Republikang Tagalog

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Republikang Tagalog ay isang termino na ginagamit upang tumukoy sa dalawang kinatawang panghimagsikan sa Himagsikang Pilipino. Ang dalawa ay may kaugnayan sa himgasikang kilusang Katipunan.

Etimolohiya[baguhin]

Ang terminong Tagalog ay tumutukoy sa parehong ang pangkat etno-lingguwistiko sa Pilipinas at ang kanilang wika. Ang Katagalugan ay maaaring tumukoy sa makasaysayang rehiyong Tagalog sa pulo ng Luzon na bahagi ng Kapuluan ng Pilipinas.

Ngunit ang lihim na samahan ng Katipunan ay pinahaba pa ang ibig-sabihin o kahulugan ng mga terminong ito bilang pagtukoy sa lahat ng mga katutubo ng Kapuluan ng Pilipinas. Ang pangunahing paggamit ng Tagalog ay binigyang-kahulugan ng samahan sa isang talababa:

Sa salitáng tagalog katutura’y ang lahát nang tumubo sa Sangkapuluáng itó; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din.[1][2]

Ang rebolusyonaryong si Carlos Ronquillo ay sinulat ito sa kanyang mga akda:

Ang tagalog o lalong malinaw, ang tawag na “tagalog” ay waláng ibáng kahulugán kundi ‘tagailog’ na sa tuwirang paghuhulo ay taong maibigang manirá sa tabíng ilog, bagay na 'di maikakaila na siyáng talagáng hilig ng tanang anák ng Pilipinas, saa’t saán mang pulo at bayan.[1][2]

Sa ganitong paggalang, ang Katagalugan ay maaaring isalin bilang ang "Bansang Tagalog."[1][2]

Si Andrés Bonifacio, ang kasaping nagtatag ng Katipunan at sa ang magiging pinuno (supremo) ay nagpalaganap ng paggamit ng Katagalugan para sa bansang Pilipinas. Ang terminong "Filipino" ay ipinagagamit lamang sa mga Kastilang ipinanganak sa Pilipinas. Sa pagtanggal ng "Filipino" at "Filipinas" na may banyagang kolonyal na pinaghmula, si Bonifacio at ang kanyang mga kapwa-rebolusyonarista ay "naghahangad na makabuo ng isang pambansang pagkakakilanlan."[1]

Bonifacio[baguhin]

Haring Bayang Katagalugan
Malayang Bansang Tagalog
Estadong hindi tanggap

1896–1897

Watawat ng Katagalugan

One of several variations of Katipunan flags

Pambansang Awit
Marangál na Dalit ng̃ Katagalugan
Kabisera Hindi nabanggit
Pamahalaan Republika
Pangulo Andrés Bonifacio
Panahong pangkasaysayan Himagsikang Pilipino
 - Established Agosto, 1896
 - Disestablished 1897

Noong 1896, ang Himagsikang Pilipino ay nagsimula nang matapos ang pagkakatuklas ng Katipunan ng mga nasa kapangyarihan. Matapos sa malakihang mga pagkakasalungatan, ang Kaipunan ay naging isang bukas na pamahalaang rebolusyonaryo.[1][3][4] Ang Amerikanong historyanong si John R. M. Taylor na kustodyan sa Talang Paghihimagsik sa Pilipinas ay sinulat:

Ang Katipunan ay lumabas mula sa mga pagtatakip ng lihim na disenyo na tinanggal ang pangtakip sa lahat ng mga dahilan at tumayo nang matatag para sa kalayaan ng Pilipinas. Si Bonifacio ay ginawang hukbo ang kanyang mga kasama, ang mga pinuno bilang mga kapitan at ang supremong pagpupulong ng Kayipunan bilang ang panghimagsikang pamahalaan ng Pilipinas.[1][2]

Ang ilang mga historyanong Pilipino ay sumang-ayon. Ayon kay Gregorio Zaide:

Ang Katipunan ay higit pa sa isag lihim na samahan; ito ay isang pamahalaan. Ito ang kagustuhan ni Bonifacio na ang Katipunan ng mamuno sa buong Pilipinas matapos ipatapon ng Pamahalaang Kastila..[1][4]

Samakatuwid, sina Renato Constantino at kasama ang iba pa ay itinuring na ang Katipunan ay isang pamahalaang anino[5][6][7][8]

Nainpluwensiyahan ng Malayang Masoneriya, ang Katipunan ay pinamahalan ng mga "sarili nitong batas, istrakturang biyurokratiko at hinahalal na pamumono."[1] Sa bawat lalawigan na may kinalaman ito, ang Samahang Supremo ay nakipagtulungan sa mga konseho ng nmga lalawigan[2] na namumuno sa "pampubilkong pamamahala at pangh antasukbong kapakanan sa supra-munisipal o quasi-probinsiyal[1] at mga lokal na konseho [2] na namumuno sa kapakanan "sa distrito o antas barrio."[1]

Sa mga huling araw ng Agosto, ang mga kasapi ng Katipunan ay nagpulong sa Kalookan at nagsimulang magsagawa ng kanilang paghihimagsik [1] (ang pangyayaring ito ay matapos na tinawag na "Sigaw sa Balintawak" o "Sigaw ng Pugad Lawin"; ang eksatong lugar at petsa ay pinagtatalunan).

Panunungkulan Pangalan
Pangulo ng Katipunan / Supremo Andrés Bonifacio
Kalihim ng Digmaan Teodoro Plata
Kalihim ng Estado Emilio Jacinto
Kalihim ng Interyor Aguedo del Rosario
Kalihim ng Katarungan Briccio Pantas
Kalihim ng Pananalapi Enrique Pacheco

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 Guererro, Milagros; Encarnacion, Emmanuel; Villegas, Ramon (1996), "Andrés Bonifacio and the 1896 Revolution", Sulyap Kultura (National Commission for Culture and the Arts) 1 (2): 3–12, http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=1 
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Guererro, Milagros; Schumacher, S.J., John (1998), Reform and Revolution, Kasaysayan: The History of the Filipino People, 5, Asia Publishing Company Limited, ISBN 962-258-228-1 
  3. Agoncillo 1990, pp. 177–179
  4. 4.0 4.1 Zaide, Gregorio (1984), Philippine History and Government, National Bookstore Printing Press 
  5. Constantino 1975, pp. 179–181
  6. Borromeo & Borromeo-Buehler 1998, p. 25 (Item 3 in the list, referring to Note 41 at p.61, citing Guerrero & Encarnacion Villegas);
    ^ Borromeo & Borromeo-Buehler 1998, p. 26, "Formation of a revolutionary government";
    ^ Borromeo & Borromeo-Buehler 1998, p. 135 (in "Document G", Account of Mr. Briccio Brigado Pantas).
  7. Halili & Halili 2004, pp. 138-139.
  8. Severino, Howie (27 Nobyembre 2007), Bonifacio for (first) president, GMA News, http://blogs.gmanews.tv/sidetrip/blog/?/archives/301-Bonifacio-for-first-president.html .