Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hulyo 6
Itsura
- Isang tsuper ng bus namaril at nakapatay ng anim na manggagawa at nakasugat ng 12 pa habang nakasakay sa isang bus sa Cairo sa Ehipto. (Reuters Africa) (AP via Google)
- Tatlong katao patay sa pamamaril sa isang sangay ng McDonald's sa Pinlandiya. (CNN)
- Estado ng kagipitan pinanatili ng tatlong buwan pa sa Bangkok at 18 pang mga kalapit na lalawigan. (Irish Times) (Asia One) (BBC) (People Daily Online)
- Ministro ng Ugnayang panlabas ng Iran nilinaw na nakakakuha ang kanilang mga eroplano ng gasolina sa mga paliparan ng UK, Alemanya, at UAE. (Reuters Africa) (AFP via Google) (Reuters) (Hindustan Times)
- Dalawang sariling-gawang bomba ibinato sa tanggapan ng magasin na nagkaroon ng alitan sa mga pulis dahil sa umano'y kurapsyon sa ahensiya. (AFP via Google) (Philippine Star) (Jakarta Post)
- Mga mangingisda sa isang nayon sa Calatagan, Batangas apektado ng pagkalat ng tumagas na langis. (ABS-CBN News) (Philippine Daily Inquirer) (GMA News) (Philippine Star)
- Bansang Malaysia nananawagan sa Singapore isalba ang buhay ng isang nagdala ng droga sa Singapore na nahatulan ng kamatayan. (AFP via Google) (The Star Online) (The Online Citizen) (MSN Philippines)
- Pagbisita ni Elizabeth II ng Nagkakaisang Kaharian sa Toronto, Kanada tinamaan ng pagkawala ng daloy ng kuryente. (AFP via Google) (CBC News) (Sydney Morning Herald)
- Nakidnap na Tsinong mangangalakal sa Jolo, Sulu sa Pilipinas noong nakaraang taon, nasagip na ng kapulisan. (ABS-CBN News) (Philippine Daily Inquirer) (AFP via Google) (Mindanao Examiner)