Pumunta sa nilalaman

Usapan:Estasyon ng Carriedo

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Hiling ng paglipat

[baguhin ang wikitext]

Magandang umaga po sa inyong lahat! Ipinapanukala ko po ang paglipat ng Estasyon ng Carriedo ng LRT sa isang mas-mainam na pamagat. Sapagkat naging "matindi" po ang mga diskusyon sa enwiki, karaniwang umaabot ng maraming mga araw, ililista ko na ang mga ipinapanukala ko pong pamagat na sa paniniwala ko po ay pinaka-stable na anyo."

Kung sa payak na pamagat (para sa mga estasyong may katangi-tanging pangalan):

Kung nais na may indikasyon o paglilinaw (lalo na po para sa mga estasyong nangangailangan ng disambiguation):

Ang gayong paglipat ay makakaapekto ng ibang mga kaugnay na artikulo, kaya minabuti ko po na magkaroon ng kahit kaunting diskusyon hinggil dito.

Mga kaugnay na artikulo

At marahil baka maapektuhan po ang mga artikulo ng mga estasyon ng Ikalawang Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila at Ikatlong Linya ng Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila.

@Sky Harbor, Seav, Jojit fb, HueMan1, Tagasalinero, Korean Rail Fan, Koressha: @Itsquietuptown, TagaSanPedroAko, Raku Hachijo, AJP426:

Binanggit ko rin po ang ilang mga sangkot sa panukalang Wikipedia:WikiProject Council/Proposals/Philippine Railways na may kahit isang ambag sa tlwiki.

Mga konsiderasyon ko po: kailangan pa po ba ng disambiguation sa mga tunay na katangi-tanging pangalan (hal. Carriedo at Bambang) o hindi na; anong uri ng disambiguation ang aangkop (maiwasan sana ang "madugong" mga diskusyon sa enwiki); at kung alin ang mas-angkop dito, "himpilan" o "estasyon"?

Maraming salamat po! JWilz12345 (Kausapin|Mga kontrib.) 01:19, 2 Hunyo 2020 (UTC)[tugon]

Salamat sa abiso, JWilz12345. Sa disambiguation o paglilinaw, kapag mayroon ibang artikulo na katulad sa Wikipediang Tagalog, kailangang may paglilinaw ngunit kung nag-iisa lamang siyang artikulo dito sa Tagalog Wikipedia kahit alam natin na may iba pa siyang kahulugan, wala na dapat pa na paglilinaw. Ang Carriedo ay maaring gawan ng paglilinaw dahil may Kalye Carriedo at Estasyon ng Carriedo ng LRT. Pero dalawa lamang sila kaya puwedeng alternatibong gawin na redirect na lamang ang Carriedo sa Kalye Carriedo tapos may hatnote na lamang ang Kalye Carriedo na nagsasabing: Tungkol sa kalye ang artikulong ito. Para sa himpilan ng LRT, tingnan Estasyon ng Carriedo ng LRT. Ukol naman kung estasyon o himpilan, mas pipiliin ko ang salitang himpilan (i.e. Himpilang Carriedo). Nga pala, yung Estasyon ng Himpilang Sentral ng LRT ay dapat maging Himpilang Sentral na Termnal ng LRT para hindi redundant. --Jojit (usapan) 09:26, 2 Hunyo 2020 (UTC)[tugon]