Pumunta sa nilalaman

Salabat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Salabat
UriTsaang yerba

Ibang pangalan
  • Saenggang-cha
  • shōga-yu
  • teh halia
  • teh jahe
PinagmulanAsya

Maikling paglalarawanTsaang gawa sa luya

Temperatura100 °C (212 °F)
OrasIba-iba
Mga rehiyonal na pangalan
Pangalang Tsino
Tradisyunal na Tsino薑母茶
Pinapayak na Tsino姜母茶
Kahulugang literaltsaang inang-luya (matandang luya)
Pangalang Koreano
Hangul생강차
Hanja生薑茶
Kahulugang literaltsaang luya
Pangalang Hapones
Kanji生姜湯
Kanaしょうがゆ
Pangalang Malay
Malayteh halia
Pangalang Indones
Indonesteh jahe

Ang salabat ay isang uri ng tsaang yerba na gawa sa luya. May mahaba itong kasaysayan bilang tradisyonal na medisinang yerba sa Silangang Asya, Timog Asya, Timog-silangang Asya, at Kanlurang Asya.[1]

Mga rehiyonal na baryasyon at gawi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maaaring inumin ang salabat nang walang dinagdagan, o haluan ng mga pampalasa katulad ng gatas, mga hiwa ng kahel, o limon.[2][3]

Silangang Asya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong dinastiyang Tang, nilagyan ng pampalasa ang tsaa upang mangotra ang pait na lasa. Nagustuhan ng mga umiinom ng tsaa ng luya, pati na rin sibuyas, balat ng kahel, kloba, at malipukon.[4]

Sa Korea, saenggang-cha (생강차; 生薑茶, sɛ̝ŋ.ɡaŋ.tɕʰa) ang tawag sa salabat. Maaari itong ihanda sa pagpapakulo ng sariwang hiwa ng luya sa tubig o paghahalo ng katas ng luya sa mainit na tubig.[5] Maaaring ring haluin ang saenggang-cheong, hiniwang luya na pinreserba sa pulot-pukyutan, sa mainit na tubig para gumawa ng tsaang luya.[6] Sa ngayon, marami na ring mga pinulbos na bersiyon para sa nagmamadali.[7] Kapag inihahain, karaniwang pinapalamutian ang tsaa ng mga mansanitas at pinyon.[8] Kapag ginagamit ang sariwang luya, maaaring patamisin ang tsaa ng pulot-pukyutan, asukal, o iba pang pampatamis ayon sa gusto.[5] Paminsan-minsan, pinapakuluan ang bawang, mansanitas, at peras kasama ng luya.[5]

Timog-silangang Asya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Brunay, Malasya, Singapura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa lutuing Brunay, Malasyo at Singapurense, teh halia ang karaniwang tawag sa salabat.[9] Hindi ito purong tsaang luya, dahil isa itong timpla ng matapang at pinatamis na tsaang itim, luya, asukal na may gatas o kondensada.

Sa Indonesya, tinatawag itong teh jahe. Sa Java, mas sikat ang wedang jahe, isang lokal na bersiyon ng salabat na pinasarap ng asukal sa palma at mga espesya.[10]

Ang wedang Jahe ay isang uri ng salabat sa Indonesya.[10] "Mainit na inumin" ang ibig sabihin ng wedang sa wikang Habanes habang "luya" ang ibig sabihin ng jahe. Kahit wala itong kapeina, malimit itong inihahain at tinatamasa bilang tsaang nakapagpapalakas. Gawa ito sa risoma ng luya, karaniwang sariwa at hiniwa nang manipis, at asukal sa palma o butil-butil na asukal sa tubo, madalas dinaragdagan ng mga mababangong dahon ng pandan. Maaaring palitan ang asukal sa palma ng pulang asukal o pulot-pukyutan. Kinaugaliang ilahok ng mga tao ang mga espesya kagaya ng tanglad, klabo, at kanela.[10]

Sa Pilipinas, tinatawag itong salabat. Tradisyonal itong gawa sa luya na binalatan at hiniwa o dinurog na pinakuluan ng ilang minuto sa tubig. Tinitimplahan ito ng asukal, pulot-pukyutan, at kalamansi, pati mga iba pang sahog ayon sa gusto.[11][12][13] Sa mga modernong bersiyon, maaari ring gamitin ang pinulbos na luya (agarang salabat) na idinaragdag sa mainit na tubig.[14] Mas gusto ang mga katutubong uri ng luya (na maliit at mahibla), dahil ang mga ito ay itinuturing na mas masangsang kaysa sa mga inaangkat na baryante.[15]

Madalas inihahain ang salabat sa medyo malamig na buwan ng Disyembre.[16] Kasama ng inuming tsokolate, pinapares ito sa mga iba't ibang kakanin kagaya ng bibingka o puto bumbong. Ibinebenta ang salabat ng mga nagtitinda sa kalye sa madaling araw tuwing Simbang Gabi ng kapanahunang Pasko.[17][18][19]

Iniinom ng marami ang salabat bilang panlunas sa lalamunan kapag may ubo, pamamaga ng lalamunan, at sipon.[20] Pinaniniwalaan ng marami na ang pag-iinom ng salabat ay nakatutulong sa boses ng mga mang-aawit.[21][12][13][22]

May isang baryante ng salabat na gumagamit ng luyang-dilaw na tinatawag na dulaw, duwaw, o duyaw sa Kabisayaan at Mindanao; at tsaang dilaw sa Filipino.[23]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Ginger (Overview)" [Luya (Pangkalahatang-ideya)]. University of Maryland Medical Center. 22 Hunyo 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Marso 2016. Nakuha noong 21 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ginger Tea with Orange Slices" [Salabat na May Hiwang Kahel]. Daytona Beach Morning Journal (sa wikang Ingles). 29 Oktubre 1971. Nakuha noong 22 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Lemon Ginger Tea" [Salabat na may Limon]. The Evening News (sa wikang Ingles). 18 Mayo 1988. Nakuha noong 22 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Heiss, Mary; Heiss, Robert (2011). The Story of Tea: A Cultural History and Drinking Guide [Ang Kuwento ng Tsaa: Isang Kasaysayang Kultural at Gabay sa Pag-iinom] (sa wikang Ingles). A Brief History of Tea: Ten Speed Press. ISBN 978-1-60774-172-5. Nakuha noong 24 Agosto 2019.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 "Saenggang-cha" 생강차. Doopedia (sa wikang Koreano). Nakuha noong 23 Oktubre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Agbor, Nnehkai (16 Marso 2017). "8 Healthy Korean Teas To Enjoy Throughout The Year" [8 Masusustansiyang Koreanong Tsaa na Matatamasa sa Buong Taon]. 10 Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Disyembre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. The Korea Foundation, pat. (2004). Korean Food Guide in English. Seoul: Cookand / Best Home Inc. ISBN 89-89782-10-4. Nakuha noong 29 Disyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Parker, Ann (23 Agosto 2016). "Sushi San, Restaurant Review: New sushi spot transforms former Felton home of Mama Mia's". Santa Cruz Sentinel. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Disyembre 2017. Nakuha noong 29 Disyembre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Plen-tea-ful uses". Daily Express (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 2015. Nakuha noong 22 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 Pepy Nasution (12 Pebrero 2010). "Wedang Jahe (Indonesian Ginger Tea)" [Wedang Jahe (Indones na Salabat)]. Indonesia Eats (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Garcia, Miki (2012). Filipino Cookbook: 85 Homestyle Recipes to Delight Your Family and Friends [Aklat-lutong Pilipino: 85 Malagawang Bahay na Resipi para Masiyahan ang Iyong Pamilya at Mga Kaibigan] (sa wikang Ingles). Tuttle Publishing. ISBN 9781462905287.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Besa-Quirino, Betty. "Ginger Tea- Filipino Salabat with Lemon Honey" [Tsaang Luya- Pilipinong Salabat na may Limon Pulot]. Asian in America (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Hulyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Baker, Liren. "Homemade Fresh Ginger Tea" [Gawang-Bahay na Sariwang Salabat]. Kitchen Confidante (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Hulyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Padilla, L.D.E. (2012). "Instant salabat [ginger brew] made easier and tastier" [Instant salabat, pinadali at pinasarap]. BAR Chronicle (sa wikang Ingles). 13 (8): 16–17.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Ginger value chain study in Nueva Vizcaya, Philippines (GCP/RAS/296/JPN) [Kadenang-halaga ng luya, pinag-aralan sa Nueva Vizcaya, Pilipinas (GCP/RAS/296/JPN)] (sa wikang Ingles). Bangkok: Food and Agriculture Organization of the United Nations. 2019. p. 6. ISBN 9789251317518.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Caroline Joan Picart (Enero 2004). Inside Notes from the Outside [Mga Panloob na Tala mula sa Labas] (sa wikang Ingles). Lexington Books. pp. 48–. ISBN 978-0-7391-0763-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Walker, Harlan (1992). Oxford Symposium on Food and Cookery 1991: Public Eating : Proceedings [Simposyong Oxford ukol sa Pagkain at Pagluluto 1991: Pagkakain sa Publiko : Mga Pangyayari] (sa wikang Ingles). Oxford Symposium. p. 99. ISBN 9780907325475.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Long, Lucy M. (2015). Ethnic American Food Today: A Cultural Encyclopedia [Pagkaing Etnikong Amerikano Ngayon: Isang Ensiklopedyang Kultural] (sa wikang Ingles). Rowman & Littlefield. p. 503. ISBN 9781442227316.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Conopio, Camille (4 Disyembre 2013). "Christmas special: Top 10 traditional Filipino food" [Espesyal sa Pasko: Nangungunang 10 tradisyonal na pagkaing Pilipino]. Asian Journal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Hulyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Fresh Ginger Tea with Honey (Salabat) to help cure Cold, Cough and Flu". Manila Spoon. 25 Nobyembre 2015. Nakuha noong 12 Hulyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Can Salabat Make You A Singing Prodigy?" [Maaari Ka Ba Maging Kahanga-hangang Mang-aawit Dahil Sa Salabat?]. OneMusicPH (sa wikang Ingles). 10 Hunyo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Hulyo 2021. Nakuha noong 12 Hulyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Tek-Ing, Jessa. "Guide to Tea in the Philippines: Local Flavors, Farm Tours, Tea Brands" [Gabay sa Tsaa sa Pilipinas: Mga Lokal na Panlasa, Mga Paglilibot sa Bukid, Mga Tatak ng Tsaa]. Guide to the Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Hulyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Edgie Polistico (2016). Philippine Food, Cooking, and Dining Dictionary [Diksiyonaryo ng Pilipinong Pagkain, Pagluluto at Kainan] (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Inc. ISBN 9786214200870.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)