeta at iba pang mga Biyaya), ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha.