Surah Al-Insyirah
Itsura
(Idinirekta mula sa Quran 94)
الإنشراح Al-Inshirāḥ | |
---|---|
Klasipikasyon | Makkan] |
Alternatibong pamagat (Ar.) | Sūrat al-Sharḥ (سورة الشرح) |
Ibang pangalan | Comfort, Consolation, Relief, The Expansion, The Expanding, The Opening-Up of the Heart |
Posisyon | Juzʼ 30 |
Blg. ng talata | 8 |
Blg. ng zalita | 27 |
Ang Sūrat al-Sharḥ (Arabiko: سورة الشرح, Ang Kaginhawaan) ang ika-94 sura ng Koran na naglalaman ng 8 ayat. Ito ay isang Meccan sura. Ito ay pinagpapalagay na tumutukoy sa mga maagang panahon ng pagkapropeta ni Muhammad nang siya ay hindi tiyak kung matatanggap siya ng mga kababayan niya.
Mga bersikulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
- Hindi ba Namin binuksan ang iyong kalooban, O Muhammad,
- Sa liwanag ng Islâm pagkatapos ng kasikipan nito,
- At inialis Namin sa iyo ang mabigat na pasanin (pananagutan) na nakaatang sa iyong likuran,
- At ginawa ka Namin – sa pamamagitan ng pagkakaloob Namin sa iyo ng mga parangal – na nasa mataas na antas?
- Na kung kaya, huwag kang magpapigil sa pagpapalaganap mo ng mensahe dahil sa panggugulo ng iyong mga kalaban; dahil walang pag-aalinlangan na sa bawa’t kahirapan ay may kasama itong kaginhawahan,
- Na katiyakang sa bawa’t kahirapan ay may kasama itong kaginhawaan.
- Na kung kaya, kapag natapos ka na sa pagiging abala mo sa makamundong gawain ay magpunyagi ka sa pagsamba sa Allâh,
- At tungo sa Kanya na iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha na Bukod-Tangi ay hangarin mo ang anumang nagmumula sa Kanya na biyaya.