Pumunta sa nilalaman

San Pedro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Simón Pedro)
Apostol San Pedro
Apostol, Papa, Patriyarka, at Martir
San Pedro, (1506) ni Vasco Fernandes. Inilalarawan si San Pedro bilang Santo Papa at hawak ang mga Susi ng Langit at isang libro na kumakatawan sa ebanghelyo
SimbahanMaagang Kristiyanismo Dakilang Simbahan
Sede
NaiupoAD 30[1]
Nagwakas ang pamumunogitna ng AD 64 at 68[2]
Kahalili
Mga orden
OrdinasyonAD 33
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanShimon (Simeon, Simon)
KapanganakanBethsaida, Gaulanitis, Syria, Imperyong Romano
Yumaomga gitna ng AD 64 at 68
Clementinong Kapilya, Burol ng Vaticano, Roma, Italya, Imperyong Romano
Mga magulangJohn (o Jonah; Jona)
Hanapbuhaymangingisda, kleriko
Kasantuhan
Kapistahan
Pinipitagan saSa lahat ng mga Kristiyanong denominasyon na pumipintuho sa mga santo, Islam
KanonisasyonBago ang Kongregasyon
AtribusyonSusi ng Langit, Pulang Martir, pallium, kasuotan ng Santo Papa, tandang, lalaking nakapako sa krus ng patiwarik, apostol, may hawak na libro o pergamino, Krus ni San Pedro, siya ay inilalarawan na may puting balbas at buhok.
PamimintakasiListahan ng mga kapistahan
Mga dambanaBasilika ni San Pedro
Huwag itong ikalito kay Simon ang Cananeo. Para sa iba pa, tingnan ang Pedro (paglilinaw) at Peter (paglilinaw).

Si San Pedro o Simon Pedro (Ebreo: שמעון פטרוס, Shim‘on Petros) ay isa sa mga orihinal na labindalawang alagad o apostol ni Hesus.[3], at ang unang pinuno ng maagang Kristiyanismo.

Itinuturing din siya sa Katolisismo bilang unang Papa. Isa siyang mangingisda na pinangalanang Pedro - Na ang Kahulugan ay maliit na bato - Sa kaniya binanggit ng Panginoong Jesus ang ganitong wika Katotohanang Sinasabi Ko sa iyo na "Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng Batong ito itatayo ko ang aking Iglesia" Tinutukoy ng Panginoong Jesus ang Kanyang Sarili bilang Batong Panulok ang matibay na Pundasyon (Mat 16:18) Nakikilala rin siya bilang Simon lamang o kaya Kefas[4], Cefas[4] o Cephas,[3] na nangangahulugang maliit na "bato" sa wikang Arameo, at katumbas ng Griyegong Petros at ng Lating Petrus. Si San Pedro ang nagsisilbing unang pinuno ng Iglesyang itinayo ng Panginoong Jesukristo.[4] Kasama ni San Pablo, isa si San Pedro sa mga patron ng Roma.[5] Batay sa salaysay sa Bagong Tipan ng Bibliya, dating ipinagkaila ni San Pedro na nakikilala niya si Hesus, subalit napasa kay Pedro ang Diyos.[3] Sinulat ni Pedro ang dalawa sa mga aklat na napabilang sa Bagong Tipan ng Bibliya: ang Unang Sulat ni Pedro at Ikalawang Sulat ni Pedro.[3] Sa Sulat sa mga Galata ng Bagong Tipan ng Bibliya, dinalaw ni San Pablo si San Pedro upang magbigay-galang kay Pedrong itinuturing na Puno ng Iglesya.[4] Kay San Pedro Ipinagkatiwala ng Panginoon ang Kanyang mga Kawan na sa Lumaon sa Kanyang Pangangaral noong Panahon ng Pentekostes ay nakahikayat siya ng Tatlong libong kaluluwa sa Kanya binanggit ni Jesus ang ganito Ipinagkakatiwala Ko sa iyo ang mga susi ng langit [4]

Doktrinang primasiya ni Pedro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang primasiya ni Pedro ang doktrinang pinaniniwalaan ng Simbahang Katoliko Romano na si Pedro ang pinaka-prominenteng apostol ni Hesus na prinsipe ng mga apostol at pinaboran ni Hesus. Dahil dito, ikinatwiran ng Romano Katoliko na si Pedro ay humawak ng isang unang lugar ng karangalan at autoridad.[6] Ikinakatwiran rin ng Simbahang Katoliko Romano na ang primasiya ni Pedro ay dapat lumawig sa Obispo ng Roma o Papa ng Romano Katoliko sa ibabaw ng ibang mga obispo ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng doktrinang katoliko na paghaliling apostoliko. Gayunpaman, ang mga karamihan ng mga skolar ngayon ay naniniwalang ang mga papel ng mga Obispo sa mga simbahan ay nag-ebolb lamang sa mga kalaunang siglo ng Kristiyanismo. Ayon sa mga skolar, walang nagkakaisang pamayanang Kristiyano sa ilalim ng isang pinuno sa mga simbahang Kristiyano noong unang siglo. Ito ay lumitaw lamang noong ikalawang siglo CE.[7] Ang isang pangunahing debate sa pagitan ng mga Romano Katoliko at Protestante sa primasiya ni Pedro at ng papang Romano ay nakasentro sa Mateo 16:18 kung saan sinabi ni Hesus kay Pedro na: " At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades." Ang talatang ito ay pinapakahulugan ng mga Romano Katoliko na sinasabi ni Hesus na itatag ang kanyang iglesia kay Pedro. Kanila ring inangkin na si Pedro ang ginawang pastol ng apostolikong kawan sa Juan 21:15–19. Sa Griyego ng Mateo 16:18 na pinaniniwalaang orihinal na wika ng Bagong Tipan, ang pangalang ibinigay ni Hesus kay Simon ay petros ngunit kanyang tinukoy ang "bato(rock)" bilang petra. Ayon sa ilang skolar, may pagtatangi sa pagitan ng dalawang mga salitang petra at petros na ang petra ay "bato(rock)" samantalang ang petros ay maliit na bato(pebble). Pinapakahulugan ng mga Protestante na ang "batong ito" ay hindi si Pedro kundi sa konpesyon ng pananampalataya ni Pedro sa mga nakaraang talata at kaya ay hindi naghahayag ng primasiya ni Pedro kundi ay naghahayag na itatayo ni Hesus ang kanyang simbahan sa pundasyon ng pahayag at konpesyon ng pananamapalataya ni Pedro na si Hesus ang Kristo. Gayunpaman, ang interpretasyong ito ay itinatakwil ng ilang mga skolar na Protestante gaya nina Blomberg at Carson. Ang ilang mga Protestante ay naniniwalang ang "batong ito" ay tumutukoy kay Hesus bilang reperensiya sa Deuteronomio 32:3-4, "Ang diyos...ang bato(rock), ang kanyang gawa ay sakdal" na kanila ring sinusuportahan ng mga talatang 1 Corinto 10:4 at Efeso 2:20. Ang Efeso 2:20 ay nagsasaad na ang mga apostol ang saligan at hindi lamang ang isang apostol. Ang ilan ay nag-aangkin na ang mga susi sa Mateo 16:18 ay hindi lamang ibinigay kay Pedro kundi sa lahat ng mga apostol ng magkakatumbas. Ang interpretasyong ay kanilang inangking tinanggap ng maraming mga ama ng simbahan gaya ninaTertullian,[8] Hilary of Poitiers,[9] John Chrysostom,[10] Augustine.[11][12][13][14] Tungkol sa interpretasyon ng Mateo 16:18–19, isinulat ni Jaroslav Pelikan na "Gaya ng pag-amin ngayon ng mga skolar na Romano Katoliko, ginamit ito ng sinaunang amang Kristiyano na si Cipriano upang patunayan ang autoridad ng obispo hindi lamang ng obispo ng Roma ngunit ng bawat obispo" na tumutukoy sa gawa ni Maurice Bevenot tungkol kay Cipriano. Bagaman sa 12 alagad, si Pedro ang nananaig sa mga unang kabanata ng Mga Gawa ng mga Apostol, si Santiago na kapatid ng Panginoon ay ipinakitang pinuno ng Simbahang Kristiyano sa mga kalaunang kabanata ng Mga Gawa. Ang ilan ay nag-aangkin na mas nanaig sa ranggo si Santiago kesa kay Pedro dahil si Santiago ang huling nagsalita sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa* na nagmumungkahing ito ang huling pagpapasya na pinagkasunduan ng lahat. Ang katusuan rin ni Santiago ay sinunod sa lahat ng mga Kristiyano sa Antioch na nagpapahiwatig na ang autoridad ni Santiago ay lagpas sa Herusalem. Gayundin, binanggit ni Apostol Pablo si Santiago bago kay Pedro at Juan nang tawagin ni Pablo ang mga ito na "mga haligi ng simbahan" sa Galacia 2:9. Ayon sa Galacia 2:11–13, sinunod ni Pedro ang kautusan ni Santiago na lumayo sa mga hentil at hindi lamang si Pedro kundi pati ang kasamang misyonaryo ni Pablong si Barnabas gayundin ang lahat ng mga Hudyo. Gayunpaman, ayon sa mga teologong Romano Katoliko, ang mga talatang Mga Gawa* at Galacia 1:18–19 ay nagpapahiwatig na si Pedro ang pinuno ng simbahang Kristiyano at si Pedro ang humirang kay Santiago na pinuno nang siya ay lumisan sa Herusalem. Gayunpaman, ayon sa mga hindi naniniwala sa interpretasyong ito ng Romano Katoliko, kung ang pagkakahirang kay Santiago ay kinailangan sa paglisan ni Pedro sa Herusalem, bakit hindi kinilala si Pedro na pinuno sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa*. Si Santiago ay nanatiling nasa papel ng pinuno kahit sa presensiya ni Pedro sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa 15. Ayon sa propesor na si John Painter, mas malamang na ang talata ay nagsasaad na si Pedro ay nag-uulat lamang ng kanyang mga gawain sa kanyang pinunong si Santiago. Ang Galacia 1:18-19 ay hindi malinaw at maaaring pakahulugan upang suportahan ang parehong pananaw na si Santiago o Pedro ang pinuno ng Simbahang Kristiyano sa Herusalem. Gayunpaman, ang katotohanang si Santiago ay binanggit maliban sa iba pang mga apostol ay nagpapakitang si Santiago ay napakahalaga para kay Pablo. Ayon kay Eusebio ng Caesarea, si Santiago ang unang obispo o patriarka ng Simbahang Kristiyano sa Herusalem.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. O'Connor, Daniel William (2013). "Saint Peter the Apostle". Encyclopædia Britannica. Encyclopædia Britannica Online. p. 5. Nakuha noong 12 Abril 2013.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Catholic Encyclopedia : St. Peter, Prince of the Apostles". www.newadvent.org.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 The Committee on Bible Translation (1984). "Peter". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B9.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Abriol, Jose C. (2000). "Pedro, Cefas, Kefas; at mga talababa na kapwa may bilang na 18". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1456, 1459, at 1699.
  5. Thavis, John. San Pedro at San Pablo, mga patron ng Roma Naka-arkibo 2008-12-02 sa Wayback Machine., Pope announces special year dedicated to St. Paul, Catholic News Service (CNS), CatholicNews.com, Hunyo 2007
  6. Dunn, James D.G. The Canon Debate. McDonald & Sanders editors, 2002, ch. 32, p. 577. "For Peter was probably in fact and effect the bridge-man (pontifex maximus!) who did more than any other to hold together the diversity of first-century Christianity. James the brother of Jesus, and Paul of Tarsus, the two other most prominent leading figures in first-century Christianity, were too much identified with their respective "brands" of Christianity, at least in the eyes of Christians at the opposite ends of this particular spectrum. But Peter, as shown particularly by the Antioch episode in Galatians 2, had both a care to hold firm to his Jewish heritage - which Paul lacked - and an openness to the demands of developing Christianity, which James lacked. John might have served as a figure of the center holding together the extremes, but if the writings linked with his name are at all indicative of his own stance, he was too much of an individualist to provide such a rallying point. Others could link the developing new religion more firmly to its founding events and to Jesus himself. But none of them, including the rest of the twelve, seem to have played any role of continuing significance for the whole sweep of Christianity—though James the brother of John might have proved an exception had he been spared." [Italics original]
  7. Harris, Stephen L., Understanding the Bible. Palo Alto: Mayfield. 1985.
  8. "What, now, (has this to do) with the Church, and) your (church), indeed, Psychic? For, in accordance with the person of Peter, it is to spiritual men that this power will correspondently appertain, either to an apostle or else to a prophet." On Modesty. Book VII. Chapter XXI
  9. "This faith it is which is the foundation of the Church; through this faith the gates of hell cannot prevail against her. This is the faith which has the keys of the kingdom of heaven. Whatsoever this faith shall have loosed or bound on earth shall be loosed or bound in heaven. This faith is the Father's gift by revelation; even the knowledge that we must not imagine a false Christ, a creature made out of nothing, but must confess Him the Son of God, truly possessed of the Divine nature."On the Trinity. Book VI.37
  10. "For (John) the Son of thunder, the beloved of Christ, the pillar of the Churches throughout the world, who holds the keys of heaven, who drank the cup of Christ, and was baptized with His baptism, who lay upon his Master’s bosom, with much confidence, this man now comes forward to us now"Homilies on the Gospel of John. Preface to Homily 1.1
  11. "He has given, therefore, the keys to His Church, that whatsoever it should bind on earth might be bound in heaven, and whatsoever it should loose on earth might be, loosed in heaven; that is to say, that whosoever in the Church should not believe that his sins are remitted, they should not be remitted to him; but that whosoever should believe and should repent, and turn from his sins, should be saved by the same faith and repentance on the ground of which he is received into the bosom of the Church. For he who does not believe that his sins can be pardoned, falls into despair, and becomes worse as if no greater good remained for him than to be evil, when he has ceased to have faith in the results of his own repentance."On Christian Doctrine Book I. Chapter 18.17 The Keys Given to the Church.
  12. "...Peter, the first of the apostles, receive the keys of the kingdom of heaven for the binding and loosing of sins; and for the same congregation of saints, in reference to the perfect repose in the bosom of that mysterious life to come did the evangelist John recline on the breast of Christ. For it is not the former alone but the whole Church, that bindeth and looseth sins; nor did the latter alone drink at the fountain of the Lord's breast, to emit again in preaching, of the Word in the beginning, God with God, and those other sublime truths regarding the divinity of Christ, and the Trinity and Unity of the whole Godhead."On the Gospel of John. Tractate CXXIV.7 Abbé Guettée (1866). The Papacy: Its Historic Origin and Primitive Relations with the Eastern Churches, (Minos Publishing; NY), p.175
  13. "...the keys that were given to the Church..." A Treatise Concerning the Correction of the Donatists. Chapter 10.45
  14. "How the Church? Why, to her it was said, "To thee I will give the keys of the kingdom of heaven, and whatsoever thou shall loose on earth shall be loosed in heaven, and whatsoever thou shall bind on earth shall be bound in heaven."Ten Homilies on the First Epistle of John. Homily X.10 cited in Whelton, M., (1998) Two Paths: Papal Monarchy - Collegial Tradition, (Regina Orthodox Press; Salisbury, MA), p28


Santo Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito. Evan Pettiwhisker Tildrum