Pumunta sa nilalaman

Republika ng Zamboanga

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
La Independiente República de Zamboanga
República de Zamboanga
1899–1903
Watawat ng Zamboanga
Watawat
KatayuanDi-kinilalang estado
KabiseraZamboanga
Karaniwang wikaChavacano Zamboangueño, Espanyol, Arabe, Tausug, Badjaw, Yakan, Bisaya, Banguingui, Maranao, Iranun, Maguindanao, Manobo at Malay
PamahalaanRepublika
PanahonDigmaang Pilipino-Amerikano
• Naitatag
Mayo 18 1899
• Binuwag
Marso 1903
Pinalitan
Pumalit
Silangang Indiyas ng Espanya
Lalawigang Moro
Bahagi ngayon ngCotabato, Sulu, Tawi-Tawi, Basilan, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, South Cotabato, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Maguindanao, Saranggani, Lanao del Norte, Lanao del Sur at Davao.

Ang Republika ng Zamboanga (República de Zamboanga), na higit na tanyag na kilala bilang Nagsasariling Republika ng Zamboanga (La Independiente República de Zamboanga sa mga wikang Tsabakano at Espanyol), ay isang republikang rebolusyonaryo na umiral sa maikling panahon na itinatag pagkatapos ng pagbagsak ng pamumuno ng mga Espanyol sa Zamboanga noong 1899.[1]

Noong ika-28 ng Pebrero 1899, sa isang tahanan sa Sta. Maria, isinaayos ang isang pamahalaang pang-rebolusyonaryo at si Heneral Vicente Alvarez ang inihalal bilang pangulong probisyonal at punong komandante, at nagbalak na kunin ang Real Fuerza de Nuestra Señora La Virgen del Pilar de Zaragoza[2] na kahuli-huling hawak ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Pagtatapos ng Pamumunong Espanyol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pormal na itinatag ang republika noong ika-18 ng Mayo 1899, kasabay ng pagsuko ng Puwerte Pilar sa Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Zamboanga sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Alvarez. Noong Mayo 23, 1899, tuluyan nang nilisan ng mga Espanyol ang Zamboanga, pagkatapos ng pagsunog ng karamihan ng mga gusali sa lungsod bilang pagdusta ng pag-aalsa ng mga taga-Zamboanga laban sa kanila.[3]

Pamamahala ng mga Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napaikli ang termino ni Heneral Alvarez nang makipag-tulungan komandante ng Tetuan, na si Isidro Midel, sa mga Amerikano kapalit ng kanyang pagka-pangulo. Iniutos din niya ang asesinato ni Major Melanio Calixto, ang kumukilos na komandante ng Zamboanga, dahil nagtungo si Alvarez sa Basilan upang maghanap pa ng mga bagong kasapi. Noong Nobyembre 16, 1899, ibinandera ni Midel ang puting watawat sa Puwerte Pilar upang magbigay-tanda sa mga mananakop na puwersang Amerikano na pasukin ang muog na siyang naging sanhi ng pagpapatalsik ng pamahalaan ni Alvarez. Napilitan si Alvarez at ang kanyang mga kakampi na lumisan papunta sa kalapit-bayan ng Mercedes at saka sa pulo ng Basilan at doon nagtago.[4]:532 Noong Disyembre 1899, dumating si Kapitan Pratt ng ika-23 ng Impanteriyang Amerikano sa Zamboanga at nagsagawa ng pag-kontrol sa Puwerte Pilar.[5] Pagkatapos noon, naging protektorado ng Estados Unidos ang nagsisimula pa lang na republika, at pinayagan si Midel na magpatuloy pa bilang pangulo ng halos 16 pang buwan.

Pagbaba at kinalabasan ng republika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Marso 1901, pinayagan ng mga Amerikano ang republika na magsagawa ng halalan, at si Mariano Arquiza ang nahalal bilang bagong pangulo ng Republika ng Zamboanga.[4]:533 Subalit hindi nagkaroon ng epektibong awtoridad sa Zamboanga ang pamahalaan ni Arquiza hanggang sa noong Marso 1903, tuluyan nang nabuwag ang Republika ng Zamboanga.[6] Pagkatapos, itinalaga ng pamahalaang kolonyal na Amerikano ang Zamboanga bilang kabisera ng bagong itinatag na Lalawigang Moro na nagsilbi bilang panglalawigang entidad ng Mindanao, at ang Heneral ng Brigada na si Leonard Wood ang itinalagang gobernador.

Pamana (Legacy)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Republika ng Zamboanga, noong termino ni Pangulong Alvarez, ay nagkaroon ng pag-angking pangteritoryo sa mga kapuluan sa Mindanao, Basilan at Sulu, na pumapalibot sa buong katimugan ng Pilipinas sa kabila ng umiiral na digmaan ng mga Espanyol, Amerikano, at mga katutubo ng mga nabanggit na pulo. Ganoon pa man, umabot lang ang aktwal na soberaniya ng Zamboanga sa kasalukuyang mga hangganan ng lungsod ng Zamboanga.

  1. Malcampo, Hermenegildo (2006). Historia de Zamboanga.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The former name of Fort Pilar.
  3. Zamboanga City History
  4. 4.0 4.1 Foreman, J., 1906, The Philippine Islands, A Political, Geographical, Ethnographical, Social and Commercial History of the Philippine Archipelago, New York: Charles Scribner's Sons
  5. History of the 23rd U.S. Infantry
  6. "History of The Republic of Zamboanga (May 1899 – March 1903)". Zamboanga City, Philippines: Zamboanga (zamboanga.com). Hulyo 18, 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 2, 2010. Nakuha noong Agosto 13, 2010. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.